Kabanata 8

34 3 0
                                    


Babe

Minsan pala nakakabwisit pag ka-close mo yung taong gusto mo. Grabe, makapagsabing madaldal ako eh pano ba naman napakatahimik niya akala mo laging namatayan.

Nang nasa loob na ako ng room ay saktong dating din ng prof namin kaya nagsimula na agad magdiscuss.

Malapit ng mag-alas dose at nandito pa rin ako sa loob ng room dahil nagdidiscuss yung prof namin sa history, malapit na rin namang matapos ito ng magvibrate yung phone ko.

From Belle

Hey you're so tagal, hula ko na nag-extend na naman yang prof mo sa history. By the way inorderan na kita ng pagkain, hintayin ka namin dito. Love love

Binalik ko na rin agad sa loob ng bulsa ko yung cellphone dahil baka mahuli ako. Makalipas lang ang ilang minuto ay pinalabas na rin kami at dumiretso na ako sa cafeteria dahil nag-aantay na yung lima sakin.

Pagkarating ko doon ay nagsisimula na silang kumain kaya naupo na agad ako sa tabi ni Belle.

"Thank you Belle. At himala nilibre mo ako, kagulat gulat" sabi ko sa kanya and she just make face kaya natawa si Tracy.

"By the way guys, ayun nga diba July 26 na ngayon and Wednesday" napatingin naman kami sa kanya dahil napakalaki ng ngiti niya sa labi.

"My birthday is coming" she said with glee kaya nanlaki naman mata naming lima.

Oo nga pala sa 29 na birthday nito, at saktong Sabado pa. She's turning 20 this coming 29, kahit si Tracy ay 19 pa lang ngayon. Sa August 8 pa, ako naman 20 years old na nung February 21 pa. Malapit na pala ang kaarawan nito kaya pala napakalaki na lang kung ngumiti nitong babaeng ito. Manlilibre ito panigurado. Birthday niya kasi.

"Oo nga pala, oh anong plan?" tanong ni Tracy sa kanya at nagsalita naman si Belle ng kung anong gagawin namin sa araw ng birthday niya.

Ang sabi niya ay may handaan muna doon sa bahay nila, alas dos ng hapon hanggang alas syete. Inimbitahan niya halos lahat ng nakasalubong niya, jusko Belle.

Pag sumapit na raw ang alas otso, magclub daw kaming anim. Kakapunta lang namin doon nung isang araw, pero birthday naman niya kaya pagbigyan na.

Pati sabi niya hindi daw pwede ang walang regalo sa Sabado, kaya pag wala kang gift hindi ka pwedeng kumain doon sa bahay nila. Well samin niya lang sinabi yan, ang unfair nga dahil yung iba pwedeng walang gift.

"By the way, baka hindi kami magkasabay na laging mag lunch sa inyo. Alam niyo na naman, practice ng basketball para sa laban..." Thrie stated. Napatango naman kami sa kanya. Ang sabi niya ay irereserba niya daw kami ng upuan dun sa malapit para makita daw namin ng maayos at makita kung gaano daw sila kagaling.

At dahil nga magyabang si Thrie nandyan naman si Tracy para kontrahin lahat ng sinasabi ni Thrie. Hindi na natapos itong dalawang ito,oo.

Nang matapos ang lunch ay pumunta na ako sa susunod kong klase.

Nagdiscuss lang naman yung prof namin sa math at ako naman ay nakikinig lamang.

Nang matapos itong magturo ay pumunta muna akong 7/11 dahil malapit lang naman yun dito. Bumili lang ako ng ice cream at naupo doon sa upuan katabi ng bintana.

Kinuha ko lang yung libro ko at nagbasa-basa, pampalipas ng oras.

Ng lumipas ang isang oras ay pumunta na ako sa susunod kong klase.

Mabilis na lumipas ang araw at biyernes na ngayon. Katulad ng ginagawa ko tuwing umaga ay doon ako kumakain sa unit ni Cal at hinahatid niya ako papuntang university. Kinikilig talaga ako tuwing hinahatid niya ako eh. Feeling ko jowa ko siya, yun nga lang, feeling lang.

Falling for You (Pretty Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon