Kabanata 44

35 6 8
                                    


Nakatayo habang nakakuyom ang dalawang kamao.

Tiningnan ko naman siya habang nakataas ang isang kilay, hinihintay na magsalita siya tungkol sa tinanong ko. Ng hindi siya magsalita ng mahigit limang minuto ay napangisi ako.

Huwag mong sabihin na hindi sila ni Cal Denzey? Napabuga ako ng hangin dahil don, sa bagay, pano ko naman kasi malalaman yung status nilang dalawa ni makita o mabanggit man lang pangalan nilang dalawa nun, agad agad ko nang pinapatay yung tv o cellphone.

Pero hindi ko akalain na hindi silang dalawa. Kahit na sinabi na ni Cal Denzey sa akin kagabi na mahal pa niya ako at hindi naman daw ito nawala, hindi pa rin pumasok sa isipan ko na hindi naging sila ni Bianca.

Pero base sa mukha ngayon ni Bianca, masasabi mo na hindi nga silang dalawa ni Cal Denzey ngayon. Tapos ang confident niya pang palayuin ako kay Cal Denzey eh hindi naman pala sila.



Kabanata 44

Chance

Ang confident niyang sabihin na lumayo at wag kahit tingnan si Cal Denzey dahil property niya ito, tapos ito ngayon malalaman ko na hindi naman pala sila.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa kanya ng diretso.

"Hindi naman kayo, diba?.." tanong ko sa kanya, walang halong panunuya. Pero sumama lalo ang timpla ng mukha niya sa tanong ko, akala siguro inaasar ko siya tungkol dito.

Hindi naman siya nagsalita sa tinanong ko. Kahit ni tumango at umiling ay hindi niya ginawa. So I assume na hindi nga silang dalawa, silent mean yes, diba?

"Bianca, wala naman palang kayo pero kung umasta ka para mo siyang pag-aari o boyfriend..." I stated while looking at her.

Hindi maipaliwanag ang mukha niya sa sinambit ko. Napangisi ako sa kanya, masakit ba yung katotohanan? Masakit ba na kahit na naghiwalay kami ni Cal Denzey ay hindi naging sila man lang makalipas ang tatlong taon.

Wala na ba siyang masabi? Magyayaya siya na makipag-usap tapos hindi din naman pala magsasalita. Siya mangunguna nguna dito tapos hindi din naman siya magsasalita man lang kahit konti.

Bumuntong hininga ako at lumapit sa kanya.

"Bianca, kung ayaw mo na nakikita mo akong kasama, kausap o kalapit man lang si Cal Denzey, siya ang pagsabihan mo, tutal siya naman yung lumalapit sa akin. Hindi sa pagmamayabang..." as I raised my two eyebrows at her.

"Also, bago ka magdikta ng kung anong gagawin ko o niya. Siguraduhin mo munang merong kayo, hindi yung walang kayo pero kung umasta ka, akala mo girlfriend ka niya..." nginitian ko siya at tumalikod na.

Wala na rin naman siyang sasabihin siguro. Pinaalalahanan ko na rin siya kaya siguro naman maaari na akong umalis. Hindi pa rin ako nakakakain ng ayos dahil nag-aya siyang mag-usap kaming dalawa.

"Do you still love him?.." I heard she asked. Napatigil ako sa paglalakad ko at hindi agad nakaresponde sa tanong niya.

That question caught me off guard. Hindi ako makaharap sa kanya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, ang isasagot ko.

Gustong gusto ko isigaw sa kanya na, oo mahal ko pa siya, but I stop myself. Hindi naman kailangan sabihin ko pa yun sa kanya. Hindi valid na sabihin ko pa sa kanya ang tungkol sa nararamdaman ko pagdating kay Cal Denzey.

Babaliwalain ko na sana ang tanong niya at maglalakad na palayo ng tumawa siya. Agad akong napalingon sa kanya dahil don. Ano naman ang itinatawa ng babaeng ito?

Halos tumagal ng dalawang minuto ang tawa niya bago siya tumigil. Nagpunas pa siya ng luha sa mata niya at tumingin sa akin ng nanunuya.

"Mahal mo pa nga, right?.." hindi ako sumagot sa kanya. Ako naman ngayon ang natahimik saming dalawa. Nagkabaliktad ang sitwasyon.

Falling for You (Pretty Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon