Chapter 40:Acidic Saliva

2.4K 183 8
                                    

Third Person's

Marahan ang bawat hakbang,tahimik ang bawat galaw,pigil ang hiningang pumasok sila sa palasyo ng Witchery.

Walang kasiguraduhan kung makakalabas pa ba sila ng buhay,
"May bantay"pabulong na imporma ni unggoy sa mga kasama.

Sabay sabay na sinilip nila ang isang halimaw na may ulo ng isang nabubulok na usa at katawa ng isang tao na syang mukhang na aagnas na.

"Ako na ang bahala"matapang na ani ni kame at gamit ang bilis ng kidlat ay wala pang isang minuto'y nagawa na nitong patayin ang halimaw na iyon,saka nito sinenyasan ang mga kasama na wala ng ibang naroroon.

'Nakakapagtaka namang yun lang ang bantay rito' sa isip ng matalinong unggoy at mas naging maingat pa ito.

Patuloy ang marahang mga galaw nila,ngunit sa hindi inaasahan ay biglang lumitaw ang kumpol kumpol na halimaw sa kanilang harapan.

*Raawwwrrrr*

*Grrrrrr*

Nakakatakot ang mya itsura nito dahil sa agnas na ang mga katawan nito'y nabubulok pa at masangsang ang mga amoy.

"I think that one earlier is a trap" usal ni Xiomiere at sinalubong ang isang halimaw na may tatlong ulo ng iba't ibang hayop.

"Mahihirapan ata tayong makarating sa tuktok ng palasyo,knowing na alam nilang darating tayo"ani ni galenn at ekspertong iwinawasiwas ang latigo nito na gawa sa isang matibay na ugat na nababalutan ng tinik.

"We can do this!fvck!"napapa murang usal ni shailo ng masugatan ngunit tinuloy parin nito ang pakikipaglaban.

Habang si Arazzeilla ay ingat na ingat sa kanyang bawat galaw dahil kailangan n'yang magtagal at malakas hanggang sa makarating sila sa tuktok ng palasyo kung saan lilitaw ang source of magic ng Witchery.

Ilang minuto lang ang itinagal ng kanilang pakikipaglaban sa mga halimaw at wala pang isa sa kanila ang nagagalusan.

Kung anong kaba ang lumulukob sa panig nina Arazzeilla ay s'ya namang ikinatuwa ng Reyna ng Witchery.Aliw na aliw ito sa kanyang pinapanood mula sa isang bolang kristal,hinahayaan nitong kagatin ang patibong na s'yang plinano nito noong una pa lang lalo na't alam nitong isang natutulog na halimaw ang gigising ilang oras mula ngayon.

Walang ka malay malay sina Arazzeilla na sa oras na marating nila ang tuktok ay may nag-aantay pa sa kanilang isang napaka laking surpresa.

"Y'better run run run.....out of here..."

Puno ng di malamang saya'ng kanta ng Reyna na wala na sa kanyang tamang pag-iisip, paunti-unti nitong pinuputol ang mga daliri sa isang kamay na di malaman kung sino ba ang nagmamay-ari nito.

SA LABAS ng palasyo ay nag sisimula na ang pinakahihintay ng lahat,unti-unting nagtitipon ang mga ligaw na kapangyarihan sa kabilugan ng bwan,ang Spell at ang Charm.

Tila abo na kulay ginto ang mga ito at nagsisilabasan at nagtitipon tipon,nakakamangha itong panoorin ngunit kung sa ganoong sitwasyon ay mas nangingibabaw ang pangamba sa lahat.

Hindi sigurado sa tagumpay ngunit patuloy na lalaban kung luhaan man.

•••
Zeilla's P.O.V

I feel uneasy within the power fighting inside me,pero hindi ko iyon pinapahalata.

Nagsisimula na ang eclipse ng dalawang kapangyarihan at dahil don ay na tri-trigger si Lizzeilla, kung hindi ko s'ya palalabasin sa aking katauhan ay baka kusa na n'ya akong kontrolin at hindi iyon maaari dahil hawak ko ang buhay ng aking kasamahan.

The Troublemaker Princess(Aghilous Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon