See you againNapatingin naman ako bigla kung sino ang kumuha nito at halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko. Napalunok ako at bigla ko na lang iniwas ang tingin sa kanya.
Wag mong sabihin na hanggang ngayon namamalik mata pa rin ako. Nakakain na ako't lahat, hindi na ako nagugutom pero bakit ngayon nakikita ko siya?
Napabuga ako ng hangin at dahan dahan siyang tiningnan. Jusko, hindi nga ako nagkakamali nandito nga siya sa harapan ko. Napakagat labi ako at hindi ko maintindihan sarili ko kung bakit ba ako umaasta ng ganito ngayon.
Ano naman ngayon kung nandito siya diba. Bumuntong hininga ako at tumingin sa kanya. Mukhang ngayon Iya lang naman ako napansin dahil ng tingnan niya ako ay bakas sa pagmumukha niya ang gulat.
"Gilliana..." I heard him whispered. Napalunok ako ng banggitin niya ang pangalan ko na parang matutumba ako ngayon dahil nanghihina ang tuhod ko.
Bakit kailangan maging ganito ang reaksiyon ko? Bakit ganito ang epekto niya sakin ngayon banggitin niya lang ang pangalan ko.
I stared him blankly. Tiningnan ko naman yung kwintas na gusto ko pero hawak hawak na niya. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya na ako ang nauna na makakita niyan.
Pero wag na lang, hindi na lang siguro. Atleast makakatipid pa ako, hindi ako makakagastos ng ganong halaga at hindi mababawasan ang pera ko.
Napansin naman siguro niya na dun ako nakatingin kaya inabot nya sakin ito. Napataas naman ang kilay ko don.
"Hindi na. Sayo na..." nginitian ko naman siya at napansin ko na natigilan siya habang nakatingin sakin. Tumikhim naman ako para mabalik siya sa realidad.
Magsasalita pa sana siya ng biglang may sumulpot at may hawak hawak na isang kwintas rin.
"Z—" nabitin ang sasabihin ni Bianca ng makita niya kami ni Cal Denzey, particularly, ng makita niya ako.
Ngumiti ako sa kanya at napansin ko na medyo nailang siya. Bakit ngayon pa siya maiilang, eh siya pa nga yung unang kumausap sakin non sa ospital. Nakalimutan na niya ata.
"Hi, Bianca Mercado right?..." nakangiti ko pang sabi. Napipilitan naman siyang ngumiti sakin at napansin kong napairap siya pero hindi niya pinahalata.
Bigla na lang niyang inangkla ang braso niya sa braso ni Cal Denzey at pinigilan ko ang sarili ko na tumaas ang kilay don. Gustong gusto ko silang tarayan kaso magmumukha lamang akong bitter dito.
Pinilit kong ngumiti sa harap nila at gustong gusto ko ng umalis dito na lang bigla kaso masyado namanh rude yun kaya ininda ko muna yung sandali na nandito ako.
"Ahm sige una na ako..." paalam ko sa kanila at aalis na sana ako ng bigla na lang may humawak sa braso ko. Napatingin naman ako sa kamay ni Bianca na nakahawak sakin sabay tingin sa kanya habang nakataas ang isang kilay.
Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko na magtaray, gustong gusto ko ng umalis dito dahil awkward na rin at dahil na rin ayaw ko silang makita. Kahit sandali man lang ay ayaw ko.
Tiningnan ko pang muli ang kamay niya na nakahawak sa braso ko bago ko binalik ang tingin sa kanya. Para naman siyang napapahiya na tumingin sakin bago niya bitawan ang braso ko.
"It's already 6, do you want to have dinner with us?.." napatingin ako sa cellphone at nakitang alas sais na nga.
Akalain mo yun, alas sais na pala. Ni hindi ko man lang namalayan na gabi na pala. Masyado yata akong nagiliw sa pamamasyal ko na nakalimutan ko ng tingnan ang oras.
Napabuntong hininga naman ako at ngumiti sa kanila ng pagkatamis tamis. Pwede na akong bigyan na award na 'Plastic Award' dahil nagagawa ko pang ngitian sila ngayon.
BINABASA MO ANG
Falling for You (Pretty Girls Series #1)
RomanceGilliana Marie Delos Reyes is taking BS Psychology. Normal lang ang kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya at ang mga kaibigan. Hindi sila ganoon kayaman at hindi rin ganoon kahirap. Until one day, Gilliana met Cal Denzey, the CEO of the Denzey Re...