Zeilla's P.O.V
Sa aming lahat ay ako lang yata ang napuruhan,ako lang kasi ang naiwan dito sa royal house at nasa beach naman silang lahat para magmatyag.
Hindi rin magawang pahilumin ni galenn ang mga sugat ko dahil kaunti nalang ay mukhang matri-trigger na si lizzeilla at baka biglang lumabas.
*swoosshhh*
Marahang napa lingon ako sa may pinto papunta sa veranda at napa kunot noo nang makitang nakabukas ang pinto nun at nililipad ang puting kortina.
*swoosshhh*
Tila may gustong sabihin sa akin ang hangin ngunit parang may pumipigil nito,marahan ang bawat galaw ko dahil na rin sa panghihina,humingang malalim ako't tumayo at nilapitan ang pintong nakabukas.
Sarado naman ito kanina pero dahil sa lakas ng hangin ay nagbukas iyon ng di ko man lang napapansin.
"Vievara electecrum..."
Bigla akong na alerto dahil sa aking narinig,di man sigurado ngunit alam kong isa yong spell.
"Vievara electecrum..."
"Vievara electecrum..."
"Vievara electecrum..."
Paulit-ulit ang mga katagang hindi ko naman maintindihan, agad kong tinakpan ang aking mga tainga dahil naging masakit iyon sa aking pandinig at unti-unti na ring nanlalabo ang aking paningin.
What the heck am I gonna do now?hindi ko kayang labanan kung ano man iyon,Lizz I need you...
'I can't fight it too ara..'
T*kte lizzeilla 'bat ngayon pa?diba gusto mong lumabas kanina?ano na?
'I can't Arazzeilla!nasa iisang katawan tayo at tulad mo wala rin ak---'
"Vievara electecrum..."
And everything went dark---
~
Masakit ang ulo ko nang magising,di ko man lang maidilat ang mga mata ko parang minamaso ang utak ko sa sobrang sakit.
Jusko ang sakit ng ulo ko...
Pilit na inangat ang aking katawan at sumandal sa headrest ng kama,I don't know why but I feel strange..
"Vievara electecrum?"wala sa sariling usal ko nang maalala ang katagang iyon.
Teka---agad na naidilat ko ang aking mga mata sabay singhap nang maalala ang nangyari,
"I've been into a spell!"inilibot ko ang aking paningin at agad na napa upo nang maayos dahil sa aking nakikita."W-where Am I?"mahinang tanong ko at manghang inilibot ang tingin sa loob ng silid.
"Narito ka sa aking tahanan Prinsesa"
Agad akong napa lingon sa nagsalita at naabutan kong nakatayo ang isang babae na mukhang kaedad ni mommy.
WITCH.
Yan ang unang pumasok sa isip ko habang nakatingin sa babae na may dalang tray na may maliit na bowl na umuusok pa.
"I-ikaw,ikaw ang witch kanina!" sigaw ko at itinuro pa s'ya, ngumiti naman ito at naglakad papunta sa parang mini sala ng silid.
"Sa katunayan ay kagabi pa po iyon prinsesa"mahinhing aniya at umupo sa sofang nakaharap sa akin.
"Saan mo ako dinala?bakit mo ako dinala dito?anong kailangan mo?are you gonna kill me?" sunod sunod kong tanong habang alerto pa rin sa kanyang maaring gawin."At paano mo ako dinala rito?"dagdag ko.
BINABASA MO ANG
The Troublemaker Princess(Aghilous Academy)
FantasyTAGLISH- She doesn't make troubles but they call her the Troublemaker.Just A little touch on her skin is her weakness.Love will always be her strength.And she's thankful for her second chance of living again. ~ "Pinuno!hulihin n'yo ang babaeng iyan...