Mature Content: Conversations about sex.
Chapter 3
New DreamsThere's nothing even more gut wrenching than sitting in a waiting room after an hour of meeting the producers of this known label company.
Para bang sasabog ang tiyan ko sa kaba at labis na pag-iisip sa mga posibilidad na pangyayari sa oras na tanggapin ng Bright Label ang manuscript namin. This is the third entertainment company door that we knocked this December and since then, none of them opened.
Sa pagbukas ng pinto, tila ba kiniliti ang kailaliman ng aking dibib hanggang maisara nang tuluyan ito ni Van. Bagsak ang kaniyang mukha, pilit na binubuhat ang natitirang lakas ng kaniyang labi para ngumiti, at bago pa man niya ito tuluyang ibuka, alam ko na ang sasabihin niya.
"We'll try again to our last one," he said, still on his invisible mask.
"It's okay," I try to lift up the mood by covering the disappointment with my forced smile.
Pakiramdam ko ay ayaw niya lang ipakita sa akin na sa bawat pagtanggi ng mga producer na gawin ang proyektong ito ay nasasaktan din siya para sa akin. Maybe he just doesn't want to admit that the manuscript I made isn't really that worth it to be funded and to be made as a short film.
Inaya muna ako ni Van na dumaan sa convenience store kung saan may shift siya mamaya para doon na muna magmeryenda, magpalipas ng oras, at magkaroon ng repleksyon sa nangyari sa halos kalahating buwan na pag-aasam na matanggap sa kahit anong company na may nais kumupkop ng ideya namin.
"Are you sure ayaw mo ng alak? Hindi naman mataas alcohol content nito—" kumuha ng dalawang bote ng beer drink si Van na ngayon ay nasa pagitan na ng kaniyang mga daliri.
"No— I'm good with Coke," ako na mismo ang kumuha ng can.
It's already passed 9 p.m., an hour before his working shift. Dalawa lang kami ngayon dito sa labas at tahimik din ang katabi naming kalsada.
"Pwede bang uminom dito?" Paninugarado ko bago pa man niya mabuksan ang alak.
"Sira 'yung CCTV namin sa harap," he smirked.
I rolled my eyes, "hmm, heavy drinker ka ba?" Para bang mas magandang idaan ko na lamang sa mga ganitong tanungan ang lahat ng nangyari ngayong araw kaysa pag-usapan namin ito dahil wala na rin naman kaming mababago.
"Occasionally. Ikaw?" He's almost halfway to the bottle.
"I actually haven't tried it yet..." I pursed my lips.
"Sinong niloloko mo?" Hindi niya pagtanggap sa sagot ko.
"Seryoso nga!"
"Seryoso ba?" He scoffs, giving up from how I fully admit honesty.
"Never tried it,"
"Kahit tikim?" Para bang iaabot niya pa sa akin ang bote.
"Kahit tikim," pag-uulit ko sa ibang tono.
"Kahit tikim—" at tuluyan niya na ngang iniabot ito sa akin. Loko.
"No," my eyes widened when the reeking smell traveled to my nose.
"Well, you seem like the type," he said almost in a whisper.
"The type of what?" Hindi ko alam kung narinig ko ba ng buo ang sinabi niya o may nagkulang.
"The type of person who doesn't experience a lot of things," he grins while drinking.
"Hoy, hindi lang ako umiinom 'no,"
BINABASA MO ANG
Lovesick: Book 2
RomanceA love song, a story, and a what if. I got him risking it all over having a life full of regrets.