Chapter 23
Luck or Misfortunes
There is so much beauty waiting to unfold from the moment that the director instructs for— "Action!"
Mas pinili kong gumawa ng excuse letter na hindi pasukan ang isa kong subject para lang makapunta sa taping ng last sequence ng short film namin.
This is the big moment ending of my two characters, now twenty years later after that beach sequence in La Union. We all knew the seasoned talent of Garrette De Leon and Adam Manuel. Ang hindi namin inaasahan ay kung gaano sila kagaling umarte.
Wala masyadong linya dito, matahan acting, at tanging ang kanilang mga body movement lang ang nagbibigay lengwahe sa camera. Nakaupo sila sa isang restaurant, kumain, nagkakahulihan ng tingin, at nang magdikit ang kanilang mga mata ay kusang lumalabas ang ngiti na para bang ito ang ibinubulong ng kanilang mga puso.
Hanggang ang camera ay umuurong paatras sa kanila, naaaninag pa rin ang kanilang kinauupuan kahit sa dami ng mga taong dumadaan sa harapan ng shot. Hindi na ito kuha sa Camera 1 pero bahagya naming napansin sa Camera 2 ang naluluhang mga mata ng dalawang aktor.
"And cut! Perfect!" Sigaw ni Van.
They proceed touching for getting a safety take bago tuluyang nag-wrap up ang set. Nasa gilid lang ako ng kabilang tent katabi lang din ng resto na nirent ng producer. Pagkatapos nilang ma-brief at magpasalamat sa mga crew, naghanda na rin ako para makapagpapicture ulit sa kanila.
Ang hindi ko lang inaasahan ay ang pagpunta nilang dalawa sa tent ko na kabiligtaran sana, dahil ako ang pupunta sa kanila.
"Aww! Thank you so much po Sir Garrette and Sir Adam! Huge huge fan!" Kahit na hindi pa ako pinapanganak noong kasikatan nila.
"Naku, ano ka ba, it's our pleasure working with these kinds of short films!" Garrette hugs me first before Adam followed.
"Mahusay 'tong batang 'to na magsulat. Hindi ka lang may puso at may kaluluwa sa sinusulat mo, may mata ka!" Adam complimented.
Napangiti si Garrette sa kaniya. "You'll make it big time if you dream big! I'm so lucky na nakatrabaho kita. Sulat lang nang sulat. Dinaig mo pa ang may mga writing and filming degree ngayon kasi 'yung mga nakatrabaho ko before," he sighs, "walang kabuhay buhay ang karekter."
"But you made even these short film characters so limitless." Adam added.
"You're like an old soul trapped inside a teenage body." This is what I will remember the most from Garrette.
Natapos ang pag-uusap namin nang dumating na rin ang kanilang mga agent. Nang makapagpaalam naman ako ay pinuntahan ko na si Van.
Nasa kalahati na rin kasi sila sa editing at ipapasok na nila ang mga huling sequence na nakuhanan nila sa nagdaang mga araw. Wala naman na akong maitutulong sa editing, kayang kaya na ni Van ito.
I just booked a ride to Aries' condo to visit him again. Pagdating ko sa kaniyang unit ay tinawagan ko muna siya bago kumatok. When he wasn't answering, kumatok na ako.
Natabunan agad ako ng anino mula sa matangkad na lalaki. "Oh Jae, nandito ko pala—" I didn't realize it was Jae, his personal assistant, but rather it's Rome.
Pareho kaming nagulat. Hindi man lang ako sinabihan ni Aries na nandito pala 'to.
"Come in," he said blandly.
Sinalubong agad ako ng amoy ng ulam, or siguro ng sabaw? It smells like Japanese of Chinese cuisine. Ang bango, para tuloy akong nagutom.
"How's Ries?" Tanong ko, may kinakalikot siyang paper bag sa mesa sa may kitchen top.
BINABASA MO ANG
Lovesick: Book 2
RomansaA love song, a story, and a what if. I got him risking it all over having a life full of regrets.
