Habang tumatagal nakikita kong hindi na komportable si Shaya, kitang kita ko sa mukha nya na hindi nya gusto ang nakikita nya. Ilang shots na lang...
Nakatopless si Adam, si Shantell naman ay sexy ang suot..
Kahit hindi na magsalita si Shaya, alam na alam ni Shantell ang gagawin..
"Last three shots, guys! Break muna... sabi ni Shaya sabay talikod. Nilapitan ko naman siya at inabutan ng tubig..
'Kaya pa Sha? Tumango naman sya at nirereview ang mga shots. Nilingon ko naman yung dalawa, gaga talaga tong Shantell na to..
Kahit nakatayo dun sa sulok yung boyfriend nya, kung makalingkis kay adam wagas. Ngumiti pa sya sa akin.
Kita ko ang pagkunot ng noo ni Sha, habang umiinom ng tubig
Don't worry.. Sha! Trip lang nila to,Nakita kong nakatingin sa gawi namin si Adam, tinanguan ko lang sya..
Kinuha ko ang kamay ni Shaya, " Sha... masyadong tense ang kamay mo.."relax, three shots na lang.. sabi ko..
Tumango sya at humarap na ulit sa pwesto nya.." Lets continue', sabi nya lang at sa camera nakatingin..
The photo shoot.. went on, kung hindi sa abs nakahawak si Shantell, nakayapos naman sya.. gagang babae mapapatay ka nyan sa ginagawa mo.. isang shot na lang..
Nagulantang ako sa tanong nya kay Shaya
"Is it okay, if we kiss?", ngumiti pa sya ng pangasar, si Adam.. poker face parang wala lang.. tinignan ko din yung boyfriend nya. Ngumiti lang ito.
"Why're you asking me?, balik na tanong ni Sha.
"Just kiss., if that's what you want..' medyo tumaas ang boses nya.. naku nabubuhay na ang hindi dapat mabuhay..
Ngumiti naman si Shantell at tumingin kay Adam. At unti unti nyang nilalapit ang mukha nya sa mukha nito, halos magkalapat na ang mga labi nila ng biglang isang mabilis na click ng camera ang nadinig ko at mabilis na tumalikod si Shaya..
"were done," I'll go ahead..' Lets go..Sika"
Nagmamadali ko naman kinuha ang ibang gamit namin at sumunod sa kanya..
Sha.., sandali lang! Ang bilis mo naman.. inabot nya sa akin ang kamera at kinuha yung tubig...
