GlareNagising ako kinabukasan na masakit ang ulo, napadami ang inom ko kagabi.
At naalala ko na naman kung bakit ako uminom ng ganon karami kagabi.Naalala ko na yung mga pinagsasabihan ko ng ganon is CEO pala. Kakahiya naman oh, umamin pa ako sa kanya kagabi at nung pinuri ko siya ay parang wala lang dahil nga nun.
Bakit ang tanga mo minsan self ha? Pati yang bunganga mo minsan bigla bigla na lang magsasalita ng kung ano ano. Argh.
Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina, wala si Tracy kaya paniguradong nasa kwarto pa yun at tulog pa. Nagluto lang ako ng soup at kumuha ng gamot para mabawas bawasan ang sakit ng ulo ko.
Pagtingin ko sa orasan ay 8 na, well maaga pa naman. Kinain ko na lang yung pagkain at uminom ng gamot.
Dumiretso ako sa kwarto para magpalit ng damit dahil mag-gi-gym ako ngayon. Wala lang para mahimasmasan lang. Habang pumipili ako ng damit ay tumunog yung cellphone ko tanda na may tumatawag sakin.
Skylar calling...
"Hello insan. Morning" bati ko sa kanya at ganon rin siya.
"Insan musta ka na dyan?" tanong niya at hula ko nasa labas siya dahil medyo maingay.
"Okay lang naman, ito mag-gi-gym ako ngayon. Ikaw ba musta ka na? San ka rin pupunta?" at naghahanap pa rin ako ng masusuot na damit.
"Eto medyo pagod pero okay lang naman. Pupunta ako ngayong hospital, OJT ko eh. Tinawagan lang kita dahil gusto kitang kamustahin pati narin si Tracy" sabi niya pa.
"Ahh okay lang si Tracy dito" at kinuha yung sports bra na kulay Grey at isang leggings. Nagpalit na ako non habang kausap ko pa rin si insan.
"Oh siya insan, malapit na ako eh bye na. I love you" sabi niya.
"I love you too, bye" at binaba ko na ang cellphone at nagsintas ng sapatos. Nagpuyod narin ako tsaka lumabas na.
Nakita ko si Tracy na kumakain sa sala habang nanonood. Napatingin naman siya sakin kaya sabi ko mag gym lang ako at tumango lang siya at nagpatuloy sa pagkain.
Pumunta naman na ako sa gym dito sa loob ng condominium. Nagpunta muna ako rin sa thread mill at sinimulan ko ng mag exercise.
Halos tumagal din ako roon ng isang oras kaya nung natapos ako ay don muna ako sa balkonahe nitong gym na ito. May mga upuan dito at may nagse-serve din ng mga pagkain. Ang in-order ko lang is juice tska salad.
Naalala ko na naman siya, sabi CEO siya ang pinagtataka ko lang,bakit pa siya magcocondo dito sa hindi ganon malawak eh ang yaman yaman naman niya. Pero maganda naman quality dito eh, pero kayang kaya niyang magpagawa ng sariling bahay. O kung hindi man eh dun siya sa bahay ng parents niya.
Well okay din naman na dito siya tumira, atleast pwedeng pwede kong makita yung crush ko diba. Wew I'm so lucky.
Nung dumating na yung in-order ko ay nagsimula na akong kumain. Ng kumakain ako ay may umupo sa harapan ko kaya napaangat ako ng tingin.
Nanlaki ang mata ko at nasamid naman ako kaya napaupo ubo ako.
Natawa siya pero binigay din sakin yung juice kaya tinanggap ko naman at ininom yon. Ng umayos na ako ay tumingin ulit ako sa kanya at may tinatagong ngisi naman siya sa kanyang labi.
"Hey Cal" I said casually. Tumango naman siya, ayan na naman yung pagtanggo tango niya.
"Ahm bakit hindi mo naman sinabi sakin na CEO ka pala, edi sana napaghandaan ko nung mga nakaraang araw na magsuot ng magandang damit noh" medyo nahihiya kong sabi sa kanya. Napangisi naman siya at may amusement sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Falling for You (Pretty Girls Series #1)
RomanceGilliana Marie Delos Reyes is taking BS Psychology. Normal lang ang kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya at ang mga kaibigan. Hindi sila ganoon kayaman at hindi rin ganoon kahirap. Until one day, Gilliana met Cal Denzey, the CEO of the Denzey Re...