Kabanata 3

52 5 4
                                    


Nightclub

Sabado na ngayon at ngayon yung araw kung kailan manglilibre si Belle. Naging ka-close din namin si Eathan nitong nagdaan na araw.

It's still 6:30 in the morning at heto ako ngayon nakatulala sa kisame. Tinatamad pa akong bumangon pero kumalam na ang sikmura ko.

Naghilamos lang ako at lumabas na ng kwarto at dumiretso ng kusina. Pagkarating ko ay nakita ko si Tracy na nag to-toast ng tinapay, at may nakahanda ng bacon, hotdog, itlog, kanin at kape sa mesa.

Nang natapos siyang mag toast ng bread ay umupo na siya sa harap ko.

"7 pm mamaya diba?"tanong niya sakin habang naglalagay ng pagkain sa pinggan niya. Hotdog at bacon lang ang kinuha ko pati na rin kanin.

"Yup" nagsimula na kaming kumain at siya naman ay nag-kekwento ng kung anong nangyari sa kanya kahapon.

Natawa naman ako dahil sa kwento niya. Kahapon daw kasi ay naglalakad siya sa tabi ng kalsada habang nag-seselpon. Pauwi na siya that time dito sa unit namin. Hindi kami magkasabay dahil may iba pa akong ginawa non, nagpunta pa akong library nung araw na yon.

So ayun nga, naglalakad daw siya tapos hindi siya tumitingin sa dinadaan niya hanggang sa biglang nahulog siya sa kanal.

Kung nakita ko lang yun paniguradong sobrang epic nun. Tatawanan ko pa siya. Cellphone cellphone pa kasi, hindi tumitingin sa dinadaan kaya ayan tuloy nahulog sa kanal.

Pagpasok na pagpasok pa lang daw niya dito sa building eh pinagtinginan siya at yung iba daw ay nagtataka sa kanya. Mabuti na nga lang wala daw nakakita nung part na nahulog siya kung hindi magiging katawa-tawa siya.

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na muna ako sa sala at nanood dun. Hindi ko pa rin nasasabi sa kanya yung nangyari last tuesday.

Yung nakita ni Cal yung drawing ko. Paniguradong ako naman ang pagtatawanan ni Tracy niyan kasi alam niya kung gaano ako kagaling sa pag drodrawing, dinaig ko pa siya. Insert sarcasm tone.

Si Tracy naman eh dumiretso sa kwarto niya at kumuha ng gamit dahil tatapusin na niya ngayon yung plates niya.

Nanonood ako ng tv dito at siya naman ay nag-drodrawing ng maalala ko na naman yung araw na yun. Nakakahiya talaga, gustong gusto kong kainin ako ng lupa nung time na yun.

"Ahmm Tracy" nahihiya kong sabi sa kanya. Siya naman nagpatuloy sa ginagawa niya pero nakikinig naman siya sakin.

"Ahmm ano kasi... Yung ano" hindi ko matuloy tuloy dahil nahihiya nga ako at magtataka siya.

"Mmm ano yon?" tanong niya sakin at ang paningin ay nandoon parin sa drino-drawing niya.

"Ahhh pwedeng paturong mag-drawing?" kagat labi kong sabi at siya naman ay tatango tango pero maya maya napatingin siya sakin at nanglalaki ang mga mata.

"Ano? Magpapaturo ka? Bakit? Akala ko ba satisfied ka na sa drawing mong mukhang kung ano" sabi niya sakin.

Wow ha, grabe toh manglait sakin. Napangiwi naman ako sa mga sinabi niya sakin, wala akong ibang maisip na dahilan para sabihin ko.

Nakatingin parin siya sakin ng nagtataka at nakakunot pa ang noo. Napatigil tuloy siya sa paggawa ng plates niya.

"Kasi may pinapagawa yung prof namin sa.... Science,oo sa science. Pinapadrawing yung mga— yung ano cell. Ayun ganon, gusto ko naman matuto kaya nagpapaturo ako sayo" cell? Seriously Lia, yun talaga. Well maganda namang palusot yun. Mukha naman siyang naniwala at tatango tango pa.

"Ahh yun lang naman pala, siya ako na na lang gagawa at penge na lang picture non para may pag-gayahan ako" at nagbalik siya sa ginagawa niya.

Napangiwi naman ako kasi gusto ko ngang matutong mag drawing, bakit kasi ganon dahilan mo Lia sira ka rin eh. Pano yan, pag kumontra naman ako baka makahalata na siya. Sumang-ayon na lang ako sinabi niya at nagpatuloy sa panonood ng nakanguso.

Falling for You (Pretty Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon