Kabanata 33

30 5 0
                                    


New

"Guys, una na ako ha?.." sambit ko habang kinukuha ang bag ko. Nagsitanguan naman sila sakin at lumabas na ako ng hospital.

Alas onse na ng gabi at kakatapos lang ng trabaho ko. Nakakapagod ang araw na ito, ang daming pasyente ngayon.

Sumasakit na yung likod ko ngayon at gustong gusto ko nang mahiga sa kama ko. Sinuyod ko naman ang basement para hanapin ang kotse ko.

Ng makasakay ako ron ay saktong may tumatawag sakin. Kinuha ko naman sa bulsa ng pantalon ko ito at nakitang si Tracy ang tumatawag.

"Oh hello..." sumandal na muna ako sa upuan ng kotse at hindi muna agad ito pinaandar.

"Oi, uwi ka na ba?.." tanong niya sakin.

"Oo..." sambit ko at halata ang pagod sa boses ko.

"Pwedeng pakibantayan si Thorn bukas? May gagawin kasi ako, si mama kasi mag ginagawa rin eh..." sumang-ayon naman agad ako sa kanya.

Hindi rin nagtagal ang tawag at binaba ko rin ito. Sabado naman ngayon at wala akong pasok bukas, di bale na lang kung may tumawag na naman sakin at sabihing pumasok ako sa trabaho.

Habang nagmamaneho ako ng kotse ko ay binuhay ko ang radyo at saktong kanta naman ang piniplay. Lumang kanta ang pinapatugtog, We could happen ang title.

Para sa mga dalawang tao na nagkatuluyan. Halos lumipas na rin ang tatlong taon at ganap na akong psychiatric technician.

Nakakapagod ang trabaho ko pero masaya naman ako sa ginagawa ko ngayon. Minsan yung ibang pasyente ay mabait at yung iba naman ay agresibo.

Ibang iba na ang takbo ng buhay ko ngayon. This is my new life.

Nang makarating ako sa condo unit ko ay nagpalit na agad ako ng damit at dumiretso sa kama ko. Nakakapagod ang araw na ito kaya agad rin akong nakatulog.

Pagkagising ko kinabukasan ay alas singko pa lang. Pumunta naman ako sa kusina para magluto ng kakainin ko. Hindi ko na inabalang mag-exercise at nakakapagod lamang iyon.

Exercise exercise pa eh kakain lang rin naman ako. Pinahihirapan ko lamang ang sarili ko non.

Ng sumapit ang alas syete ay may kumakatok na sa labas ng unit ko at agad ko itong binuksan. Nakita ko naman na hawak hawak ni Tracy si Thorn na isang taong gulang.

"Good morning..." bati ko sa kanya. Kinuha ko naman sa kanya si Thorn at ako na ang nagbuhat nito.

Pumasok siya sa loob at dala niya yung ibang gamit ng bata. Nilalaro ko si Thorn ng magsalita si Tracy.

"Good morning rin, salamat at pasensya na rin, may kailangan kasi talaga akong gawin ngayon eh, si mama at papa rin may ginagawa ngayon kaya hindi nila maaalagaan yang si Thorn..." nginitian ko naman siya.

"Ano ka ba okay lang. Diba Thorn, gusto mo rin sakin noh?.." lumaki naman ang ngiti sa labi ko ng tumango tango ito. Tiningnan ko si Tracy ng may pagmamalaki sa pagmumukha ko.

"Oh siya una na ako ha..." tumango naman ako sa kanya at bago siya umalis ay hinalikan niya sa pisngi si Thorn.

Umupo naman kami ni Thorn sa may sofa at nilaro laro ko siya. Tatawa tawa naman sakin si Thorn.

Kinuha ko naman ang remote ng tv at binuhay ito tsaka nilagay sa kid's channel para makapanood si Thorn. Inayos ko naman siya ng upo sa sofa bago ko inayos yung gamit niya.

Binilisan ko ang kilos ko dahil baka mahulog na lang bigla si Thorn doon dahil malikot talaga ito. Ng matapos ako sa pag-ayos ng gamit nito ay naupo na ako sa tabi ni Thorn at nakinood na rin.

Falling for You (Pretty Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon