14

1.3K 109 11
                                        

Content Warning: Alcohol drinks.

Chapter 14:
Please, Hold Me Closer

It's the rewarding feeling that keeps my spirit alive tonight. Parang gusto kong tumalon, sumigaw, sumayaw, at yakapin pa lalo ng mahigpit ngayon si Marvin sa tabi ko kahit kanina pa siya nasasakal sa sobrang hyper ko.

"Will you drink tonight?" Tanong ko sa kaniya.

Pareho kaming naiwan sa kwarto, sila Van at Nirvana kasi ay nasa baba na, puma-party na 'yun for sure.

"Konti lang," pagtango niya. Nakayakap pa rin ako sa kaniya, kakatapos lang namin magbihis. "Let's not drink too much. Nabasa ka pa ng ulan kanina, baka magkasakit ka."

Now I'm the one nodding. Pagbaba namin, hinanap na namin kung saang bar sila nagpunta.

The nightlife here in La Union is very much alive, especially now that it is the weekend. There are open tents everywhere, full and vacant tables, overlooking view of the beach, loud screams and music, while almost everyone is dancing.

Nakasalubong agad namin sila Wes at ang unang ginawa nila ay mag-abot ng drinks. "Cheers, Direk!"

Inabutan naman ni Ash na katabi ni Frigo si Marvin na hinantay ko para sabay kami. "Umiinom ka ba kahit athlete ka Kuya?" Tanong ni Ash sa kaniya.

"Occasionally," halos pasigaw na sila magsalitan ng salita.

The five of us clink our glasses before we finally drink it. Nag-init agad ang lalamunan ko kahit na mukha at may pagka-lasang juice lang ito.

Pagkatapos ay sinamahan ako ni Wes na puntahan sila Van. Iniwan ko muna si Marvin kanila Frigo at Ash, mukhang bibili pa sila ng mga drinks.

"Wooh! Inom now, edit later!" Sigaw ko kay Van.

"Direk naman, 'wag mo munang ipaalala!" Pag-akbay niya sa akin.

Kinurot ko siya sa kaniyang abdomen. "Pawisan ka oh, lagkit!"

"Direk Davi! Five seconds! Dali!"

"Ey! Ey! Ey!"

"Five seconds! Five seconds! Five seconds!"

"Pass, pass, 'di pa kaya ni Direk Davi 'yan!" Pagtanggol sa akin ni Van.

"At dahil ikaw ang tagapagligtas ni Direk, ikaw ngayon ang target!" Hinablot agad ni Wes ang bote ng Cuervo at agad na pinatingala si Van.

Wala namang nagawa si Van kung 'di ang tanggapin ang naging kapalaran niya.

Hinila ako bigla ni Wes papunta naman sa kabilang table na ilang hakbang lang malapit sa mga nagbo-bonfire malapit sa dagat.

"Let's take pictures!" Sigaw niya. "Mamaya may fireworks show din! So let's better stay until 12 a.m. ha!"

Kinuhanan ko siya ng mga litrato, ganon din ako. Saka kami kumuha ng mga point five selfies together.

"Now that we're alone Direk, can I ask you something?" Naglalakad na kaming pareho pabalik sa grupo nang i-open up niya ito.

"Okay, go?" Pagpayag ko.

"Kilala mo si Aries, right? He told me about you." That was beyond the question I was expecting.

"Oh... yeah," pagtango ko.

"Nice! Ries and I are also close friends actually! But do you also know Kuya Romeo?"

Namalat agad ang lalamunan ko na parang gusto ko na lang ulit uminom nang marinig ang pangalan na 'yun.

Lovesick: Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon