20

1.8K 38 17
                                        

Chapter 20
Bad Surprises

Lately, I've been noticing a lot of changes with my body. Noon una, akala ko dahil tingin lang ako nang tingin madalas sa salamin. But for months, my flaws are becoming too noticeable.

I sometimes do get envious of people I see online. They have this one goal that they set from our generation or to the generations before us: you shouldn't be too big so you have to aim to be small, but you also have to be too small without saying you want to be small because by then you'll look too desperate, and not too small that they'll think you're not eating.

Normal naman ang weight ko para sa aking height ayon sa aking Body Mass Index. The only problem I am seeing right now is how I am consistent with skipping meals. Parang masyado na akong nasanay dito.

Kaya ngayong inimbitahan akong makipag kita ni Aries, wala akong magawa kung 'di titigan ang sarili ko sa salamin. My old vintage Taylor Swift gray Reputation shirt is already too big for me. Well, technically oversize siya, pero over na over yung pagka-oversize niya ngayon. So I decided to wear a normal shirt with no print on it.

Kakatapos lang ni Aries nang magkita kami sa studio kung saan sila may dance practice. Nagpasundo kami sa driver niya papunta sa kaniyang condo at doon na rin bumili ng snacks namin bago kami umakyat sa kaniyang unit.

Habang nasa shower siya, hinubad ko muna ang ang aking blue sweater at pinatong sa ibabaw ng sofa. Binuksan ko ang kaniyang TV, which I have a permission to do so, saka ako nagpunta sa YouTube para panuorin ang mga dance cover niya noon.

Ginagawa ko 'to habang nginunguya ang normal slice ng pizza na parang hindi ko pa rin nababawasan. Paglabas ni Aries sa kaniyang kwarto, kumalat na naman ang kanina ko pang naamoy na cherry perfume sa buong unit niya.

"My favorite part!" Sigaw niya sabay punta sa harapan ng TV.

[CRY ON ME by TWICE playing: Last Chorus]

Aries really knows how to balance his body from the way his hips move, the control of his whole abdomen, the flow in his arms, while managing to look good by delivering a nice aura from his facial reactions. It's like he's a different person when dancing and singing, but not quite different because that's still him, that's still Aries.

"Pak!" Sigaw niya sabay bagsak sa katabi kong sofa na inuupuan ko. Naghabol siya ng hininga sa kagagawan niya rin mismo.

Uminom muna siya ng softdrinks sabay kagat sa isang slice ng pizza bago ulit siya ginanahang dumaldal. Parang laruang baterya talaga itong si Aries, kung kanina ay napakamaligalig, ngayon ay bigla na namang sinusumpong habang pinapanuod namin mga old videos niya.

"Kasi naman, habang papalapit nang papalapit ang January, mas lalo akong kinakabahan," pagtutukoy niya sa reality show na papasukin niya.

"Isipin mo na lang na papasok ka sa PBB." I snorted then put back the crust of the pizza from the box

Wala namang magagawa si Aries kung 'di ang sumali. Nakwento niya noon sa akin na kapag hindi siya nanalo sa show at nag-debut kasama ang ibang mga pop artist sa magiging band nila, that would be his last straw, and babalik na ulit siya sa high school.

"This isn't just about winning, Davi!" Niyakap niya ang braso ko na parang bata, "what if lumabas talaga tunay na ugali ko sa loob ng game? Like remember yung mga nababash? Or 'di kaya ma-evil edit ako nang hindi ko nalalaman? What if kung may voting na to save me walang boboto sa akin? What if hindi ako lalong makapag-debut?" He snuggled like a puppy this time.

"Meron ka nang one constant voter. Magpapaload pa ako lagi kung tumatanggap ng unli-votes. Or 'di kaya bibili ako ng mga sim para maligtas ka every week." It sounded like a fake promise, but for him I would. Though, magpapatulong din ako kanila Marvin at sa iba naming kaibigan.

Lovesick: Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon