Lumabas ako at nakita kong si Sika ang nasa gate. Kasama nya sina Hanns, Shantell at ang boyfriend nito. Alam kong hindi pa kami nakakapagusap ni Shantell pero hayaan na.
"Hi!, Sha' bati sa akin ni Hanns
'Anong ginagawa nyo dito?' tanong ko
Wala naman binibisita ka namin... iniuwi mo pala si Adam dito ha.. may mapangasar na ngiting sabi ni Sika sa akin.
'Bawal kayo dito uwi na'
Tumawa lang sila Hanns, Shantell at ang boyfriend nito.'ano bang pangalan nito
Sha!, papasukin mo na kami magcecelebrate tayo at sa wakas pinakilala mo na ai Adam kay tita, epik pa dinala mo talaga ng lasing.. daldal ni Sika.
Pagkabukas ko ng gate halos takbuhin ni Sika yung loob ng bahay kasunod yung dalawang lalaki, kasabay ko naman si Shantell..
Shaya, 'tawag sa akin ni Shantell kaya napatingin ako sa kanya.
Can we be friends?' Gustow kow maging magkaibigan tayo. Slang nyang sabi, kaya naman hindi ko mapigilan ang sarili kong matawa. Lumungkot naman ang mukha nya para rin syang si Sika matampuhin.
Sure friends', sabi ko naman.. tumunghay sya, ngumiti sya ng makita nyang nakangiti ako sa kanya.
Ohh--emm--jee!.telega?' Slang paring sabi nya.. tinalon nya ako ng yakap. Tumango tango naman ako.
'Ano yan!!', bakit hindi ako kasama dyan? Napalingon kami sa sumisigaw na si Sika na nagtatakbong payakap sa amin. Mabilis kong iniharap si Shantell kaya sya lang ang nayakap nya. Natawa naman ako sa itsura nilang dalawa, nakalambitin na kasi si Sika kay Shantell.
'Bagay kayong magbestfriend,' dyan na kayo.. dire diretso lang akong pumasok sa loob.
'Shaya!', sigaw ng dalawa
'Ay!, kay g-gwapo naman ng aking mga bisita at kagaganda..'oh sya', tayo ng kumain. Sabi ni mama
Pinakilala ni Shantell ang boyfriend nya Riley(Rayli) ang pangalan nito.
Ipagpapatuloy daw ni Shantell ang modeling, itatry nya din daw ang acting.. ewan ko sa kanila at yun nagkunchabahan naman sila ni Sika, kesho dedisignan daw nya si Shantell at kung ano ano pa ang pinagkwentuhan namin.
***************
"Mabilis lumipas ang mga araw at buwan, huling mga araw ko na sa kolehiyo. si Sika pinursige na ang pagiging designer nya. Ako, heto busy.. my 'exhibit' kasi ang department namin. Ilang portrait din ang nakadisplay na nakapangalan sa akin. Kasama na ang portrait na nagpanalo sa akin sa isang convention noong nangangarap pa lang akong maging photographer.
Gusto nyo bang malaman kung sino ba yung lalaking nasa portrait ko. Kung si Grei ang nasa isip nyo.. mali kayo sya ang unang naging boyfriend ko nung high school. Bakit sya?, hindi ko nga rin alam kung bakit sya.. at kung bakit my kopya pa ako ng litrato nyang yun. Siguro kasi.. hindi masyadong maganda ang storya namin bigla na lang nawala. Nung mga panahon na yon.. ay masakit pa sa akin ang nangyari noon kaya siguro yun din ang nakikita nila sa portrait na yun.
Maraming tao dito sa auditorium na pagdarausan ng exhibit, kaya medyo maingay.. nakarinig ako ng bulung-bulungan.
"Hindi ba sya yung nasa portrait ni Shaya?"
Pagkarinig ko nun, kahit ako nagulat. Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko, Anong ginagawa nya dito?, sa totoo lang yun nga gaya ng sabi ko hindi naging maganda ang pagtatapos ng relasyon namin basta na nga lang nawala. In short.. iniwan nya ako ng walang pasabi.tapos ngayon heto sya sa harap ko at nakangiti.
"Kamusta na.. Shaya?"
Tinignan ko lang sya.. naghahagilap pa ako ng sasabihin ko .
"Anong ginagawa mo dito?";
"Binibisita ka",nakangiting sabi nya
Sa sobrang tagal nyang naglahong parang bula ang kapal pa ng mukhang magpakita. Halos kapareho na nga ng mga ibang kwento ang storya ng buhay ko. Kahit ayoko mang masabihan na gaya gaya ako. Pero ganun talaga eh.. ganon ang naging takbo.. bakit may mga lalaking kayang mangiwan ng walang pasabi tapos babalik ng parang kahapon lang sila umalis.
"Pwede ba tayong magusap?,tanong nya pa.
Katulad nga ng sinabi ko rinding rindi na kayo sa dialog na ganito" wala na tayong dapat pagusapan",kung wala ka namang ibang gagawin dito umalis ka na lang.."
Nagtilian ang lahat nang nandito.. napaigtad ako ng may humapit sa bewang ko..
Napitingin ako sa kanya.. 'si Grei'
"Hi.. asukal", nakangiting bati nya sa akin at hinalikan ako ng mabilis sa pisngi.
At ibinalik nya ang tingin sa lalaking nasa harap namin. Ni minsan hindi ko ikinwenti kay Grei ang tungkol sa kanya. Dahil wala naman ng dapat ikwento.
Tinitigan ako ni Grei, waring nagtatanong pero hindi ako nagsalita. Inilahad naman nya ang kamay nya sa kaharap namin.
'Adam Grei.. pare.. nakangiting pagpapakilala nya."
"Marco'; nagshakehands sila
'Kunin ko lang "GIRLFRIEND KO", sige may diin na sabi nya sabay hatak sa akin paalis...