Medyo madilim na rin nagsimula ang fashion show.
Nandito ako sa pinakaharap hawak hawak ang camera ko.
Ang daming tao, halos nandito yung mga kilalang artista.
Konting space lang ang distansiya ko sa mga tao na nanunuod ng palabas na ito.
si Sika? Ayun..
Nagpapaka manager kay Hanns.
Isa rin kasi itong modelo, at ako,?
Hindi ko masabing isa akong sikat na photographer, para sa akin "hilig ko ito"
Pero masasabi kong busy akong tao, yun na lang.
Nagsalita na ang MC"
At hindi rin nagtagal lumabas na ang mga modelo, sunod-sunod din ang flash ng camera ko.
Unang rumampa ang mga naka casual attire, mix ang pagkakasunod sunod ng mga modelong rumarampa.
At talagang humarap pa sa akin si Hanns at tila nagpapakuha talaga ito.
Halos mabingi ako sa tilian dito sa loob ng pinagdarausan ng fashion show na ito ng isang sikat na designer.
Hindi na ako nagtataka kung bakit sa tuwing lalabas ang boyfriend ko ng naka casual, topless at formal ay dumagundong ang lugar na ito sa hiyawan at tilian.
Sobrang sikat na nga nya, akalain mo dati-rati simpleng pa model model lang sya noon...
Pangatlong araw na namin ni Sika sa convention na ito.
Huling araw na kaya naman medyo hindi na gaanong ngarag ang ginagawa ko, tapos na rin ang mga presentation at mamaya ay mag aaward na,
Hindi ko nga akalaing mapapasali pa ako dito ss final samantalang simpleng mukha lang naman ng isang lalaki na nakatingin sa malayo ang portrait na pinasa ko.
Tatlong araw na ring may nangungulit sa cellphone ko, tumunog na naman ito at parehong tao .. simula ng unang araw ang laman ng text na narecieve ko.
From : SuperHangin
"Hi!, Shaya...
Wala kbng apelydo?
Gus2 m bng apelydo q nlng ang ikabit m?
Aq nga pla ang gwapong model na c Adam Grei. ♥
