Isang buwan lang yun, mabilis na lilipas yun.. sabi ko sa kanya
Oo... sabi ko nga mabilis na lilipas ang isang buwan at hanggang ngayon hindi pa kami naguusap ni Grei.
Isang linggo na mula na malaman ko kay Sika na nakauwi na si Grei from london pero hindi man lang nya ako tinitext o tinatawagan man lang..
Nakaka walang gana pala talaga,
Kapag yung nakasanayan mo bigla na lang nawala.
****
Magkakasama kaming apat papunta sa airport..
Ako, Sika, Hanns at si Grei
Inihatid namin yung dalawa sa airport ngayon kasi ang punta nila sa london.
Wala na kaming klase christmas break na kasi..
si Sika.. daldal ng daldal, nandun silang dalawa ni Hanns sa likod ng kotse.
Tawa lang ng tawa ang dalawa samantalang ako tahimik lang sa tabi ni Grei habang nagdadrive.
Oy... mag everlasting love!
Bakit ang tahimik nyo?
sabi ni Sika.. si Hanns naman nakatingin lang..
Madaldal kana, mamaya naman iiyakan mo yang si Hanns mo.. sabi ko.
Bakit?" Hindi mo ba iiyakan si Adam mo?
Aba malayo ang london teh!
"Hindi...! bakit ko naman iiyakan yan?
Tuwang tuwa pa nga yan at a wakas makakalayo sya sa akin.
"Grabe ka naman sa akin, honey! sabat ni Grei
Deretso lang ang tingin ko sa labas ng bintana
Dahil kahit ako hindi ko alam ang nararamdaman ko..Hindi ko naman gawaing pigilan sya sa lahat ng ginagawa nya.
Nandito na kami sa departure area.,
Ayun si Sika.. halos maglupasay na..
Ako? Hindi ako umiyak..
Bakit naman di ba?
Sige na.. baka mahuli ka pa..
Magiingat ka doon ha.?
Tumango-tango naman sya.. para syang bata..
Ako na ang lumapit at yumakap sa kanya.
Hindi ko na itatanggi.. mamimiss ko naman talaga siya..Humigpit ang yakap nya sa akin.
"Wag kang umiyak.. ano ka ba!
Makita ka ng mga fans mo..
Umiiyak ka diyan. Asar ko sa kanya.
Hindi ako umiiyak.. tanggi nya
"Makinig ka, isang buwan lang to'
Focus ka lang.. pag-igihan mo ang trabaho mo okay?.. magkayakap pa rin kami habang sinasabi ko yun sa kanya.
Humiwalay na ako sa yakap at hinawakan ko ang mukha nya.. at nagtitigan kami..
Teary eyed. Ang loko.. ano bang lalaki to'
Hindi ka ba umiyak nyan?
Umiling naman sya..
Hinalikan ko sya sa pisngi.. sa unang pagkakataon.
Pareho kaming ngumiti.. mas malawak nga lang ang kanya. At niyakap ko ulit sya.
"I Love you.. babes...
Sabi nya.. sa akin.. hinagod hagod ko naman ang likod nya at tumango tango ako bilang sagot sa kanya..