Kabanata 9

37 4 0
                                    


Kiss

Kararating lang namin dito sa club at naupo na agad kami doon sa couch. Umorder si Belle ng Jack Daniels, Hennessy, Black Label, Smirnoff, San Miguel at Bacardi.

Kumuha si Tracy ng isang bote ng San Miguel at binuksan atsaka itinaas sa ere.

"Happy Birthday Belle" she chanted.

Kumuha din kami ng tig-iisang bote ng san mig at ginaya siya.

"Happy birthday Belle" we announced happily. Belle was grinning when we did that.

Madami na ang naiinom nila Tracy gayon din ako pero hindi pa naman ako nahihilo or lasing.

Pumunta na muna sila Tracy, Thrie at Ice sa dancefloor kaya naiwan kaming tatlo rito nila Belle at nagpatuloy sa pag-inom.

Umiinom ako ng Black label ng tumayo si Belle at Eathan kaya naiwan akong mag isa rito. Ayoko naman na maiwan ditong mag-isa kaya pumunta na akong din ako sa dancefloor at nagsayaw sayaw doon.

Sa tingin ko ay tinatamaan na ako ng alak dahil nagiging wild na ako. But I don't care, ngayon na lang ulit ako naging ganito. Lagi kasi na ako yung hindi pwedeng malasing dahil ako lamang ang maghahatid sa mga kaibigan ko dahil mga matatakaw magsiinuman yung mga yun.

Pero ngayon gusto ko sila naman ang maghatid sakin dahil gusto kong maranasan nila kung paano masukahan at mahirapan na ilagay sa kotse. HAHAHA ang sama kong kaibigan, jusko.

Lumapit sakin si Tracy at binigyan niya ako ng inumin at kinuha ko naman ito at ininom ng diretso. Kumuha pa ako ng isa at ininom ito ng diretso tsaka pumikit at sinabayan ang tugtugin.

"Hi miss" a man in his early twenties approached me, I guess.

Ngumiti ako sa kanya at nagpatuloy ako sa pagsasayaw. Kahit ang lalaking lumapit sakin ay sumayaw na lang din.

"Hi" my voice sounds so tipsy.

Seconds later, the man who approached me earlier put his hand on my waist kaya napadilat ako ng mata at tumingin sa kanya. He just smiled and continued dancing. Hinayaan ko na lang at nagpatuloy na ulit sa pagsayaw.

Naramdaman ko naman na tinanggal nung lalaki ang kamay niya sa bewang ko, hindi ko naman yun pinansin at nagpatuloy sa pagsayaw.

Dumilat ako pero napapikit ako ulit dahil nahilo ako bigla. Kaya ko pa naman at nagpatuloy lang ako sa pagsayaw.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko na may tao sa likod ko, hinayaan ko na lang ulit yun at nagpatuloy lang sa pagsasayaw.

The man behind me put his hand on my waist. Napatingin naman ako sa kamay niya na nasa bewang ko and damn his masculine finger is so hot. I guess this man also is hot.

Pumikit na lang ulit ako ng mariin ng maramdamang nahihilo ulit ako pero patuloy pa rin ako sa pagsayaw.

The man behind me pushed himself closer to me and pinabayaan ko na lang yun dala na siguro sa kalasingan.

Gusto ko na sanang bumalik sa couch at maupo roon dahil nahihilo na ako but I'm enjoying dancing here plus the man behind me, excites me.

Mas nilapit pa ng lalaki ang sarili niya sakin and his hand travel to my arms up to my shoulder. The man's nose though my ear and I gasped dahil nararamdaman ko ang hininga niya roon.

"You're drunk" a familiar low baritoned voice embrace me.

Napadilat agad ako dahil sa boses na yon, pamilyar yun sakin dahil ako pa ba. Humarap ako kay Cal na nakahawak parin sa balikat ko.

Falling for You (Pretty Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon