Kabanata 25

28 3 6
                                    


Bash

It's thursday and it's still six in the morning. I'm here in Denzey's condo unit. About dun sa kahapon grabe talaga, halos lahat ng nasa university ay nakatingin sakin at pinagbubulungan ako.

Nalaman na rin ni Denzey ang tungkol dun kahapon. Natatakot na din ako magbukas ng social media kasi talagang ang dami daming nagddm sakin at kung ano ano ang sinasabi.

Lahat na lang ata ng tao dito sa Pilipinas ay dinm ako eh. Wow, grabe naman yun Lia.

Napabuntong hininga ako tuwing naiisip yun. Grabe, instant sikat kaagad ako. Napatingin ako sa cellphone ko na nasa lamesa ng magvibrate ito. Si Denzey nga pala ay nasa kwarto niya at nagbibihis pa.

Kinuha ko naman ito at nakitang nagtext sakin si Belle.

From Belle

I think wag ka munang pumasok ngayon. Love you...

Napakunot naman ang noo ko sa tinext niya sakin. Bakit naman? Ah, siguro dahil baka mabash na naman ako. Kahapon ng kumalat iyon ay ang dami ng nangbash sakin.

Ang sabi sulutera daw ako, kabit daw ako, ahas at kung ano ano pa. Hindi ko naman yun pinansin dahil si Denzey na rin mismo ang nagsabi nito.

Huwag ko na lang daw pansinin dahil wala naman daw silang alam pero kuda lang ng kuda. Sabi naman ni Tracy ay hayaan na lang palipasin ang issue at huwag nang pumatol pero siya naman ang nangunguna nguna kahapon sa pagsasabing ang bibig daw lahat ng nangbabash sakin.

Oh diba, siya yung nagsabi na wag gagawin pero siya naman pala ang unang gagawa.

Ibababa ko na sana ang cellphone ko ng magtext si mama. Kinabahan agad ako ng makita na si mama ito, siguro ay nakaabot na rin sa kanila yung balita na yun.

Napalunok naman ako ng mabasa ko yung text niya.

From Mama Ganda

Ano yung bali-balita anak? Totoo ba yun ha anak? Ang dami dami ng nangbabash sayo, mga bwisit na bata iyung mga yun. Kung hindi ako makakapagpigil talagang susugurin ko yang mga yan.

Napakagat labi ako sa tinext ni mama. Nako baka mamaya ay may sugurin si mama o di kaya ay sila tita knowing na mga palaban talaga ang mga yun.

Naalala ko nung elementary ako ay nabully ako at tinulak ako nung mga yun kaya ako nagkasugat. Pagkauwi na pagkauwi ko ay nakita yun ni mama at galit na galit, talagang kinausap yung magulang nung bata at sinabing hindi marunong mag-alaga ng bata kaya lumaki na bully.

Nako, baka mangyari na naman yun ngayon. Baka manugod na naman sila para lang ipagtanggol ako. Ayoko pa naman na nadadamay sila pag may problema akong akin.

Pero bwisit talaga, bakit kasi kumalat pa ito? Sino ba kasing nag-upload ito?

Meron na akong naiisip kung sino ba pero ayaw ko naman na husgahan agad siya. Bakit naman pati niya gagawin yun? Anong dahilan niya?

Ano? Para madaming magalit sakin at para mahiwalayan ko si Denzey? As if naman na hihiwalayan ko si Denzey dahil lang dyan.

Alam ko na naman ang consequence kung magiging kami ni Denzey. Sikat si Denzey at mayaman na rin dahil nga siya ang CEO kaya marami talagang side comment pag nalaman nila na kami na ni Denzey.

Hindi naman yun maiiwasan lalo na't isang Denzey Mendez ang naging boyfriend mo.

To Mama Ganda

Opo ma, kami na rin po ni Denzey ma. Pati na huwag niyo pong pansinin yung mga yun, lilipas din po yan.

Yan na lang ang nireply ko kay mama. Hindi ko talaga alam ang irereply ko lalo na't mama ko siya kaya yan na lang.

Falling for You (Pretty Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon