Kabanata 36

32 3 4
                                    


Necklace

Napadilat ako pero bigla ko rin naipikit ang mata ko dahil sa liwanag. Kinapa ko naman yung side table ko para patayin yung alarm clock ko.

Naupo naman ako habang papikit pikit ang mata ko. Inaantok pa ako ngayon at parang ayaw ko pang bumangon ngayon.

Kaso yung tiyan ko ay panira, bigla na lang kumalam ang sikmura ko at nanghihingi na ng pagkain. Wala akong nagawa kung hindi ang bumangon. Napatingin naman muna ako sa orasan at nakitang alas sais pa lang ng umaga.

Dumiretso naman ako sa cr para maghilamos ng mukha ko. Pagkatapos nun ay nagdiretso ako sa kusina para magluto ng agahan ko.

Kumuha naman ako sa ref ng hotdog tsaka na rin ng itlog, ito na lang ang lulutuin ko ngayon. Tinatamad naman kasi akong magluto ng bacon.

Ng matapos akong magluto ay dinala ko ang pagkain ko sa may sala. Ng malagay ko ang plato ko sa may lamesa ay kumuha naman ako ng tubig sa kusina at bumalik sa sala dala ang tubig.

Binuksan ko rin yung tv para naman hindi ako mabored habang kumakain. Habang kumakain ako ay pinalabas naman sa news yung batang nasagasaan kahapon.

Yan yung kahapon na dinala sa ospital. Ang pagkakaalam ko ay pitong taon pa lamang itong batang ito.

Naawa nga ako sa batang ito, ang alam ko rin ay wala itong magulang. Dyan lamang siya sa labas pagala gala. Pero salamat naman at hindi masyadong napuruhan ang bata.

Wala siyang malalang nakuha, konting galos lang tsaka na rin medyo malaki daw ang sugat sa may bandang braso ng bata.

Ewan ko lang kung ano pa ang mga natamong sugat nung bata, busy na rin kasi ako kahapon.

Tinapos ko na rin naman agad ang pagkain ko at tsaka ito nilagay sa sink. Napatingin ako sa cellphone ko na nasa may lamesa dito sa kusina. Tumutunog kaya nilapitan ko at tiningnan kung sino.

Si Brianne tumatawag, naninigurado siguro itong babaeng ito. Ano tingin niya sa akin, hindi marunong tumupad sa usapan. Marunong kaya ako tumupad noh.

"Hello..." bungad ko sa kanya. Bumati rin naman siya sakin at hindi nga ako nagkamali dahil pinaalala niya sakin yung tungkol sa blind date mamaya.

Inulit namna niya na alas dose daw sa Percy cafe ako pupunta. Tatango tango lang ako kahit alam ko naman na hindi niya ako nakikita. Tumatango pa rin ako sa kanya.

"Brianne, siguraduhin mo lang na sisipot yung lalaking sinasabi mo na magiging ka-blind date ko mamaya. Baka masapak lang kita pag nakita kita..." banta ko sa kanya.

Napakinggan ko naman na tumawa siya sa kabilang linya.

"Oo sige, siya bye na..." nagpaalam na siya maging ako rin. Ng maibaba ko na yung cellphone ko at lumapit sa sink para hugasan ang plato.

Ng matapos ako sa paghuhugas ay naupo na muna ako sa may sala at nanood ng palabas. Mukhang nagsisi ako na pumayag ako dito sa blind date na ito.

Makakapagpahinga nga ako kaso nakakaboring naman dito sa condo. Wala akong magawa kundi ito manonood lang ng kung ano ano. Tapos kain pa ako ng kain.

Nung huli kong timbang ay nasa 49 kilos na ako. Ang bigat ko na tapos sigurado ako ngayon na kakain na naman ako dahil nakakaboring.

Aabot ata ng halos 50 pataas ang kilo ko ngayon. Ngayon din ay nakakatamad mag exercise. Hays, ano ba yan halos lahat na lang kinatamaran ko.

Ganito ba pag tumatanda ka? Magiging tamad ka ba halos sa lahat. Eh hindi pa naman ako ganon katanda. 23 pa lang naman ako kaya hindi pa ako ganon katanda.

Falling for You (Pretty Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon