Kabanata 4

43 4 2
                                    


Straightforward

Nakaupo lang ako dito nang bumalik yung tatlo rito para mag picture daw. Umayos naman kaming anim at nagpasuyo don sa isang babae na kuhanan kami ng litrato.

Pagkatapos ng ilang shots ay naupo na kami at tiningnan ang mga kuhang litrato samin.

Nagpost naman si Tracy sa Twitter ng picture namin samantalang si Belle ay sa Instagram. Ako rin ay nagpost sa Instagram, yung una picture ko at yung pangalawa ay yung kaming anim na.

2,420 likes
Lia_salungga With friends
@tracy_nger @itsbelle @forthrie_ @ice_tea.delr. @Eat.han

30 minutes ago

Kalahating oras pa lang naman ang nakakalipas at mamaya ay mga nasa 4,000 plus na ang likes niyan.

Tinignan ko naman yung post ni Belle.

1,623 likes
itsbelle having fun with my friends
@Lia_salungga @tracy_nger @Eat.han @forthrie_ @ice_tra.delr.

24 minutes ago

Sa Twitter naman ako nag scroll at nakitang nagpost din sila Thrie, Ice at Eathan don.

Tere  @tracy_nger 36m
With mah friends...
@itsbelle @Lia_salungga @Eat.han @ice_tea.delr. @forthrie_

Comment   retweet   ❤️ 2.1k    share

Kay Thrie ay umabot ng 5,000 at 200 ang likes at comments. Ang famous talaga nitong lalaking ito. Shanaol famous.

Naglagay na lang ulit ako ng Jack Daniels sa baso ko at inikot ikot ang laman sa baso.

Habang ginagawa ko yon ay lumilibot ang paningin ko sa bawat sulok ng club.
Nung saktong uminom ako ay napatingin ako sa tabi ng couch namin at halos maluwa ko ang iniinom ko.

Lasing na ba ako? Pero iilan pa lang ang naiinom. Tinignan ko ulit yung katabi namin na couch dito at confirm nga, nakita ko si Cal. Komportableng nakaupo sa upuan, may hawak na baso at iniikot ikot rin ito at nakatingin lang sa dalawang lalaking kasama niya.

Yung isang lalaki na black and messy hair ay may katabing dalawang babae at hinahawak hawakan ito ng babae kung saang parte man ng katawan. Yung isa pang lalaking nakamaayos ang buhok at medyo singkit ay walang kasamang babae katulad ni Cal.

Ang bait naman nitong Cal na ito, ganyan nga dapat loyal ka lang sakin.

Nakaharap dito si Cal at yung lalaking medyo singkit at nag uusap silang dalawa habang yung isang messy hair ay nakikipaglampungan dun sa dalawang babae.

Nakabalik ang tingin ko rito sa baso ko para hindi niya ako makita. Nakatalikod kasi ako sa kanya.

Ang gwapo niya sobra, he's wearing white longsleeves folded to his elbow, black slacks and I'm sure naka-leather shoes siya. Yung suit niya ay nakatabi sa kanya.

Palihim akong tumingin sa kanya and damn. Sobrang manly talaga ng katawan niya, bakat yung muscles niya and yung chest niya. Paniguradong may abs ito, jusko napakagandang katawan nga naman. Siguro nung umulan ng magandang katangian sa panlabas na anyo ay sinalo niya lahat.

Why so damn hot?

Binalik ko ang tingin ko dito sa lamesa namin dahil baka mahalata niya na may tumitingin sa kanya at mahuli pa ako, isa na namang kahihiyan yun.

Gusto ko sanang tanungin kung anong insta or Twitter niya kaso nakakahiya lalo na't may kasama pa siya sa table nila.

Tinignan ko ang mga kasama ko at sila Belle, Tracy, Ice, at Thrie ay nasa dancefloor na samantalang si Eathan ay nandito sa tabi ko at umiinom lamang.

Falling for You (Pretty Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon