Tumakbo ako pero pilit nya parin akong hinabol kahit paiktad iktad syang tumakbo. Saan ba kami napunta at wala akong makitang tao. hindi ko alam pero nahabol nya pa rin ako, laking gulat ko na lang may hawak na syang pamalo.
Shit!, masakit yan...
bitawan mo yan!, sigaw ko sa kanya habang umaatras ako para syang asong ulol sa itsura nya. ano bang tinira nito yung ngiti nya nakakatindig balahibo.
Sumama ka na sakin Miss!, pakipot ka pa eh...
nakorner na nya ako, hindi ko na alam kung ano na ang nararamdaman ko sa mga oras na to" ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang takot, sobrang takot na baka mangyari ang hindi dapat at hindi ko inaaasahang mangyayari sa akin dito.
Grei.... asan ka na ba? tulungan mo ako please!!!!
Grei...... tulong!!!! muling sigaw ko
tinawanan lang nya ako... Walang tutulong sayo dito Miss", boyfriend mo ba yung modelong akala mo kung sinong gwapo ha!..
o-oo bakit?, please naman... sana dumating kana..
hindi ka tutulungan non' pinagkakaguluhan na yun ng mga babae,, sa akin ka na lang Miss" mas masarap ako.. " litanya nya,
juskopo.... kinikilabutan talaga ako sa mga pinagsasabi nito..
masarap ba sya sa kama ha.. Miss?,
takteng manyak pala talaga to", ee..
mas masarap ako Miss.. dadalhin kita sa langit!
Shit!. nagulat na lang ako ng bigla nya akong sumgaban, inilalapit nya ang pangit nyang mukha sa akin, pilit ko itong inilalayo..hindi pwede! mangyari to si grei nga hindi ako pinipilit,, tapos ikaw? nakakadiri ang itsura... kinakausap ko ang sarili ko. kailangan kong lumaban, kahit anong mangyari hindi pwede to'
wag ka ng manlaban Miss.... baka mainis ako sayo, at patayin kita!
Ibinalibag nya ako sa kung saan.
Arrggghhh! Tumama sa kung saan ang ulo ko sobrang sakit. Biglang nakaramdam ako ng pagkahilo at nanlalambot ang mga tuhod ko.Papatayin nga yata ako ng hinayupak na to. Pilit akong tumayo at lumalayo pero kapag nahahawakan nya ako ibinabalya nya ako. Sh*t!, ang lakas nya talaga anong laban ko dito. Para kaming nagwre wrestling sa buhanginan.
Wala talaga akong makita, para akong ewan na kapa ng kapa ng kahit anong pwedeng mahawakan at ipanlaban.
Ipinukpok ko sa kanya ang batong nakapa ko pero, parang walang nangyari. Inagaw nya lang sa akin ito at dinaganan nya ako.
Please!, wag!. Sambit ko wala na akong maramdaman sa ulo ko. Hilong hilo na ako. Grei....... hindi ko na kaya. Naisip ko ang mukha ni Mama, Sika at Grei yung masayang araw na kasama ko sila.
//Adam Grei------
Shaya!!!!!!, patuloy lang ako sa pagsigaw. Maging sina Sika at Hanns katulong ko sa paghahanap. Noong walang kasama si Sika kanina agad akong kinabahan akala ko nag CR lang pero magiisang oras na wala pa rin. Kinabahan na ako na baka kung napano na sya, may dala kaming flashlight nasa madilim na parte na kasi ito at walang tao, alam kong malabong pumunta sya dito pero wala ng ibang lugar dito nalang ang maaring mapunthan.
May nailawan akong dalawang taong nakahiga sa buhanginan"grabe naman talaga gagawa ng milagro dito pa"
Aalis na ako pero sa huling ilaw ko sa babaeng sira na ang damit namukhaan ko sya. si Shaya ko...
Halos magkanda taob ako sa pagtakbo palapit agad kong hinila patayo yung lalaki at sinuntok. Biglang umakyat lahat ng nararamdaman ko hindi ko na alam ang gusto ko lang ay mapatay tong lalaking to.
Adam! Pare Tama na.... awat sa akin ni Hanns
Dumating na din pala sila ni Sika kasama ang ilang bantay ng resort na ito.
A-adam...... si Shaya", mangiyak ngiyak si Sika habang hawak si Shaya. Ma-may dugo"
Agad akong lumuhod at tinignan ang ulo nya. Wala na syang malay ng dumating ako Sh*t! Lang.. bakit ba nangyari to' hindi ko dapat sya iniwan. Ipinatong ko ang jacket ko sa katawan nya, dali dali kong binuhat si Shaya at mabilis na tumakbo papuntang sasakyan kailangan madala ko agad sya sa ospital.
Please.......... please...... love" gumising ka. Usal ko.
//Hospital
Nurse tulong!!, agad kong sigaw pagkapasok na pagkapasok ko sa hospital
Nakatulala lang yung Nurse sa harap ko
Please!, nurse wag kang tumunganga dyan tulungan mo ang girlfriend ko!,napasigaw na ako.Napagmasdan ko ang mukha nya ang dami nyang galos at puro buhangin.
Nadala na sya sa E.R, kinakabahan ako"
Relax... pare.. kanina ka pang pabalik balik dyan pati ako nahihilo sayo'
Ang tagal lumabas ng doktor ilang oras na akong naghihintay.
Shaya!, anak......
Narinig ko ang boses ni mama, pinatawagan ko agad kay Sika si mama at hindi ko alam kung paanong nakarating sya agad dito.
Sinalubong sya ni Sika, hindi ko alam kung paano ko haharapin si mama, kung anong sasabihin ko sa kanya.
Lumabas na ang doktor nasa likod lang ako ni mama na kinakausap na nang doktor kung kamusta na ba si Shaya.
Ligtas na ho ang anak nyo misis. Ipapalipat ko na sya ng kwarto
//
isang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin nagigising si Shaya, kaya kinausap ko na si mama na iuwi na lang namin sya sa manila ayokong mabalita ang nangyari at nagpapasalamat ako. nagawan yun ng paraan.
Kinabukasan din ay umuwi na kaming manila sa St. Lukes namin idineretso si Shaya araw-araw akong dumadalaw sa ospital, hindi rin maipaliwanag ng doktor kung bakit hindi pa rin nagigising si Shaya gayong stable na naman ang kalagayan nya.
Nadatnan ko si mamang nakaupo sa sofa kung saan sa kabilang parte ay nakahiga si Shaya sa ospital bed, nginitian ako ni mama umupo ako sa tabi nya at hinawakan ko ang. kamay nya..
Ang himbing pa rin ng tulog nya.
I'm sorry po talaga mama.. hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko.
wag mong sisihin ang sarili mo anak hindi natin ginusto na nangyari ito. Alam ko hindi gugustuhin ng anak ko na sisihin mo ang sarili mo. pagkasabi ni mama noon ay. Nginitian nya ako na sinasabing magiging okay din ang lahat magigising din sya.
pwede bang iwan muna kita? may aasikasuhin lang ako babalik din ako alam kong may trabaho ka pa.
sige po mama okay lang po ako". naiwan akong nakahawak pa rin sa kamay nya pinagmamasdan ko lang si Shaya may mga konting galos pa rin sya at nakabenda ang ulo nya ang sabi ng doktor na sumuri sa kanya noon ay. malakas daw ang pagkakahampas ng ulo nya kung saan kaya may namuong dugo. nakakulong na rin yung lalaking may kagagawan nito.
//2 months later//
Mahal gumising kana miss na miss na kita dalawang buwan kana diyan nakahiga, miss ko na ang boses mo.
