Kabanata 13

27 5 0
                                    


Insecure

Friday na ngayon at nasa university ako ngayon. Huling subject ko na at patapos na rin ito. Hindi ko nakita ngayon si Eathan simula kanina pang umaga pati na rin kahapon at nung Miyerkules.

Mukhang iniiwasan niya ako. Ang sabi naman ni Tracy nakakasama niya naman ito kahit si Belle.

Halata naman na iniiwasan niya ako eh, pero okay lang yun. Kung ako rin naman ata iyo ganoon rin gagawin ko.

Nakwento ko na kay Tracy at Belle yung nangyari para hindi sila magtaka kung bakit kami malayo sa isa't isa ni Eathan.

Siguro naman pag okay na siya ay babalik na kami sa dati. Nandito naman ako palagi.

Nang matapos ang klase ay dumiretso na agad ako sa pauwi. Naibigay ko na kay Tracy yung regalo ko sa kanya. Isang sapatos, gusto kasi niya yung mga sapatos. May mga collection siya ng sapatos, mga sneakers.

Naglagay lang ako ng isang pares ng damit dahil dalawang araw lang naman ako doon. Ngayong gabi ako pupunta samin.

Sa Laguna kami nakatira, sa Sta.Rosa. magkapit bahay lang kami nila Tracy doon. Kahit sila Skylar at Macky ay kapitbahay din namin.

Alas sais na ng lumabas ako sa kwarto at nakitang may pagkain na naihanda si Tracy.

"Kain ka muna bago ka umuwi..." yaya sakin ni Tracy kaya tumango naman ako sa kanya.

Habang kumakain kami ay may pinabibigay siya sa mama at papa niya. Ilang damit at ibang mga gamit sa bahay. Ibigay ko raw sa kanila dahil hindi siya makakauwi ngayon.

Tinatamad daw siya at kakauwi niya lang daw noong nakaraan. Tumango naman ako sa kanya at inilagay sa bag ko. Isang bag lamang ang dala ko, pati na rin nandoon naman yung iba kong mga gamit kaya para saan pa ang pagdadala ko nang madaming gamit.

Nang matapos kaming kumain ay hinatid niya ako hanggang dyan sa baba ng building. Dapat ay hanggang sa terminal pa kaso sabi huwag na dahil may iba pa siyang gagawin.

Tumango na lang siya at kumaway na bago bumalik sa building. Sumakay na ako ng jeep papuntang terminal papuntang Laguna.

Ng makarating ako sa terminal ay sumakay na ako sa bus at naupo na roon sa may likuran. Kinuha ko ang cellphone ko para ipaalam kay Tracy na nasa sasakyan na ako.

To Tracy-nger

Dito na ako sa terminal, ingat ka diyan ha. Goodnight...

Nang masent ko sa kanya ay nagreply agad siya at mag-ingat din daw ako.

Naisip ko naman si Denzey, tutal may number ako ng kaniya maitext na lang din siya.

To Denzey Baby

Nasa terminal na ako ng bus pauwi ng Laguna. Ingat ka diyan ha, wag kang magtataksil sakin dyan.

Natawa ako sa tinext ko sa kanya. Ito ang unang beses na tinext ko siya, kahit hindi ko lagyan ng pangalan kung sino yan paniguradong ako naman ang maiisip niya.

Siyempre makapal nga raw mukha ko eh.

Nang mapuno ang bus ay umandar na rin ito. Ako naman ay naglagay lang ng earphone at nakinig nang music.

Maya -maya lang ay nag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa. Pagtingin ko ay may nagtext sakin. Hah, si Denzey ito panigurado.

Natatawa parin ako hanggang ngayon dahil sa name niya sa contact list ko.

From Denzey baby

Okay, ingat ka. And don't accuse me.

Napangisi ako ron sa nireply niya. Aba eh ang gwapo gwapo niya kaya, ang dami daming nagkakagusto sa kanya.

Falling for You (Pretty Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon