06

1.5K 180 12
                                    

Chapter 6
Night's Out

In friendships' delight, nothing is truly perfect despite its fondness and relationship that has been built for years. But I guess, in my friendships, imperfections make ours special.

Right after New Year's, the whole squad finally had the chance to hang out. It's not really the typical hang out we do since we all entered college but it's the typical one when we were still in high school.

Sasha hosted this gathering. Dahil nagplano ang lahat ng swimming, si Sasha na ang naging bahala sa pool dahil siya lang naman ang may pool sa amin. Ang naging ambag na lang namin ay ang pagdadala ng mga pagkain, hatian sa mga lulutuin ni Louis, at ang alak na pinangunahan na ni Jun.

I was left upstairs after I changed my clothes from my swimwear to a comfy sleep pajamas on top of my oversized hoodie that my boyfriend gave me days before New Year's eve. Bukod sa wala na akong lakas para samahan sila sa pagbabad sa pool, masyado ng gabi para kayanin ng katawan ko ang lamig.

Nagpunta ako sa ibaba, diretso sa kusina kung saan naabutan ko sila Louis, Sasha, at Olivia na patapos na sa paghahanda ng late dinner namin. Hanggang dito ay naamoy ko ang alak na ininom namin dahil siguro sa pagkapit nito sa kanila. Or maybe the scent of it just washed of when I showered which is why I wasn't used to it again.

Si Marvin at Noah ay nasa covered cottage nag-iihaw ng barbeque, samantalang si Winona, Benjamin, Jun at ang lalaking dinala ngayon niya ay nasa pool na katabi lamang ng cottage.

"Right— kasi kung wala namang label, why would he bring him here?" Ito agad ang bumungad sa akin pagpasok ko ng kusina.

Hindi agad ako nakasunod kung sinong pinag-uusapan nila. Agad na napahina ang boses ni Sasha nang makita ako.

"Ako ba ang bina-backstab niyo?" Paglapit ko sa kanila.

"No—" nanlaki ang mata ni Sasha nang mapagtantong ako ang pumasok at hindi ang taong pinag-uusapan nila, "it was really unexpected. Kung alam ko lang—or I was informed yesterday, I would not agree to it," pagtutuloy ni Sasha habang hawak ang sandok para sa kanin.

Nakikinig lang si Louis na ngayon ay nagsasalin ng adobo sa lalagyan.

"Calm down, nandito na siya," pagpapatahan ni Olivia sa kaniya na para bang bata na paiyak na.

That's when I got the clue about the subject of their gossip. It's Jun and his supposed friend.

"Alangan namang pauwiin mo?" Pagtawa ni Louis.

"Well, this is supposed to be a friend's outing, okay? Best f-r-i-e-n-d-s outing!" Pagbitaw ni Sasha sa sandok.

"Nagulat din ako kanina— akala ko nga informed kayong lahat at kami lang ni Marv ang hindi nakakaalam," tinulungan ko si Olivia sa pag-aayos ng mga pinggan.

"I have no problem with plus one, I just don't like how unexpected it was," I guess it's becoming more serious now.

"Aside from that, we don't know that—" nasa dulo na ng dila ni Olivia ang panagalan ng lalaki.

"Kenneth," Louis remembers.

"That Kenneth guy—" Olivia's eyes widen like she's mocking his name.

"Sabi nakilala niya from friend's of friends?" Pag-aalala ko.

"We're not sure, baka mamaya sa yellow app pa nga eh," Sasha blurted.

"Yellow school na siya tapos nag-yellow app pa? Jun is a social butterfly, it's easy for him to make friends," Olivia defends him. Para na silang aso at pusa kung magsagutan.

Lovesick: Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon