Ngayong araw ang graduation ko at ni Sika, three years lang talaga ang binubuno sa school namin at hanggang ngayon hindi ko pa rin nagagawa yung sinasabi ni Sika noong kinausap ko sya sa telepono.
Si Grei at Hanns next year pa, sa International school kasi sila. (School for elites) , grabe nga lang ang nangyari noong isang beses na pununtahan ko si Grei sa school nya, yun din ang huling punta ko doon.
Wala akong dalang kotse noon nagcommute lang ako, naglalakad na ako papunta sa gate..
Nang nasa tapat na ako ng gate..
"Miss, oras na ng klase hindi kana pwedeng pumasok." Sabi ng guard. "Akala ko ba school for elites to? Bakit nagtatagalog tong guard.. haha,"Ahh.. hindi po ako studyante dito may sadya lang po ako.. pwede po bang pumasok?"
"May I.D ka?
"Meron po'., inabot ko sa kanya yung I.D ko sa school ko. Nanlaki yung mata ng guard nung makita nya ang I.D ko, pabalik balik nga ang tingin nya sa akin at sa I.D ko.
"Manong.., alam ko pong hindi kapanipaniwala ang transformation ko,
I.D ko pa kasi yan nung first year pa po ako, pero ako po talaga yan.
Pero ang totoo wala namang nabago sa itsura ko, yung damit na suot ko lang"
" si Adam Grei ba ang pupuntahan mo?"
Sa wakas nagkaboses din sya,"opo!, pano nyo po nalaman?," binuksan na nya ang gate kaya nasa loob na ako.
'Ah', araw-araw nya kasing binibilin sa akin na baka pumunta ka daw dito, oh',sya sige pumasok kana.. "ikaw na ang bahalang maghanap sa kanya, kapag may nagkakagulong mga babae!", tiyak! nandun sya. Sige!"
Aba.. hindi na nga ako magtataka kung pagkaguluhan sya ng mga babae."naglalakad na ako sa hallway, maganda naman talaga itong school nila obviously kasi mayayaman ang nagaaral dito.
'Assumero talaga yung isang yun at talagang ibinibilin pa nya na baka pimunta ako dito."
Ganito ba ang may klase?, eh.. nasa labas lahat ng studyante",halos matunaw na nga ako kasi lahat sila napalingon sa akin. Okay naman yung suot ko ah?, fitted jeans/hanging blouse na kapag tumaas ang kamay ko kita na ang pusod ko may dala din akong shoulder bag na bitbit ko sa kanang kamay ko at high heels. Feeling ko nga bagay na bagay ako dito.
Nakalugay ang mahaba kong buhok at light make up, akalain nyo bang magsusuot ako ng ganito?,Honestly!', hindi ito ang suot ko.. ipinilit lang ito sa akin ni Sika", yeah.. pinilit nya itong ipasuot sa akin , kailangan daw "Sexy", ako pagpunta ko dito at ano ang nakuha ko?, papatayin yata ako ng mga babae dito.
"Hi!, Miss ngayon lang yata kit nakita dito?, sabi ng isang lalaking playboy, itsura pa lang alam na..
"Yes!, I'm just looking for someone' sabi ko
'Is it me?" Nakangiting sabi nya
'Nah.. sorry no!, iniwan ko na sya at deretso lang ako ng lakad..
May humarang naman sa aking mga kikay girls, tinaasan nila ako ng kilay.
'Anong ginagawa ng isang tulad mo sa school na to?" Maarteng sabi ng nasa gitna. Tumango naman yung mga alipores nya.
'May hinahanap lang ako, pwede bang padaanin nyo ako?,' mukhang mahihirapan ako sa mga ito ah'
'Umuwi ka nalang girl!', you're not welcome here", tinulak nya ako sa balikat kaya medyo napaatras ako.
'Hey Girls!... ano na namang kaguluhan yan!' Sigaw ng isang papalapit na tao pamilyar ang boses.
"OMG!!!',nagtilian na sila nasa likod ko na kasi yung lalaki.
'Kasi this girl eh!, hindi naman sya nag study here. She better go home',conyong sabi ng isang babae
'Eh., Miss ano bang kailangan mo? , sabi ng boses kaya lumingon ako at tinignan yung lalaki.
"Shaya?", parang hindi pa sya siguradong ako ang nasa harap nya
"What are you wearing?"
"Damit???
'You know her Adam?" Arteng singit ng isang feelingera
'Yes!, tinignan nya ako at inakbayan , lumukot naman ang mga mukha ng mga babaeng nakatingin samin.
'Who is she?, sister mo?"
"No.. she's my girlfriend', nakangiting sabi ni Grei
'What!!!!!!!!', sigaw ng mga babae
'Nginitian nya lang sila' , Excuse us' girls", paalam nya
Naglalakad na kami.. nakaakbay pa rin sya sa akin.
'Ano ba yang suot mo babe?'
"Damit nga", si Sika kasi pinilit akong pasuotin nito.
'Its to revealing', mahal- wag ka nga magsusuot ng ganyan. Mas ok sa akin kung naka loose shirt ka kaysa ganyan.
May humarang na naman sa amin yung lalaki kanina ", hoy Adam!, mamigay ka naman lahat nalang ng chiks sayo ah!',baka pwede namang mahiram yang si Miss beautiful!", kahit isang araw lang", paangas na sabi nya.
Nagulat na lang ako ng biglang bumagsak yung lalaki sinuntok na pala sya ni Grei hawak nito ang gilid ng labi nya.
Mas nagulat ako ng biglang nagdatingan ang mga lalaki at pinagtulungan nila si Grei.." Tama na!!', sigaw ko.. lumingon lingon ako para may mahingan ng tulong. Buti nalang si Hanns.. parating..
'Hanns!!, tulong.. si Grei!"
-Natapos ang suntukan nila ng may bangas sa mukha si Grei, kaya pagkatapos ng nangyaring yon hindi ko na ulit sinubukang puntahan si Grei sa school nya. Ayaw ko na kasing maulit yung nangyari.. ayoko kasing magkapeklat sya "baka mas pumanget sya', yung mukha pa naman nya ang pangharap nya sa mga tao.
"Ayokong pumanget sya.'