Kabanata 7

39 5 0
                                    


Dad

Lunch time na at pumunta na akong cafeteria. Pagkadating ko doon nakita ko na silang lima kaya pumila na muna ako para makabili ng pagkain ko.

Naupo lang ako sa tabi ni Tracy at nakipagkwentuhan.

"Grabe yung tawa ko talaga nung time na yung bola tumama sa mukha ni Thrie. HAHAHAHA" tawa ng tawa si Ice habang kinukwento yun kaya kahit kami rin ay natatawa.

"Aray ko naman" mas lalo kaming natawa ng batukan siya ni Thrie. Ayan kasi, manglaglag pa.

Pinagpatuloy lang namin ang pagkain namin at nagkwentuhan rin kami.

Matapos naming mag-lunch naiwan ulit si Belle at Ice dahil may vacant time pa sila at nauna na kaming apat. Habang naglalakad kami ay nagpaalam na si Eathan at Thrie dahil dun pa sila dadaan sa kabilang hallway kaya tumango nalang kaming dalawa ni Tracy.

"Tracy" tawag ko sa kanya at napatingin naman siya sakin at napansing napakalaki ng ngiti ko.

Tumaas naman yung kilay niya.

"Kasi kaninang umaga, doon ako kumain kay Cal. Tapos isinabay niya ako sa sasakyan beh. Grabe, napakabango ng sasakyan niya, jusko" pangiti-ngiti pa ako at siya naman ay parang uod na sinabuyan ng asin dahil napakaliit niya.

"Ayyyyy grabe, umaarangkada ka na ah. Support kita dyan, tulungan pa kita hahhahaha" kumindat pa siya sakin at natawa naman ako sa kanya.

Napailing iling naman ako at nagpaalam na pupunta na sa room. Tumango naman siya at kumaliwa na samantalang ako ay dumiretso na.

Pagkarating ko sa room ay doon lang ako sa likuran naupo at dahil wala pa naman yung Prof. namin ay nagcellphone na lang muna ako.

From Belle

Bwisit itong lalaking ito Lia, wala ng ginawa kundi mag-ingay nakakarindi na. Sumasakit na tenga ko.

Natawa naman ako sa text nitong babaeng ito. Parang si Thrie at Tracy rin ito. Laging nag-aaway itong Belle at Ice na ito.

To Belle

Mag-earphone ka na lang or di kaya lagyan mo ng tape yung bunganga niya HAHAHA...

Tinago ko na yung cellphone ko dahil saktong pagkasend ko ay pumasok si Prof. Dimaranan, nilagay lang niya yung mga gamit doon at nagsimula nang magturo samin.

Habang nagdidiscuss si prof ay nag-vibrate yung cellphone ko at nakitang may reply si Belle.

From Belle

Nakakabwisit talaga, ang ingay ingay...

Napatawa naman ako pero napatigil din baka kasi marinig ako. Hindi na muna ako nagreply sa kanya at baka mahuli ako ng prof namin.

Ng matapos ay pumunta muna akong library dahil may 1 hour pa bago ang susunod kong klase at pagkatapos nun ay uuwi na ako.

Naupo lang ako sa pinakadulo at nagbasa-basa ng libro tungkol sa Psychology.

Habang nagbabasa ako ay nag-vibrate ulit yung phone ko at pagkatingin ko ay nagtext naman si Tracy.

From Tracy-nger

Oii beh, maaga kami pinauwi ngayon. Pati aalis ako ha? Pupuntahan ko lang insan kong si Mac.

Napatango naman ako sa text niya na parang nakikita niya ako.

To Tracy-nger

Geh, ingat ka. Pati Martes pa lang ngayon, bibisitahin mo na si Mac?

Falling for You (Pretty Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon