Kabanata 29

28 4 0
                                    


Thank you

It's already six in the morning and I'm cooking breakfast. It's Saturday at September 3 na ngayon, malapit na rin yung basketball. Nalalapit na rin ako mag-OJT, jusko kaya ko ba yan?

Nitong nakaraang Linggo ay maayos naman kami ni Denzey. Kaso medyo cold pa rin siya sakin.

Si Tracy ay tulog pa rin ngayon dahil busy siya sa kakatapos ng plate niya kagabi. Siguro nakatulog yan ng mga ala una na, pwede naman niya tapusin ngayon pero sabi niya ayaw niya dahil gusto niya raw na walang gawin ngayon, umoo na lang ako sa kanya.

Binilisan ko na magluto at pumunta na sa unit ni Denzey. Ng buksan niya yung pinto ay pumasok na agad ako at dumiretso sa kusina. Inayos ko ang kakainin namin at naupo na siya.

Naglagay pa ako ng tubig sa may baso namin bago naupo sa tabi niya. Tahimik lang kaming dalawa at ng matapos kaming kumain ay hinatid ko lang siya hanggang sa elevator.

Bumalik na ako sa unit namin ni Tracy at nanood na lang sa sala. Kinuha ko rin yung magazine na nasa table at binuklat iyon. Commercial pa lang naman at nang binuklat ko pa ng isang page yung magazine ay bumungad sakin ang mukha ni Denzey.

Wow naman, ang galing talaga niya. Kasama siya sa pinakamaasensado dito sa Pilipinas. Yung hotel niya ay na-feature rin dito at isa sa successful na hotel sa Pilipinas.

Magaling nga talaga siya sa paghahandle ng ganyan. Binuklat ko pa ito at ang daming business na mga successful ngayon dito.

Kinuha ko naman yung isang magazine na puro pang model. Infairness, magaganda silang lahat mas lalo na talaga itong si Kyulmin.

Nasali na rin siya sa most beautiful women in the world at naging number 1. Kaya ang daming fans nito ni Kyulmin eh. Ng buklatin ko ang isa pang page ay bumungad sakin ang mukha ni Bianca na nakangiti.

Napairap naman ako sa hangin. Bakit ang plastik ng ngiti niya dito? Halatang halata, ewan ko na lang sa iba. Inilipat ko na lang sa isang page. Lalaki na ang sunod at tiningnan ko naman ang mga naggagwapuhang mga lalaki na ito.

Para sakin, isa sa gwapo sa mga ito ay si Sirk. Totoong gwapo talaga siya tapos ang serious pa lagi ng aura niya kaya mas lalong nakakagwapo yun sa kanya.

Gwapo din naman yung iba kasi para sakin si Sirk yung bias ko. Well, para sakin lang yun bias ko siya eh. Ng matapos ang commercial at bumalik ang pinapanood kong teleserye ay binaba ko na ang magazine na hawak ko.

Habang nanonood ako ay lumabas na sa kwarto si Tracy at papikit pikit pa ang mata niya. Kagigising lang ng bruha at dumiretso na siya agad sa kusina. Alas otso na nagising tong babaeng ito.

Hindi man lang magmumog ang babae sa cr o di kaya ay maghilamos ng pagmumukha niya. Tinuon ko na lang ang tingin ko sa tv ng makita na lumabas siya sa kusina na may dalang pagkain at naupo sa tabi ko.

"Hindi ka man lang ba maghihilamos? Kain ka agad eh..." siya ko sa kanya at nagkibit balikat lang ang huli. Sumubo na agad siya ng kanin at inismidan ko lang siya.

Minsan talaga, pati pag hihilamos sa umaga o pagmumumog kinatatamaran nito pero pagdating sa pagkain laging masipag kumain. Napailing na lang ako sa kanya at nagpatuloy na lang sa panonood.

Lumipas ang ilang minuto ng maramdaman ko siyang umalis sa tabi ko at pumuntang kusina, tapos na atang kumain.

Ng makabalik siya rito sa tabi ko ay nakapaghilamos na siya. Kinuha naman niya yung magazine na ginamit ko sa kanya at binuklat niya.

Nagulat na lang ako ng bigla niya itong ibagsak kaya napatingin ako sa kanya at nakakunot ang noo. Nakakunot rin ang noo niya at nakasalubong pa ang dalawang kilay.

Falling for You (Pretty Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon