Shaya 6.1

55 0 0
  • Dedicated kay tsuzumiLAVMsSungit
                                    

My loves,
Anong iniisip mo at naka ngiti ka?
Ako ba yan?sabi ni Grei habang papalapit sa akin.., nakapag palit na pala sya ng damit..

Hindi noh!, bakit naman kita iisipin eh, nandito ka naman..

Ngumiti na naman sya.., kinikilig ako honey.. ang ganda mo kasi..

Heh!, gutom lang yan..
Halika na.. luto na..

Lumapit naman sya at tinulungan akong maghain..

Habang kumakain kami, bumanat na naman itong si Grei..

"Happy Monthsary!"..everlasting love..

Napatingin naman ako sa kanya..

Monthsary?,
Monthsary ba namin ngayon?..

Ngumiti lang sya,
Naka one month na tayo.. tuloy-tuloy na to'
Wag mo akong pagsasawaan ha, kahit laging may mga tumitili, at nagpapapicture sakin.. Sayo lang naman ako eh.


Isang buwan na pala ang nakalipas mula ng sinagot ko sya.. Ang inakala nyang sinagot ko siya..

Sorry...  nakalimutan ko.. sabi ko naman
Bigla tuloy akong naguilty..


Ngumiti parin sya,
Hindi mo nakalimutan..
hindi ka lang talaga expressive.. mahal..
Basta kasama kita.. masaya ako

Hay naku. Bakit ka ganyan grei..
Kung ganyan ba naman ang boyfriend mo sobrang understanding.. babawiin mo pa ba na sinagot kuno mo sya.. hindi, kahit anong pigil mong wag syang mahalin ng todo.. hindi mo mapipigil..
ang swerte ko!
Ang swerte swerte ko..

Naguumpisa pa lang ang relasyon namin
Pero ganyan na sya. Simula pa lang naman talaga ganyan na sya.. nasanay na nga ako.. kung ano-anong tinatawag nya sakin at lagi nyang sinasabing mahal nya ako.
Nasanay na rin sya na ganito ako sa kanya..tinatawag ko lang sya sa pangalan nya.
Walang kasweetan. Kasi naman.. baka langgamin na kami.. kung sasabayan ko pa sya sa kasweetan nya.


Natahimik lang ako hanggang sa matapos kaming kumain.. sya na rin ang nagprisentang magligpit..
Kaya dumeretso ako a kwarto nya at nagpalit ng damit.


Umupo ako sa sofa nya.. at binuksan ang tv. Wala nang magandang palabas gabi na rin kasi..

Nasa dulo ako ng sofa at naramdaman kong tumabi sya sa akin.
Hinawakan nya ang kamay ko.

Bakit ang tahimik mo? Babes..
Ok lang naman sa akin..
Wag ka nang ganyan..
Tarayan mo na lang ako.. sige na,

Hinila ko naman ang tenga nya.

Aray!, naman honey..!

Nga pala... love.. aalis ako nextweek.

May rarampahan ako sa London.

Napatingin naman ako sa kanya..
Ganon na ba sya kasikat?

Isasama kita babe..
Ayokong iwan kita dito baka ipagpalit mo ako..

Ilang araw ka ba don? , tanong ko sa kanya

One month.. honey.,,, sabi nya habang kinakalikot nya ang kamay ko.

Pano ang pasok mo sa school?

Alam na nila yun.. nakakahabol naman ako eh, tsaka ilang araw na lang wala ng klase di ba?

Isang buwan lang pala eh,
Kelan ba?
Ihahatid kita sa airport

Hindi ako pwedeng sumama, may mga trabaho ako.. tsaka si mama walang kasama sa bahay, maghaholiday pa naman.. alam mo namang kami na lang ni mama sa bahay,

Eh.. kasi hindi kita makakasama sa christmas at new year, Love..

Nandun di ba ang parents mo sa london?

Oo, sa kanila ako didiretso pagkadating ko doon.. Asukal..

May skype naman.. may viber pa..sabi ko

Kahit saan ka naman magpunta hindi naman tayo laging naguusap eh..

Yun na nga eh.
Tamad kang replayan ako .. nakangusong sabi nya...

SuperModel's Girl : ShayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon