Nasa hospital ako ngayon, ang sakit ng likod ko ngayon dahil nga inalagaan ko pa si Thorn kagabi. Pero sulit din naman yung pag-aalaga ko dun kay Thorn, Ang cute cute pa naman niya.Dun din natulog si Cal Denzey kagabi. Dun siya sa kabilang kwarto natulog samantalang kaming dalawa ni Thorn ay doon sa kwarto ko.
Nung umaga, mga alas singko ay kinuha na rin naman ni Tracy si Thorn at nagpasalamat pa, nagulat din siya ng makita doon si Cal Denzey.
Napabuntong hininga naman ako at tumingin sa orasan. Alas otso pa lang ng umaga at tapos ko ng mapakain at mapainom ng gamot yung ibang pasyente na nakalaan sa akin.
Napatingin naman ako sa direksyon ni Liam at Brianne na nag-uusap ngayon. Ang lakas talaga ng tawa ng lalaking ito, halos yung ibang tao ay napapatingin na sa direksyon niya.
Tapos ang isang ito wala man lang kapake pake, kung hindi pa siya hahampasin sa balikat ni Brianne hindi pa siya titigil. Nag-inat inat naman ako tsaka pumunta sa may garden para tingnan si nanay Belinda.
Kabanata 46
Inggit
Nakita ko naman si nanay Belinda na nakatingin sa mag haring araw, nakaupo siya ngayon sa may wheel chair niya. Lumapit naman ako sa kanya at napatingin naman siya sa akin.
I smiled at her and she accepted it. She also smiled at me and look back again at the sun.
Tuwing tinitingnan ko siya na nakatingin sa araw ay naaalala ko yung lola ko sa kanya. Mahilig din tumingin sa araw yung lola ko, gigising pa siya ng madaling araw para lang makita ang sunrise.
Tapos sa hapon din, hinihintay niya talagang mag sunset. Parehas sila ng lolo ko na mahilig tumingin sa araw. Ang sabi din nila ng dahil don kaya sila nagkakilala.
Napatingin ako kay nanay Belinda at ngumiti. Kahit na ma-edad na siya ay kita mo pa rin ang kagandahan niya. Wari ko ay maganda at gwapo din ang mga anak nito.
Bumuga ako ng hangin at binalik ko na lang din ang tingin ko sa araw.
Ng makabalik kami dito sa loob ay tinulungan ko naman yung iba sa pagpapakain sa ibang pasyente. Habang pinapainom ko ng gamot ang isang pasyente ay may tumawag sa akin.
Agad naman akong napalingon at nagpaalam na sandali lang at tatapusin ko lang painomin ang isang ito. Ng matapos ko itong painomin ng gamot ay agad akong lumapit kay Trisha.
Napaangat ang kilay ko sa kanya, nagtatanong kung bakit niya ako tinawag. Ang laki laki ng ngiti niya sa akin at bigla na lang siyang may tinuro sa likod ko.
Napakunot naman ako doon kaya humarap naman ako sa kung ano ang tinuturo niya. Shock envelope me when I see Cal Denzey standing gorgeous right there.
May hawak hawak siyang bouquet of white tulips. Nakangiti sya sa akin at lumapit naman siya sa akin at binigay yung hawak niyang bulaklak.
"For you, my lady..." napalunok naman ako sa sinabi niya at napatingin sa paligid. Yung iba ay nakatingin na sa aming dalawa kaya napalunok ako tsaka tumingin kay Cal Denzey na nakangiti pa rin sakin ngayon.
"Go get it, pupunta pa ako ng resort. I'm sorry kung ngayon ko lang naibigay, naghanap pa kasi ng ganyan..." he said while smiling.
Napakagat labi naman ako at mas nilapit niya sa akin yung bulaklak, kinuha ko naman ito sa kamay niya at ngumiti. Medyo naiilang ako dahil ang daming nakatingin sa amin.
"T-thank y-you..." I stuttered while thanking him. He just smiled brightly at me and pat my head.
"I'm gonna go now, have a nice day. I love you..." he smiled, napakinggan ko naman na nagbulungan yung ibang tao pero parang wala lang iyon sa akin.
BINABASA MO ANG
Falling for You (Pretty Girls Series #1)
RomanceGilliana Marie Delos Reyes is taking BS Psychology. Normal lang ang kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya at ang mga kaibigan. Hindi sila ganoon kayaman at hindi rin ganoon kahirap. Until one day, Gilliana met Cal Denzey, the CEO of the Denzey Re...