SabayPagkagising ko ay naligo agad ako at nagsuot lang ng tshirt at pantalon at sneakers.
Dumiretso ako sa kusina at nakita sa wall clock na 5:56 am pa lamang. Wow sobrang aga ko naman. Well, ipagluluto ko pa si Cal kaya maaga ako ngayon, CEO pa man din siya kaya maaga yun napasok sa trabaho.
Habang nagluluto ako ay iniisip ko kung gising na ba siya, baka gising na siya kaya binilisan ko na ang pagluluto ko at nang matapos ako ay lumabas ako ng unit ko at kumatok sa pintuan ng unit niya.
It took a minute before he opened it. Naestatwa naman ako dahil naka-topless siya at tuwalya lang ang nasa pang ibaba nya. Oh god may abs nga siya. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, at anim. Diyos ko po, nawa'y patawarin niyo po ang aking pagkakasala dahil ako'y isang marupok na tao at natutukso lamang.
Iniwas ko naman yung tingin ko at tumikhim sa kanya.
"Ahmm nilutuan kita ng pagkain. Pambawi ko sa kagabi" pilit kong kinakaswal ang boses ko pero nanginginig parin ito.
Tumango naman siya at pinatuloy ako sa loob. Magbibihis lamang daw siya sa kwarto at babalik din siya dito.
Nakahinga naman ako ng maluwag nung pumasok siya sa kwarto niya para magbihis. Inayos ko naman yung pagkain namin at ng maiayos ko na ito ay nilibot ko ang tingin sa loob ng condo niya.
Hindi siya ganoon kalaki pero may dalawang kwarto at isang common bathroom din. Katulad lang din ng unit namin ni Tracy. Grey, dark blue, and white ang karamihan na nakikita kong kulay dito sa loob.
Gumawa narin ako ng kape at hindi ko naman alam kung anong gusto niya kaya black coffee na lang yung sa kanya samantalang akin ay hot chocolate lang.
Ng lumabas siya sa kwarto at dumiretso dito sa kusina ay naka white formal long sleeves siya, black slacks, leather shoes at may relo sa right arm. Yung grey suit niya ay hawak hawak niya at nilapag sa sofa at dumiretso siya dito sa table at naupo sa harapan ko.
Bacon, hotdog at itlog lang ang ginawa ko pati narin pancake.
Napatingin siya sakin kaya nginitian ko lang siya ng malaki. Kumuha na siya ng makakain niya at ako rin.
"Pasensiya na kung ito lang pambawi ko dun sa nilaga mo kagabi. Medyo matatagalan pa kasi ako pag yun ang niluto ko eh" napatingin naman ako sa kanya at napangisi naman siya sa sinabi ko at tatango tango.
Ayan na naman siya sa tango tango na yan. Nature na niya yung pagtanggo tango na yan.
Nagsimula na kaming kumain at ako lamang ang nagsasalita dito. Siya ay nakikinig lamang sakin, nauubusan na nga ako ng topic tapos tuwing tinatanong ko siya ang ikli ikli kung sumagot na naman.
Nang matapos kaming kumain ay alas syete na, isang oras pa bago ang pasok ko pero papasok na rin siya kaya makikisabay na rin ako dyan sa elavator. Siyempre susulitin ko na noh.
Nang nasa elavator na kami ay nagtext lamang ako kay Tracy na papasok na ako, tinirhan ko naman siya nang pagkain kanina eh.
To Tracy-nger
Hey, papasok na ako initin mo na lang yung niluto ko na pagkain kung gusto mo. I love you, ingat ka.
And hit the send button. Napatingin naman ako sa katabi ko at nakitang diretso lamang siya ng tingin sa harapan.
Matalim ang tingin at napakunot naman ang noo ko. Tiningnan ko lamang siya at naramdaman niya siguro na tinititigan ko siya kaya tumingin rin siya sakin.
"What?" he asked and his jaw clenched.
"Ang talim ng tingin mo dyan sa harapan, bakit?" I asked curiously. Napaiwas naman siya ng tingin sakin at bumuntong hininga.
![](https://img.wattpad.com/cover/209376229-288-k779740.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling for You (Pretty Girls Series #1)
RomanceGilliana Marie Delos Reyes is taking BS Psychology. Normal lang ang kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya at ang mga kaibigan. Hindi sila ganoon kayaman at hindi rin ganoon kahirap. Until one day, Gilliana met Cal Denzey, the CEO of the Denzey Re...