Kabanata 14

22 4 0
                                    


Mahal

Hapon na nung bumaba ako sa kwarto ko. Grabe, nag-emote pa ako roon sa kwarto ko. Paano ba naman, pagkaganda ganda talaga ni Bianca.

Para siyang anghel na bumaba sa langit. Pero dapat di tayo papatalo, maganda din kaya ako. Kung nag-model ako edi mas lalo na akong gumanda, tsh.

Nasa sala ako at nanonood ng tv samantalang si mama ay nasa CR.

Nang mag-commercial ay nakatulala lang ako sa tv nang biglang magpop ang mukha ni Denzey. Napaayos ako ng upo ng dahil doon at saktong labas ni mama.

Napatingin sakin si mama pati narin sa tv. Matalino si mama kaya nalaman na niya agad. Umupo siya sa tabi ko at nakinood na rin.

Nakatutok lang ako sa mukha ni Denzey ng ang mag-focus ito sa hotel kung gaano ito kaganda. Totoo ngang maganda yung hotel, may ilang pool tsaka maganda din yung dagat.

Maganda ang quality ng hotel nila. Paniguradong mahal ang bayad dito.

Nang magpop na naman ang mukha ni Denzey ay nagliwanag ang mukha ko. Napansin naman yun ni mama at napatingin naman siya sakin. Nararamdaman ko si mama na nakatitig sakin ng malisyosong tingin.

Nang matapos ang commercial niya ay tsaka lamang ako tumingin kay mama. Nakangiti siya ng nakakaloko.

Tumikhim naman ako at umiwas ng tingin sa kanya. Halata na niya na si Denzey yung taong gusto ko.

Tumikhim rin si mama at mas lalong tumabi sakin.

"Siya ba anak?.." napakagat labi lang ako sa sinabi ni mama.

Hindi ako makatingin sa kanya kaya naman natawa siya. Napa-face palm ako ng dahil don. Wala na nahuli na ako. Ngumuso ako at tumingin sa kanya.

"Kay gwapo naman ng iyong nililigawan, anak..." psh, tingin talaga sakin ni mama lalaking lalaki ah.

Makapagsabi na nililigawan, well totoo naman. Psh kahit na. Hindi ko siya sinagot at tumingin na lang sa tv. Nahihiya ako kay mama, nakita niya pa ako kung gaano ko kagusto yung lalaking yan.

Inasar pa niya ako ng inasar pero hindi ko na lang pinansin. Hmp. Natatawa sakin si mama dahil sa mukha kong nakabusangot.

"Oh sha, hindi na. Pupunta lang ako sa talyer at ihahatid itong pagkain sa papa mo..." napatingin naman ako at sumunod sa kanya sa kusina.

"Ma, ako na lang magdadala niyan kay na papa..." tumingin naman siya sakin bago tumango.

Tuwing hapon ay nagdadala ng pagkain si mama sa talyer para kayna tito at papa. Ako minsan ang nagdadala at nakabike lang ako.

Nang maibigay sakin ni mama yung pagkain at inilagay sa bag ay pumunta na ako sa labas at hinanap ang bike ko. Matagal na rin itong bike kong ito pero hanggang ngayon ay maayos parin.

Kinuha ko ito at isinabit yung bag sa may handle. Ng makalabas ako ng gate namin ay nakita ko si Skylar na nakikipag-usap sa kaibigan namin na taga rito lang din.

Napatingin naman sila sakin kaya kumaway sila at lumapit sakin. Inayos ko muna yung bike ko bago ko sila sinalubong.

"Wow, musta ka na Lia?.." ngumiti ako sa kanila.

"Eto maayos naman ako, eh kayo ba?..." balik kong tanong sa kanila.

Sila Kathy, Mimi, at Arvie itong tatlo. Kaibigan rin namin at kaklase simula nung nagkinder kami. Well si Mimi lang ang hindi dahil 15 pa lang siya ngayon, magkapatid silang dalawa ni Arvie.

"Eto maayos lang din. Saan ka nga pala?..." napabalik ang tingin ko sa bike ko at oo nga pala magdadala pa ako ng pagkain kay na papa. Siguro naghihintay na yung mga yun.

Falling for You (Pretty Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon