Kabanata 16

27 3 3
                                    


Sucks

Nang nasa tapat na kami ng building ng condo ko ay bumaba na ako sa kotse. Saktong alas otso ng makarating kami, traffic pa kasi.

Bumaba rin si Sky sa kotse at yumakap sakin kaya yinakap ko rin siya pabalik. Hinalikan niya pa ako sa pisngi bago siya kumalas sa yakap.

"Kumain ka ulit, baka gutom ka na. Pasabi na rin kay Tracy na happy birthday. Love you..." nakangiting sabi niya. Ang sweet niya talaga, minsan. Minsan lang.

"Sige sasabihin ko. Kayo rin kumain din kayo pagkauwi niyo. Mag-ingat kayong dalawa. Sige na, bye insan..." nakangiti kong saad.

Nang makapasok na siya sa kotse niya ay ibinaba niya pa ang bintana nito at kumaway sakin kaya kumaway rin ako pabalik, tiningnan ko pa si Calvin sa bukas na bintana ng kotse niya.

"Ingat sa pagdradrive, lagot ka sakin pag nasaktan si Sky..." banta ko pa sa kanya. Nginitian niya naman ako bago nagsalita.

"Huwag kang mag-alala, safe siya sakin..." tumango naman ako sa kanya at itinaas na ang bintana.

Hinintay ko pa na mawala sa paningin ko ang kotse nila bago ako dumiretso sa elevator. Habang naglalakad ako sa hallway papuntang unit ni Denzey, I texted Tracy that I'm going to have a dinner with Denzey, she said it's okay and its my chance too so goodluck to me.

Yep, goodluck nga sakin.

Nang nasa tapat na ako ng unit niya ay huminga muna ako ng malalim bago ako nag-doorbell. Ilang segundo lang ang lumipas ng bumukas ito.

Bumungad sakin ang mabango niyang amoy, naka t-shirt, pajama at tsinelas lang ang suot niya. Simple but he's hot. I gulp when I looked at his biceps. Grabe, ang laki. Ang ganda talaga ng pangangatawan nitong lalaking ito, yummy.

Tumikhim naman siya sakin kaya napabalik ang tingin ko sa mukha niya at ngumiti ng pagkatamis tamis.

"Good evening Denzey. I miss you..." diretso kong sabi, siyempre wala sa bukabularyo kong magpaligoy ligoy noh.

Umiwas naman siya sakin ng tingin at bahagyang namula ang tenga niya at ang leeg niya. Napatawa naman ako ng mahina dahil sa nasaksihan ko, kinikilig siya. Great achievement Lia.

Pinapasok niya ako sa loob ng unit niya at inilagay ko muna ang dala kong bag sa sofa niya bago kami dumiretso sa loob ng kusina kung nasan ang pagkain.

Nang makita ko ang nasa hapag ay ang daming pagkain, jusko. Mauubos kaya namin ito? Para namang patay gutom ako eh.

May adobo, sinigang, at pork steak. Meron pang dessert na cake na maliit lamang. Ang cute nga eh. May juice pa.

Tumingin naman ako sa kanya bago ako naupo sa harapan ng upuan niya.

"Ang dami naman nito. Para akong bibitayin..." tumaas naman ang sulok ng labi niya sa sinabi ko at umupo na lang din sa tapat ko.

Kumuha na ako ng plato tsaka naglagay ng pagkain dito. Sinigang muna ang kinuha ko, mamaya na yang pork steak tsaka adobo. Naglagay din ako ng kanin at nag juice pa ako.

Naglagay din siya ng sarili niyang pagkain sa plato niya at nagsimula na kaming kumain. Walang nagsasalita sa pagitan naming dalawa, tahimik lamang kami.

Masyadong tahimik. Tumikhim ako at nakuha ko ang pansin niya. Tumingin naman siya sakin kaya napatingin rin ako sa kanya.

"Kamusta naman?.." pagsisimula ko ng usapan namin.

"Fine..." kaso napakaikli nitong sumagot. Nag-isip ulit ako ng sasabihin ko para naman kahit papano ay mabawasan ang katahimikan.

"Masarap itong luto mo..." ngumiti lamang siya sakin ng maliit.

Falling for You (Pretty Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon