Epilogue

4.4K 309 12
                                    

Queen Arazzeilla Vanara Shai Tharelly's P.O.V

Sa nakalipas na isang taon mula noong kunin s'ya sa akin ay hindi na ako nakaramdam kung paano pa maging kompleto muli.

I tried to beg the gods and goddesses to bring him back to me but they silently refuse,naaalala ko pa ang huling sinabi sa akin ng Goddess elife.

"If he's meant for you then he'll be back someday"

Kailan ba ang someday na yun? Isang taon na akong nag-aantay at kailangan narin ng hari ang kahariang aking pinamumunuan ngayon.

"My King would you let me marry with another man?" mahinang bulong ko sa hangin habang nakatingala sa kalangitan.

Ganito pala ang naging pakiramdam ni Madam Reign noon pero ang lahat ng lungkot ni madam reign ay napawi nang bumalik muli si Acre,nakaka ingit pero masaya ako para sa kanila at least ngayon magkaka-anak na sila.

"Mahal na reyna handa na ang iyong karwahe patungong Venushe"imporma ng isang kawal na akin lamang tinanguhan at agad na naglakad paalis ng aming hardin.

Nang makalabas ay sinalubong ako nina Ina at Ama na nakangiti akong pinagmamasdan"ayos lang po ba talaga?"nag-aalangang tanong ko ngunit matamis lamang silang ngumiti.

"Masyado mong ginalingan ang iyong tungkulin little Ara,give yourself a break anak"ngiting ani ni ama at hinalikan ako sa noo at saglit kaming nagyakapan.

"Anak free yourself from sadness..."mahinang ani ni Ina at napa tingala lamang ako upang pigilan ang aking mga luhang nagbabandyang tumulo.

"I will"sagot ko at kinawayan sila bago pumasok sa aking karwahe.

Tahimik ng naging biyahe patungong venushe village,pinili naming dumaan sa kagubatan dahil magiging hirap kaming dumaan kung sa bayan.

Masaya na siguro ako ngayon kung na buhay lang s'ya,kung ganon ay siguro tulad nina kuya shailo,kame,galenn at amara ay masaya na kami habang pinamumunuan ang aming kaharian.

Si kuya shailo ay kasal na kay kame at ngayon ay pareho nilang pinamumunuan ang lightning kingdom paminsan ay dumadalaw si kuya sa kaharian namin upang tulungan ako kahit hindi naman na masyadong kailangan.

Habang si Galenn at Amara ay malapit ng magka-anak at masaya ako para sa kanila.

At ako?heto kailangan ng maghanap ng haring makakatuwang ko ngunit hindi ko ata kaya,isa lang ang gusto kong maging hari ko.

Siya lang at wala ng iba.

Kung bakit sa dinami-dami ng pangyayari ay kamatayan pa ang kanyang hinarap,minsan ay nagagalit ako kung bakit di n'ya nilabanan ang kamatayan ngunit kapag naaalala ko kung paano n'ya sabihing mahal niya ako kahit na s'ya'y naghihingalo na ay hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko.

Kung sana'y dumilat nalang ako noon baka kasama ko parin s'ya ngayon,kung sana ay inuna ko munang sagipin s'ya bago ko pinatay ang halimaw na Recle na yun.

"Mahal na reyna narito na po tayo"anunsyo ng kutsero at binuksan naman ng isang kawal ang pintuan ng karwahe habang ang isa ay inalalayan ang aking pagbaba.

Isang maliit na ngiti ang gumuhit sa aking labi habang nakatingin sa bunggalong aking kaharap,
"MAHAL NA REYNA!!!"rinig kong tili ng isang ale at nang aking lingunin ay tuluyan na akong napa ngiti.

"Aling bechay!"tawag ko at natawa na lamang ng maiyak ito.

"Ikaw'ng bata ka kung ano-ano pinagtatawag mo sa AKIN, ke-bebang ke-bechay kaya tuloy napapa bebang narin ang papakilala ko sa iba"natatawa akong yumakap ulit,bechay/bebang ay hindi tunay na pangalan ni aling Beatrice,Oo Beatrice ang kanyang tunay na pangalan.

The Troublemaker Princess(Aghilous Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon