Kabanata 45

45 4 2
                                    


Lumipas ang ilang araw at nagpatuloy si Cal Denzey sa panliligaw sa akin. Halos araw araw ay hinahatid sundo niya ako pagpasok at pauwi sa hospital.

Ang sabi ko naman sa kanya na wag na, na okay lang kahit hindi na niya gawin yun dahil nga malalayo lang siya sa pagpunta ng trabaho niya pero siya na mismo ang nagsabi na okay lang.

Wala naman akong magawa kaya pumayag na lang ako sa ginagawa niya. Linggo na ngayon kaya nandito lang ako sa condo at nakahiga sa may sofa habang nanonood ng tv.

Ang alam ko ay hindi din magtratrabaho ngayong araw si Cal Denzey. Pahinga niya ngayong araw. Nagpatuloy na lang ako sa panonood ko ng pelikula na ito.

Hindi ko na nasundan yung palabas na pinapanood ko ngayon. Napakamot naman ako sa sentido ko dahil don. Bwisit naman, kinuha ko naman ang remote at press the backward.

I pressed that play button ng makita ko yung part na nasa loob ng kwarto yung bidang lalake. Ng maibaba ko ang remote ay saktong may nag doorbell naman.

Napairap naman ako dahil don, nakakatamad naman tumayo ei. Sino ba yung taong yan ha? Wala akong nagawa kundi tumayo nung nag-doorbell ulit ito. Ng buksan ko naman yung pinto ay halos manlaki ang mata ko.



Kabanata 45

Babysit

Nandito kami ngayon sa kusina at kumakain ng lunch. Napapasulyap ako kay Cal Denzey na kumakain dito sa harapan ko.

Ng tanungin ko siya kanina kung bakit siya nandito ay ang sabi niya namiss niya daw ako. Halos mapairap naman ako sa sinabi niyang yun pero kalaunan ay napangiti din ako, hindi ko lang pinahalata.

Nagulat talaga ako ng makita na nasa harap siya ng condo unit ko. Alam niya na dito sa building na ito ang condo ko pero hindi mismo ang unit. Ang sabi niya ay nagtanong pa siya dun sa receptionist.

Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya ng mahuli niya ako. I heard him chuckled that's why I glared at him. Natigil naman siya pero patawa tawa pa rin siya ng mahina.

Ang laki din ng pinagbago niya. Kung dati ay napaka cold niya, ngayon ganon pa rin naman. Cold siya pero kahit papano ay tumatawa tawa na siya, madaldal na din naman siya.

Ng matapos kaming kumain ay tumayo na agad ako at kinuha ko ang plato niya para ilagay sa sink. Sumunod naman siya sa akin at inagaw ang hawak kong mga pinggan.

"I'm gonna wash the dishes..." nilagay niya yung pinggan na pinaggamitan namin sa sink. Sumunod ako sa kanya at inagaw ang hawak na sponge.

"Ako na, bisita ka kaya ako na ang maghuhugas ng pinggan. Maupo ka na don sa sofa at manood.." saad ko at binuksan na ang gripo. Tumabi naman siya sa akin kaya napakunot ang noo ko sa kanya.

"Sabi ko don ka na, maupo ka dun sa sofa..." ngumiti lang siya sa akin at sinara ang gripo.

"I'm gonna help you wash the dishes..." halos mapairap naman ako sa kanya. Para naman hindi ko kayang maghugas ng pinggan at kailangan ay tulungan niya pa ako.

Pinabayaan ko na lang siya sa kung ano man ang gusto niyang gawin. Ako ang nagtatanggal ng sebo samantalang siya naman ang naghihinaw dito. Pinunasan din niya ito bago ilagay sa lagayan.

Mabilis naman na natapos ang hugasin at nagpunas na ako ng kamay maging siya.

Nagdiretso kami sa sofa at nanood ng pelikula. Yung horror movie na pinapanood ko kanina ang pinapanood namin ngayon. Hindi kasi namin kanina natapos dahil kumain na rin naman kami ng lunch.

Nanonood lang kaming dalawa ng tahimik, ni walang nagsasalita sa pagitan namin. Nakatutok lang ako sa tv ng maramdaman ko na lang na nakatitig siya sa akin.

Falling for You (Pretty Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon