Zeilla's P.O.V
Halos hindi ako mapakali, nagmumukmok lang ako habang iniisip ang kaganapan kanina.
Oo,tinataboy ko sila pero hindi ibig sabihin nun na gusto ko silang umalis,kung aalis man sila gusto ko ay kasama ako.
Ngunit ayaw ko pang mawala sa mundong ito,Tahimik ngunit malungkot ang aking buhay,kung buhay nga ba na maitatawag.
I wondered what does it feels, kung kasama ko sina Ina at Ama,sina ate canny at kuya,hmm siguro masaya no?naiiyak nalang ako sa iisiping iyon,nakakaawa nga ako.
Saka wala pa pala akong kain buong araw,nagwawala tuloy tiyan ko,"Sis uhm...are you still up?"di kalaunay rinig ko mula sa labas.
Si kuya talaga di mahilig kumatok,ganyan naman s'ya kahit noong mga bata pa kami nakakatuwa lang dahil hindi parin s'ya nagbabago.
"Sis?"tawag nito muli nang hindi ako sumagot.
"Okay lang ako"sagot ko nalang kahit na miss na miss ko na ang may kasabay kumain,kasabay ko naman sina aling bebang at bebot kaso miminsan lang yun,okay naman si unggoy dahil lagi ko s'yang kasamang kumain kaso prutas lang kinakain n'ya at di ko s'ya masyadong feel kase ang tahimik.
Gusto ko yung tulad ng dati.
"Zeilla?si kame to,kaibigan ni shailo uhm...hindi ka pa raw kasi kumakain sabi ni aling bebang kaya gusto ka sana naming makasabay"ani nung nag ngangalang kame.
Napa buntong hininga ako bago tumayo sa aking kama at nilapitan ang pinto at ambang bubuksan iyon ngunit,"Mauna na kayo sa baba susunod ako" mahinang sabi ko sabay sandal ng aking noo sa nakasarado paring pinto.
"Omygosh sasabay s'ya!"
Rinig kong tili mula sa labas nakasisiguro akong si kame iyon base narin sa pagiging maliit at kikay nitong boses.
"Ang ingay mo tara na nga,baka gutom na yung si zeilla"
Hindi ko alam ngunit bigla akong kinabahan nang marinig ko ang boses na yun,ang boses ni Xiomiere.
May gusto ata ako sa lalakeng yun...
Ano ba yan!!!Zeilla umayos ka nga!
Wala sa sariling inuntog ko ang noo ko sa pinto dahil sa aking iniisip na maaaring gusto ko nga si Xiomiere,pag nagkataon swerte ang lalakeng yun dahil ang nag-iisang anak N'YA ay nagkagusto sa isang masuwerteng prinsepe.
Ngunit...gutom na ako kaya bababa na ako.
•••
Third Person
Habang naghihintay ang magkakaibigan sa pagbaba ni Arazzeilla ay di mapigilang lingunin nila si unggoy.
Ang unggoy ay prenteng naka upo kasama nila habang kumakain ito ng mansanas, katabi lang ito ni Galenn na s'yang nagpapakaba sa binata ngunit halatang natutuwa rin ito dahil mahilig nga ito sa mga hayop.
"Don't look at me"ani ng uggoy at tuloy lang ito sa pagkain,"Kung may kailangan kayo sabihin n'yo na"ani nito tila alam na alam ng unggoy ang gustong ipahiwatig ng kanilang mga tingin.
"I want to bring my sister home" deretsong ani ni Shailo at seryosong nakatingin sa unggoy ganon rin ang iba.
"Hindi mo s'ya kapatid"sagot naman ng unggoy at bahagyang napa tigil sa pagkain nunkang may naalala ito.
"Ano bang pinagsasabi mo?" nawawalan ng pasensyang ani ni amara,"Papaanong hindi sila magkapatid huh?hindi maaaring magkamali si Shailo"dagdag nito.
"Wag ako ang tanungin n'yo,wala ako sa lugar para sagutin ang mga katanungan na yan" masungit na usal nito saka umalis sa pinakakaupuan nito sabay labas.
BINABASA MO ANG
The Troublemaker Princess(Aghilous Academy)
FantasyTAGLISH- She doesn't make troubles but they call her the Troublemaker.Just A little touch on her skin is her weakness.Love will always be her strength.And she's thankful for her second chance of living again. ~ "Pinuno!hulihin n'yo ang babaeng iyan...