Prologue

16.7K 670 25
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad sa bayan upang bumili sana ng palaso para sa aking pangangaso ng may makain naman ako ng di kailangan ng bayad.

Pwede naman akong gumawa pero hayss tinatamad ako eh...

"HOYYYY MAGNANAKAW!!!!" Nahawi ako sa aking kinatatayuan ng biglang may kumaripas nang takbo na lalake.

"TULONG KUNUHA NIYA ANG AKING MGA PILAK!!!"sigaw ulit nung matabang babae kaya walang kung ano ay kumaripas rin ako nang takbo upang habulin ang magnanakaw wala akong pake sa mga nababangga ko basta't mahabol ko lang ang magnanakaw na iyon.

Ginamit ko ang aking kapangyarihang hangin upang mas mapabilis ang aking galaw hanggang sa makarating ako sa dulo ng bayan kung saan huminto ang magnanakaw at hinarap ako at agad akong pinaulanan ng sandamakmak na bato.

Agad akong umilag sa kanyang mga atake,"iyan lang ba ang kaya mo?"tanong ko't iminuwestra ang aking kamay at dahan dahang inaalis ang kanyang hangin sa katawan kung kaya't napa upo ito habang pilit na hinahabol ang kanyang hininga.

"T-tama n-na k-kunin m-mo n-na i-ito"hirap na hirap nitong ani at itinaas ang basket na may lamang pilak.

Kinuha ko ito at hinampas sa ulo n'ya ng malakas kung kaya't nawalan ito ng malay,"Dami mong pwedeng gawin magnanakaw ka pa *smirk* tara na nga"ani ko at pinalutang sa ere ang lalaki saka naglakad pabalik sa sentro ng bayan ngunit iba ang aking nadatnan.

Biglang napa tingin sa'kin ang mga tao rito at nanlilisik ang mga matang tinignan ako,"SIYA!!!!"
Pasigaw na usal nung babae na madungis ang mukha habang may hawak itong gutay gutay na gulay sabay turo sa akin, nanlalaki ang mga matang tinuro ko ang sarili ko.

"Ako?Baka s'ya?"nalilitong pagtatama ko at wala sa sariling tinapon sa harap nila ang walang malay na lalaki.

"Ikaw babae ka!tinulak mo kami kung kaya't ganito ang itsura namin ngayon!"

"Nasira rin ang mga paninda namin dahil sa kagagawan mo!"

"Sana di mo nalang hinabol ang magnanakaw dahil mas malaking perwisyo pa ang naidulot mo!"bulyaw nila sa akin.

Napa ngiwi naman ako ng mapagmasdan ang paligid, makalat at sira-sira ang mga tindahan at ang mga paninda.

Seryoso?ako talaga gumawa nyan?

"Pinuno!hulihin n'yo ang babaeng iyan kasama nung mag nanakaw!pareho silang perwisyo dito sa bayan!"galit na sambit nung babae na siyang kanina pa sigaw nang sigaw.

War shock ka ghorl?

"Oopsss...ako pa nasisi"napa irap nalang ako at masamang tinignan ang war shock na ale.

"Sige damputin ang babaeng yun at ang magnanakaw na ilang linggo ng namemerwisyo dito sa bayan"ani nung matandang lalaki at agad namang lumapit ang dalawang kawal ng bayan at hinawakan ang aking braso.

"Teka!"pigil ko bago pa man humakbang,"paki bigay ito dun sa matabang ale"ani ko at ibinigay ang basket na puno ng pilak.

Tinignan muna ako ng kawal saka hinablot sa kamay ko ang basket,aba!bastos yun ah!lagot ka sa'kin pag ikaw nasumbong ko sa hari.

Ibinigay nung kawal ang basket dun sa ale at mangiyak ngiyak namang tinanggap iyon ng ale,
at mukhang may sinasabi pa ito sa kawal na mukhang tungkol sa akin dahil napa lingon ang ale sa aking dereksyon at ngumiti.

At binigyan nito ang kawal ng iilang piraso ng pilak saka ito lumapit sa amin,"napiyansahan na iyan pakawalan na"ani nito saka umalis.

Tsk pwede lang pala piyansahan edi sana pinukpok ko na ang bastos na yun ng ginto psh.

Tuluyan na ngang umalis ang pinuno at ang kanyang mga kawal kasama nung magnanakaw habang ako ay nakatayo't maiging pinagmamasdan ang papalayong karwahe ng pinuno.

"Bwisit!naman sana hinayaan nalang makulong!ng mabawasan ang peste sa bayang ito!"amok nung babae parang puwet ng manok ang bibig.

Nilingon ko ito,at ayun inaayos nito ang mga bulok nitong paninda,ipinormang baril ko ang aking mga daliri sa aking kanang kamay at itinutok ito dun sa tindahan nung babae.

"Air blast renew"

Bulong ko at pinatamaan ang tindahan na wala pang isang segundo ay nagmukha ng bago at di bulok gaya kanina,mukhang nagulat naman ang babae.

"Hala!nako!!!ano to?maayos na ang tindahan ko!"sigaw nito at mukhang di makapaniwalang hinahaplos ang kanyang bagong tindahan at paninda.

Napa irap nalang ako at ganon rin ang ginawa ko sa iba pang tindahan ng di man lang nila napapansin,nang matapos ay lumapit naman ako sa tindahan nung matabang ale.

"Air blast renew" panghuling bigkas ko at nang makitang maayos na ang tindahan nung matabang ale saka ako mas lumapit,"ale"tawag ko dun sa ale na agad namang humarap ng may ngiti sa labi nito.

"Ah ikaw pala hija,maraming salamat sa paghuli mo dun sa magnanakaw kanina,pang huling pilak ko pa naman iyon para sa bagong uniporme ng aking mga anak"ani nito at tumango lang ako,di n'ya naman makikita ang aking ngiti dahil kalahati ng aking mukha ay matatabunan ng balabal.

"Walang ano man po ale,maraming salamat rin po"ani ko at nakakatuwang isipin na di man lang pinagtuunan ng pansin ng ale ang kanyang tindahan na bagong bago.

Isa ito sa indikasyon na walang halaga ang mga pagbabago at mas mahalaga ang kung pano ka makisalamuha ng maayos sa iyong kapwa.

"S'ya nga pala ale pabili nitong Mansanas"sabi ko at mas lumapad ang ngiti nung ale.

"Teka babalutin ko lang hija"ngiting ani nito at tumalikod upang kumuha ng pangbalot, ngunit hindi ko na iyon inantay imbes ay kumuha ako ng limang pirasong ginto sa aking bulsa at inilapag ito sa counter ng tindahan at mabilis na naglakad palayo upang maghanap ng palaso.

______

So...okay ba?itutuloy ko ba?
If you want the NEXT Chapter just vote⭐ if you want you can comment💬 and please Follow me👉🏻Little_Acey

Read my other STORIES😇

Magic World above👆🏻
on the Multimedia☺

#STAYSAFE
#BEHAPPY
#LUVUOL

🌹💗✨

👇🏻⭐

The Troublemaker Princess(Aghilous Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon