Three years na din pala..
Tibay nun ah,
Nagiisip-isip pa ako ng dumating si Grei
Hi, Shaya.."
Nilingon ko sya,
Nakangiti, hindi ba to' nagsasawang ngumiti?
Para sayo..." sabay abot nya ng bulaklak
Nagaaksaya ka lang ng pera
kakabili nito....
Ayos.. lang para naman sayo eh..
Wala ka bang pasok?
Wala ka bang rampa pati school ko binubulabog mo..
Wala..' ganyan talaga.
Gwapo ako eh.." ngumiti na naman siya
Grabe!, hangin mo pa rin..
Three years ka nang ganyan magbago kana.. sabi ko pa.
Oy.." binibilang mo.. naks!
Importante pala ako sayo..
Hmmm... ayoko nga, hindi ako magbabago ikaw lang ang gusto ko eh..
"Bakit? Tanong ko .
Anong bakit,?
Balik nyang tanong..
Bakit ako"?
Eh..? Napakamot naman sya sa batok nya.
Kailangan pa bang may paliwanag pa.
Kung bakit ikaw? Eh, ikaw ang gusto ko eh.
Mali.. hindi pala gusto.. Mahal kita eh..
Kahit abutin pa ng ilang taon.. ikaw pa rin eh..
Lakas tama na tong isang to.
Mapapagod ka rin..."
Ahhh... hindi yan" ako pa? Gwapo ako..
Anong konek ng kagwapuhan mo dun?
Wala.." trip ko lang..
Oh." Di ba.. nagagwapuhan ka rin pala sa akin eh..
Tindi mo rin eh..noh?
Talagang pinagmamalaki mong gwapo ka?
Aba.. syempre.. gwapo naman talaga ako diba?
Tinignan ko sya.. nakalabas na naman ang mapuputi nyang ngipin.
Oo.. , sabi ko
Anong Oo?,
Oo.. gwapo ako??
Oo.. gwapo ka nga.."
Yun eh!, umepek na! masiglang sabi nya
Umepek ang ano?
May gayuma kasi yang mga bulakklak na dala ko. Natatawang sabi nya
Gumagamit ka pa pala ng gayuma.
Tamad kong sabi..
Hindi.. biro lang.."
tinignan ko ang paligid..
Pakiramdam ko kasi may nagmamasid samin.. at hindi ako nagkamali.
Pinapanood kami lahat ng studyante dito.
Maging si Sika ayun at ngiting ngiti.
Hinila ko na sya patayo.
"Tayo na-----:"
Napanganga naman siya,
Anong sabi mo? Tayo na?
Oo.. Tayo na.."
Halos maglupasay naman ang mga studyante dito,
Ano ba yan?, ano bang mali sa sinabi ko?
Pinapatayo ko lang naman siya at ayoko na dito..
Bilis!
Hinila ko naman sya papunta sa sasakyan nya at dumeretso sa loob.
May narecieve naman akong text galing kay Sika..
"Ateng!! Lupit mo...Yeeeh!.,"