Shaya 1.2

124 2 2
                                    

Bakit? walang gana kong sagot
Eto na naman....

Hindi mo ba ako namiss?

at yan lang ang sinabi mo "Bakit?"

Hindi, bakit ba?

Kailan ka kaya tatablan ng ka sweetan sa katawan, babe

Hindi ako tatablan non,

Dahil hindi ako kumakain ng sweets.

Oo na.. "I Miss You Too" sabi nya

Nakangiti na naman to..

Hindi ako nagsalita dahil sinilip ko sila Sika at Mama..

Ayun.. parang mga loka, nakangiti na naman sila sa akin.

"Hello, sweetypie- andiyan ka pa?

Oo.. ano ba yun?

May rampa ako ngayon, punta ka ha?

"Ayoko!

Basta pumunta ka, alam na ni Sika kung san yun. Icheer mo man lang ako, kahit sa lente ka nakatingin.

Marami nang magchi-cheer sayo.

Hindi mo na kailangan

Selos ka? Honey ko?

Bakit naman, dapat ba?

Asa ka pa boy! halos humaba ang nguso ko.

Lagi ka na lang ganyan sa akin. "Asukal!"

Asukal? takang tanong ko

Di ba Sweet yun? Natatawang sabi nya

Tssssss.... Ewan ko sayo!

Bahala ka,

Maraming chiks dun, baka makahanap ako.

Pagkakaguluhan pa naman ang macho kong katawan.

Sus!., wala akong pake..

Tulungan pa kitang humanap eh!

Ayos! Pupunta ka.. Mahal,

Yes! Yes! Yes!.. masiglang sabi nya

Oh- Oy, wala akong sinabi noh?

Meron!. Sige na..

I'll wait for you here,

Cheer me.. ngiti mo lang solve na.

I Love You!" Everlasting Love.. mwah!

Hindi ako sumagot at

Inend ko na yung call

tinignan ko yung dalawa at tutok na tutok pala sila sakin.

Emmmm-jeeee!!!! Anak!

Ang pula mo! , nagtawanan naman silang dalawa.

Kainis, pinagtawanan na naman nila ako.

Pagkatapos naming kumain, dumeretso na kami sa kotse at nagpaalam na kami kay mama.

Habang nasa byahe kami, inaayos ko ang camera ko ng magsalita si Sika.

Shaaaa...

SORRY!, kasi naman yung boyfriend mo ang kulit eh,

Tsaka kahit ngayon lang panoorin mo naman yung boyfriend mong rumampa!

Raket din to.. sayang ang pera!

Chaka, ang gwapo kaya ng boyfriend mo

Ano yun, Sika?

Wala... wala, hindi ko type yun noh! Si Hanns ko kaya ang gwapo.. sabi nya pa na iiling iling.

Naalala ko tuloy,

"Kung pano ko nakilala ang modelo kong boyfriend"....

SuperModel's Girl : ShayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon