21

1.4K 35 13
                                        

Chapter 21
The First

I always had trouble understanding things and why it always happens. Para bang ngayon lang ako nagising sa kakaisip kung bakit kailangan kong hanapin lahat ng sagot sa mga bagay na ako rin naman ang gumawa ng mga katanungan.

Maybe a big part of that is how I was taught to be. Kung kaya kong sagutin ang lahat ibig sabihin ay magaling ako, marunong ako, at mas nakakaangat ako sa iba.

At first it is all rooted to my academics, then it turned to how I socialize with people, and now, it corrupted my brain and I just can't brush it off clean.

Kaya kahit anong gawin kong paghahanap sa kasagutan na walang sino man ang nakakaalam, hindi ko magawang alalahanin ito, lalong lalo na kay Lola.

She's not dying. She's stronger than what the doctor thinks she is. Our bodies get weak but that doesn't mean we are all meant to die early. Especially her. Malakas si Lola at mas malakas pa siya sa inaakala niya. But still, I can't help but to wonder with these questions of what could be and what might happen if her condition gets worse.

Now my boyfriend and I are sitting on this soft damp sand close to the waters of the beach, just watching the waves and letting the sound soothe us.

Nakasandal ako sa kaniyang balikat, habang magaan na nakaalalay ang kamay niya sa aking likuran. Walang tao ngayon sa pwestong kinauupuan namin, dahil siguro sa makulimlim na mga ulap sa nagbabadyang pag-ulan at kasabay ng paglubog ng araw.

Bukas pa ang uwi nila Lola pabalik dito sa bahay at kinaumagahan ay bibiyahe na rin kami pabalik ni Marvin dahil sa paparating namin na mga class.

"Mas malalim pa sa dagat 'yang iniisip mo," naramdaman ko ang pagtama ng kaniyang ilong sa aking tainga.

I try to lift my cheeks to carry a smile, "iniisip ko kasi kung papaano mo ika-cram mga readings mo?"

"Tsk— please don't remind me..." he snuggles to my neck like a kid. Now my smile brightens more because of the tickles.

"Magbasa ka na mamaya," he at least have more than thirty pending cases to digest.

"I will." He sighs, giving up.

Hinigpitan ko ang pagkahawak sa kamay niya na para bang tatangayin kami ng alon. "She'll be okay..." bulong ko sa dagat na para bang may pakielam ito.

"Of course she will." Sagot nito sa akin.

Napangiti ako lalo nang ibalik ni Marvin ang higpit sa pagkakahawak niya sa akin.

"No matter what happens, we'll always be here. I'll always be here with you and with Lola." He kisses the top of my hand.

Nanatili kaming nagmamasid sa dagat hanggang sa tuluyan nang lumubog ang araw at bumagsak ang malakas na pag-ulan. Ito yung tipo ng malakas na ulan na magdamag na bubuhos at magpapalamig sa tahimik na gabi.

I took a shower first while Marvin helped making our dinner with Tita and Tito. After waiting for him, nakadungaw lang ako sa bintana habang pinapakinggan ang pag-ulan at ang pagbuhos ng tubig ng shower sa banyo.

Sabay kaming bumaba at pagkakain namin ay tapos na rin sila Tita. Hindi na kami nagpahintay pa dahil mas maaga naman lagi ang pagtulog nila.

I couldn't eat tonight. Hindi rin ako pinilit ni Marvin kumain. Kaya nang makalahati ko ang isinandok niya sa aking pinggan na kanin at tinola, pinanuod ko lang siya hanggang sa paghuhugas ng pinggan.

I don't remember a time that I've been this silent with Marvin. Not since we've been enemies in high school. But the thing is, I can always stay silent with him and still not make him feel like I'm ignoring him.

Lovesick: Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon