You're notIt's seven in the morning. Sunday na ngayon at yung nakita ko nung gabi ng Biyernes ay hindi ko sinabi kay Denzey. Nakisabay pa rin akong kumain sa kanya tapos ang cold cold niya nun.
Mukhang nagustuhan rin niya yung yakap nung isa. Napabuntong hininga ako sa naisip ko. Kanina ay pumunta ako sa unit ni Denzey at sinabi niya na pupunta siya ng hotel dahil may gagawin pa siya.
Napabuntong hininga ako ng sabihin niya iyon. Nung nakaraan naman ay hindi naman siya pumapasok ng Linggo pero ngayon ay ganon na. Ang cold pa.
Nandito ako ngayon sa may sala at nanonood dito sa tv. Cartoons na lang pinanonood ko ngayon dahil ayaw ko ng balita. Nandoon si Bianca tsaka na rin yung balita na nakita kaming nag-kiss ni Denzey.
Ayaw ko rin naman magmovie, wala ako sa mood. Nanonood na lang ako ng Tom and Jerry. Mas okay pa ito kaysa dun sa news na yun.
Si Tracy naman ay nandito sa may harapan ko, sa may table at gumagawa ng project niya, nakaupo siya sa may sahig. Naalala ko rin na may research paper nga rin pala kaming gagawin ni Liam.
Hindi kami nakagawa kahapon kasi meron ata silang family reunion kasi kakauwi lang daw ng tita niya kahapon kaya hindi kami nakagawa nung research paper.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext siya tutal naman ay nasakin ang number niya.
To Liam
Itutuloy ba natin yung research paper ngayon?..
I hit the sent button. Binaba ko muna yung cellphone ko at nagpatuloy sa panonood.
Ng tumunog yung phone ko ay agad ko itong kinuha at nakita yung reply niya.
From Liam
Sige, mamayang alas tres sa coffee shop malapit ng university.
Sumang-ayon naman ako at binaba na ang cellphone ko. Alas syete pa lang naman ng umaga kaya matagal pa.
Habang nanonood ako ay biglang tumayo si Tracy at pumuntang kusina. Pagkabalik niya ay may dala na siyang juice at dalawang baso. Nilagay niya ito sa table at naupo sa may tabi ko.
Kinuha ko yung isang baso at nagsalin ng juice don, orange yung flavor. Nagsalin din siya sa isang baso at umayos ng upo sa tabi ko at nakinood na rin.
"Musta na kayo ni Denzey?.." uminom muna ako ng juice bago ko inalagay sa table sa harap.
"Okay lang naman kami..." tugon ko habang ang tingin ay nasa harapan. Naramdaman ko naman na nakatingin siya sakin kaya napatingin ako sa gawi niya.
"Yung totoo..." ngumiti lang ako sa kanya.
"Okay nga lang..." bumuntong hininga sya at uminom na lang ng juice.
Nanood ulit ako samantalang siya ay kumuha ng pagkain sa kusina. Kakain na naman siya ng kanin, tsk matakaw talaga ito. Tapos makapagsabi siya sakin dati na ako raw matakaw.
Naupo ulit siya sa tabi ko at inalok ako ng pagkain, umiling lamang ako sa kanya.
"Tandaan mo ito Lia..." napatingin ako sa kanya ng sabihin niya yun, nakakunot ang noo ko.
"Malalagot sakin yan si Denzey once na malaman ko na sinaktan ka niyan. Walang pwedeng manakit sayo noh..." nakanguso niyang sabi at napangiti naman ako ng malawak.
Niyakap ko siya ng mahigpit at muntikan pang matapon yung pagkain niya. Ang sweet talaga nitong babaeng ito, ang swerte ko at meron akong kaibigan na katulad niya.
"Oo, thanks..." kumalas ako sa yakap at ng tingnan ko siya ay nakasimangot na siya.
Tinawanan ko lamang siya at nanood na ako ng cartoons. Nagpaalam nga rin pala ako sa kanya na mamayang alas tres ay aalis ako. Siguro makakabalik na ako ng alas singko o alas sais.
BINABASA MO ANG
Falling for You (Pretty Girls Series #1)
RomanceGilliana Marie Delos Reyes is taking BS Psychology. Normal lang ang kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya at ang mga kaibigan. Hindi sila ganoon kayaman at hindi rin ganoon kahirap. Until one day, Gilliana met Cal Denzey, the CEO of the Denzey Re...