TW. Mature Language. Mentions of sex.
Special Chapter
BenjaminI kissed a boy and I liked it.
Sa pagdampi ng mga labi naming dalawa, para bang ayaw ko nang alisin ito at tuluyan pang diinan ang aksidenteng pagkadulas namin sa posisyong pareho kaming nakulong. Pakiramdam ko ay isa ulit akong batang may hawak na tinidor at nagpasok nito sa isang saksaksakan.
That memory of him never left until now that we're both entering in college. Jun wasn't my first kiss, but he is my first kiss to a boy... and I think it would stay like that for too long.
"Anong course ba kukunin mo?" Tanong niya, pareho kaming nagmemeryenda ng tusok-tusok sa labas mismo ng UNI.
"Of course," pilosopo kong sagot sabay subo ng kwek-kwek.
"Nakatikim ka na ng fishball na may kasamang maanghang na sawsawan at sapak?"
"Bayolente naman nito," sabay nguya sa huling dalawang kikyam na natitira sa baso ko.
"Ano ngang program mo?" Pag-uulit niya. Nakapag-apply na si Jun sa UST, naghihintay na lang siya ng result sa entrance exam niya.
"Business," sagot ko.
"Weh? Akala ko ba tutuloy ka sa engineering?" Itinapon niya na ang pareho naming baso sa isang sako ng basurahan. "Anong major?"
"Mind your own," I made a clown face to annoy him once more.
At dito na nga ako nakatikim ng pagbatok niya sa akin. Binilhan ko siya ngayon ng buko juice dahil bukod sa ako naman ang taya, paborito niya rin kasi lagi itong panulak.
Last month ko pa ito gustong sabihin sa kaniya simula nang maka-graduate kami ng Senior High pero hindi ko alam kung paano ito i-ttiming. Mabuti na lang ngayon ay pareho kaming kumuha ng school requirements.
"Baka hindi muna ako tutuloy sa kolehiyo," napahinto ako sa paglalakad at hinintay siyang mapansin nito.
"Oh, anong punchline 'yan?" Pagpapatuloy niya sa paglalakad. Pero wala akong ibinatong sagot. "Ha? Huy, seryoso ba, Benj?"
"Oo nga," matamlay kong idiniin.
Pareho na kaming nakaharang sa daan kaya gumilid na kami at sumilong sa isang puno. Gustong-gusto naming daanan dito dahil bukod sa wala gaanong tao papunta ng Metro, maaliwalas ang mga punong umaantabay sa aming paglalakad.
"Financial?" The serious undertone of Jun came back.
"Emotional, mental—" seryoso kong sagot, "social, commercial, facial—" pero hindi ko magawang hindi magbiro sa tabi niya.
"Okay naman 'yung resto niyo ni Tita ah? Marami namang nag-ssamgyup at loyal na customers? Saka—" he's jumping into conclusions.
"Gusto kong magbanda," napakagat ako sa ibabang labi ko nang aminin ito sa kaniya.
"Seryoso ka ba?" May tinis at inis ang tono niya.
"Hindi, trip trip lang,"
Naparolyo na parang gulong ang kaniyang mata sa akin, "Benji, seryoso ang college. Alam kong tanga ka but not at this extent!"
"Wow, ang motivational ha?" Pasasalamat ko.
"Anong gagawin mo? Tutugtog ka lang tapos kikita ng konting pera?"
"Gusto kong magbanda,"
"Eh 'di magbanda ka, pero mag-aaral ka— pagsabayin mo!" Mas masahol pa ata siya kay Mama.
Jun might be a clown but he's fierce when making serious decisions. Dahil sa kaniya mas lalo akong naglakas ng loob para subukang pagsabayin ang pag-aaral at pagbabanda sa loob ng isang taon. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nito pero alam kong nasa likod ko lang siya nakabantay.
BINABASA MO ANG
Lovesick: Book 2
RomanceA love song, a story, and a what if. I got him risking it all over having a life full of regrets.