Tahimik lang kaming apat habang kumakain kami. Na-serve na nung waiter yung pagkain naming apat.Hanggang ngayon ay ang awkward pa rin ng atmosphere. Ni walang nagsasalita saming apat. Tunog lang ng kutsara't tinidor ang mapapakinggan saming apat.
Habang kumakain kami ay bigla na lang tumunog ang cellphone ni Eathan. He excuse himself because he said that his mom is calling.
Bianca excuse herself too. She said she's gonna use the bathroom. We just nod at her and she immediately left.
Naiwan kaming dalawa ni Cal Denzey dito sa table. Nagpatuloy na lang muna ako sa pagkain ganon rin siya. Jusko, bakit kailangan pang maiwan kaming dalawa dito mag-isa.
Kabanata 40
Let go
Nagpatuloy kaming kumain ni Cal Denzey dito habang hinihintay yung dalawa na bumalik. Napapakagat labi ako tuwing nahahagip ng paningin ko siya.
Bumuntong hininga naman ako at inisip ko na lang na wala siya rito. Na kunwari ay ako lang mag-isa dito habang hinihintay na bumalik si Eathan.
Napakinggan ko siyang umubo saglit pero hindi ko na inabala pa ang sarili ko na tumingin o sumulyap man lang sa kanya. Bakit naman kasi ang tagal bumalik nung dalawa dito?
"How are you?.." he asked in a deep baritone voice. I turned to him and smiled at little.
"I'm fine. How about you?.." balik kong tanong sa kanya. Ngumiti ako sa kanya ng maliit, he just smiled at me and nod his head.
"I'm fine also. Is it really okay to eat with you too?.." gusto ko sanang sabihin na hindi okay sakin na sumabay sila ng pagkain samin kaso nakakahiya naman kung ganon.
Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Jusko, gusto ko ng tapusin ang pagkain ko at umalis na lang dito. Sabay na nakabalik yung dalawa dito kaya nagpatuloy na lang din sila sa pagkain.
Nagsalita naman si Bianca maging si Eathan. Nakikisali rin si Cal Denzey samantalang ako ay tahimik lang na kumakain dito. Ayaw ko na lang magsalita.
Napaangat na lang ang ulo ko ng banggitin ni Bianca ang pangalan ko. Nagtatanong kung kamusta daw ba ang araw ko habang nakangiti ng matamis.
Gustong kong umirap sa kanya dahil halata mong napakapeke ng ngiti niyang yan. Ang plastic niya, halata mo naman na ayaw niya sakin. Well, sino din ba ang nagsabi dito na gusto ko din siya?
Sinuklian ko ng matamis na ngiti yung ngiti niya. Kunwari ay na touch ako dahil sa tanong niya sakin pero sa totoo lang ay nabibwisit lang ako.
"Eto, medyo pagod ako ngayon. Madami dami kasi ang inasikaso kong pasyente ngayon kaya nananakit ang likod ko. Ikaw ba?.." balik kong tanong sa kanya.
Siya naman ay akala mo nag-alala dahil sa sinabi ko. Kunwari pa ang isang ito, jusko. Napasulyap ako kay Eathan at nakitang nakatingin din siya sakin at nagkibit balikat.
Kahit siya ay napapansin na ang plastik ng isang ito. Magaling pa naman kumilatis si Eathan. Malalaman niya agad kung plastik na ang isang tao o hindi.
"Eto maayos naman. Kabaliktaran sayo, wala akong masyadong ginawa ngayon. Sa susunod na Linggo pa kasi nga inaalagaan ko pa si Tita Rebecca. Diba Z?.." halos mapairap ako ng haplusin pa niya ang braso ni Cal Denzey.
Hindi lang pala plastik ang isang ito, papansin rin at palakas. Nagpapalakas kay Cal Denzey sa pamamagitan ng pasabi sabi na inalagaan niya yung nanay nito. Tita tita, tita niya mukha niya.
Eh bakit ba ako nagagalit ha? Bakit nabibwisit ka Lia? Jusko naman Lia, huwag mo na lang pansinin yun.
Nagpatuloy na lang kami sa pagkain at ako naman ay natahimik. Maging si Eathan at Cal Denzey pero mukhang walang balak manahimik si Bianca.
![](https://img.wattpad.com/cover/209376229-288-k779740.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling for You (Pretty Girls Series #1)
RomanceGilliana Marie Delos Reyes is taking BS Psychology. Normal lang ang kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya at ang mga kaibigan. Hindi sila ganoon kayaman at hindi rin ganoon kahirap. Until one day, Gilliana met Cal Denzey, the CEO of the Denzey Re...