Hi!beshieess it's been 10 days or 11,12,13?hmm...🤔
Read at your own risk. chourrsss😂
So shall we?tignan natin kung andyan pa yung mga solid readers ko😂😘
Ps.masama parin pakiramdam ko pinilit ko lang maka update dahil ang tagal ko atang hindi naka update.hanudaw?😂
__________Xiomiere's P.O.V
Kahit na ipagtabuyan n'ya kami ay hinding hindi kami aalis dito kahit ano pa ang mangyari.
Well actually,lumipat na kami dito at nag-extend narin kami ng 5 days para sa misyong ito, kanina pa kami rito sa sala habang katabi ang mga bagahe namin.
Wala kasi kaming mapagtutulugan dito dahil hindi pa namin nakikita si Zeilla simula kanina at ngayon ay si aling bebang ang nag-aasekaso sa amin.
"Mga kamahalan nasa kanyang silid lang si Ara at lalabas rin yun mamaya upang mangaso,kaya ihahatid ko muna kayo sa inyong silid."ani ng ale at sinenyasan kami nito na sumunod sa kanya kung kaya't kanya kanya kami nang bitbit ng aming mga bagahe.
"Ang gara ng bahay ng kapatid mo shai no?"manghang ani ni kame at kung saan saan inililibot ang tingin.
"Yes,hindi ko alam na ganito na pala s'ya kayaman kahit wala kami"may halong lungkot na ani ni shailo,tinapik naman ni galenn ang balikat nito.
"Dito po ang inyong silid mga kamahalan"ani ni aling bebang habang hawak ang seradura ng pinto.
"Sa iisang silid lang kami?" pakurap kurap na ani ni amara ngunit nginitian lang ito ng ale saka binuksan ang pinto.
At ganon nalang ang pagkamangha namin nang makita ang malawak na silid,tila hindi ito parte ng bahay dahil sa laki,may anim na double deck na kama at may mga sofa at coffee table sa may kaliwa habang sa kanan naman ay ang glass door na s'yang balkonahe at matatanaw rito ang napaka gandang likha ng kalikasan.
"This is amazing"bulong ni galenn at napa tango nalang kami,iginaya kami ng ale sa loob at ipinakita kung gaano ka lawak ang silid.
Actually,okay na rin dahil may dingding naman na nakapagitna sa tulugan ng mga babae at lalake,tatlong double deck para sa babae at tatlo rin sa lalake kaya may privacy parin kahit papano.
At kung bathroom ang pag-uusapan meron din rito at syempre separated ang sa babae at ang sa lalake.
Nagpaalam na si aling bebang na uuwi na dahil mag hahapon na at baka nasa bahay na raw ang anak nito na galing sa paaralan dito sa bayan.
Nang matapos ang pag-aayos ng aming mga gamit sa kanya kanya naming aparador ay sabay kaming pumunta sa balkonahe,may dalawang hammock sa kanang bahagi ng balkonahe at sa kaliwa naman ay ang puting wooden stools na naka palibot sa roundtable.
Si kame ay tuwang tuwa na pumunta sa hammock at sinundan iyon ni shailo habang si galenn at amara ay lumapit sa railings at doon sumandal habang naka tanaw sa ibaba,at ako?tumuloy ako sa mga upuan at doon muna ako saglit mag papahinga.
Epal naman kasi sina kame at shailo dapat inunahan ko na dun sa hammock tss.
Naririnig ko ang kanilang mga tawanan at usapan ng biglang,
"Guys ayun si Zeilla oh!"pasigaw na ani ni amara habang nakaturo sa ibaba."Oo nga"pagsangayon ni galenn.
Agad akong napa tayo at lumapit dun sa railings at doon ko nakita ang babaeng may kakaibang ganda kahit na ito'y nakatalikod habang papasok sa gubat.
"Tara sundan natin"ani ko at walang pagdadalawang isip na tinalon ang balkonahe pababa.
Narinig ko pang napatawa ang mga kaibigan ko dahil sa ginawa ko pero sumunod rin ang mga ito kahit na sobrang taas,kanya kanyang gamit naman kasi kami ng kapangyarihan para makalapag ng maayos.
Tahimik na sinundan namin si Zeilla habang ito naman ay tila walang ka alam-alam na nasa likod lang kami,may balabal ito sa ulo at may hawak itong pana.
At mapapansing pabilis nang pabilis ang lakad nito at ganon rin kami.
"Grabe ang cool nung pana n'ya no?"pabulong na ani ni kame at sabay sabay pa kaming apat na nilingon s'ya at sinamaan nang tingin sabay.
"Shhhhh"
"Tumahimik ka baka marinig n'ya tayo"bulong naman ni amara.
"Sinasa--"hindi na naituloy pa ang sasabihin ni kame ng biglang bulusok sa aming dereksyon na limang palaso kung kaya't kanya kanyang ilag kami.
"Bakit n'yo ako sinusundan?" agad akong napa ayos nang tayo at tinignan ang nagmamayari ng boses na yun.
"Hi babe"wala sa sariling usal ko habang abot-abot ang kaba ng aking dibdib dahil naka tutok sa aking ang pana nito.
Rinig ko pa ang pigil na tawa nung mga kasama ko ngunit napa hinto rin ang mga ito nang tutukan rin ang mga ito ng pana.
"Diba sinabi ko na kanina na umalis na kayo!"may halong diin na ani nito at kita rin ang mababangis nitong berdeng mga mata.
"Actually zeilla inaya ko na silang umalis kanina pero ayaw eh...tapos itong si shailo at Xiomiere inaya pa kaming tumira sa bahay mo hehe" sumbong ni galenn,
"WHAT?!"gulat na kunot ang noong usal ni Zeilla.
Gag*ng galenn wala naman s'yang sinabi na umalis na kami,at kami pa talaga ang nag aya?eh...s'ya naman ang naka isip nun ang putcha!
"Umalis na kayo pwede ba?!wala kayong mapapala dito,nagsasayang lang kayo ng oras"ani nito sabay talikod,ngunit mabilis akong naglakad palapit rito saka ito pinihit paharap at sabay alis ng balabal na nakatakip sa mukha nito.
Tinitigan ko ang nanlalaki nitong mga mata,halatang nagulat ito sa aking ginawa,hinapit ko ang baiwang nito at marahang dinampian ang mapupula nitong labi gamit ang aking labi.
Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa basta wala na akong maisip baka tuluyan na s'yang umalis at takasan kami.
Napa pikit ako dahil sa kakaibang pakiramdam ng magdikit ang aming mga labi,narinig ko pa ang mga singhap ng mga nasa likuran ko.
Napa ngiti ako at sabay dilat ng aking mga mata,kitang kita ko ang pamumula ng mukha nito habang nanlalaki parin ang mga matang naka tingin sa akin.
"Hi babe"naka ngising bulong ko nang makitang mas pumula pa ang mukha nito.
___
Hindi ako kinilig hahaha slight lang talaga😂Hi welcome back😍kung may bumalik pa ba sa mga naunang nagbasa nito🤩
Follow😘👉🏻Little_Acey
👇🏻⭐
BINABASA MO ANG
The Troublemaker Princess(Aghilous Academy)
خيال (فانتازيا)TAGLISH- She doesn't make troubles but they call her the Troublemaker.Just A little touch on her skin is her weakness.Love will always be her strength.And she's thankful for her second chance of living again. ~ "Pinuno!hulihin n'yo ang babaeng iyan...