33

41 0 0
                                    

Nasa labas na kami ng auditorium, "hindi ako pwedeng umalis Grei.." tumigil ako sa paglalakad.

"Bakit dahil ba sa lalaking yun!, tumaas ang boses nya.

Nagtitigan kami," hindi.. may exhibit ako di ba?, ano ba.. utak nga Grei",

Sha..", ok lang ako ng bahala', singit ng organizer namin at ngumiti..

Tumango lang ako at mabilis na lumakad papuntang parking. Sasakay na sana ako sa kotse ko ng pigilan ako ni Grei.. humigpit ang pagkakahawak nya sa braso ko.. kailangan ba talagang ganito, ang magaway kami.

'Where do you think your going?"

Uuwi na!, inis na sagot ko..', "yung braso ko",

Hinila ko ang braso ko.. ang hapdi"

Papasok na sana ako sa kotse ko ng may magsalita sa gilid ko.

'Ate shaya' tawag nya sa akin, nilingon ko sya, medyo malungkot ang pagkakangiti nya.

'Sheena', para akong biglang nanghina ng yakapin nya ako.

Narinig ko na lang na mabilis umalis si Grei sakay ng kotse nya.

'Ate Shaya.., gusto ko sanang magbonding tayo kaya sumama ako kay kuya. Pero bad timing yata ako.. "Sorry po",

Ginulo ko naman ang buhok nya at niyakap (side hug). "Wag mo ng intindihin yung nakita mo..' san mo ba gustong pumunta?"

'Grabe din pala tong si Sheena magshopping, kung ano ang matipuhan sige-sige lang.. masyado yatang spoiled itong kapatid ni Grei", nagdadrive na ako. Pero san ko nga ba ihahatid to?"

'San kita ihahatid?",tanong ko ...

Nilingon nya ako at nginitian

'Sa condo ni kuya... ate!', nagpaalam na ako kina mommy at daddy and they said na kay kuya ako tutuloy..' Alam mo ate lagi kang kinukwento ni kuya sa amin. Kung gaano ka nya ka love.. everytime na sinasabi nya yun kitang kita sa mga mata nya. Nakangiting sabi sa akin ni Sheena.

Mahal na mahal ko rin ang kuya mo.. Sheena kung alam mo lang', sabi ko sa isip ko. Nginitian ko lang din sya. Bilang sagot. Huminto na ako dito sa tapat ng condo ni Grei.

" hindi ka ba papasok ate Shaya?, pasok ka muna',

'Hindi na Sheena'

"Sige.. po ate Thank you ah!" Niyakap nya ako bago sa dumeretso papasok ng condo.. kumaway pa sya.."tumango lang ako at dumeretso ng bahay.

Pagkapasok ko sa loob.," Ma, tulog na po ako.. paalam ko kay mama at pumasok na sa kwarto ko.

Sinilip ko ang cellphone ko kung may message sa akin si Grei. Pero nagulat ako ng ni isa walang galing sa kanya, "Nagselos ba talaga yun?, hindi naman ako manhid para hindi maramdaman yun.. 'ang lakas ng topak nun'- imemessage ko ba?, sa tinagal naming magkakilala ngayon ko lang yata na isip na imessage sya.

Anong klaseng girlfriend ba ako?, tinawagan ko na lang si Sika.

'Isang himala!, Sha.. ikaw ba talaga ito?, bungad sa akin ni Sika sa kabilang linya.

'Himala ba talaga na tumawag ako?"

'Oo, noh!, halos ibaul mo kaya yang cellphone mo.. 'may problema ba?, bat napatawag ka?

Si Grei kasi------ "Sasabihin ko ba?",

'Oh,? Ano si Adam?

Hay.. sabihin ko na nga..

Di ba may exhibit ako kanina, "Dumating si Marco'

'Ano!!!!!!!", sigaw nya kaya napabangon agad ako.

"Wag ka ngang sumigaw',

Sorry , oh, eh.. anong konek ni Marco, kay Adam mo?

'Nakita nyang magkausap kami ni Marco.. bigla kasi syang sumulpot kanina.. tas nauna lang si Marco hindi ko nga alam kung anong ginagawa nya doon kanina. Akalain mong buhay pa ang isang yun Sii.

'Let me guess, Sha.. 'Sinabi ba sayo ni Marco na 'pwede ba kayong magusap?'

Uhmmmmmm', tumango tango pa ako kahit nya nakikita.

'At yun nga biglang dumating si Adam mo.. nakita kayo?,

'Oo-',sagot ko

'Nagselos si Adam mo.. Sha",

'Bakit naman sya magseselos?eh---', hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita agad si Sika.

'Eh.. kasi sya yung nasa exhibit mo hindi ba?, ayun na yun! Nagselos nga yun. Ganyan talaga ang mga lalaki Sha..

'Pero.. lipas na yun..,Sii, alam mo naman di ba?,

'Oo.. nga.. lipas na nga yung kutong yun.. pero magseselos at magseselos pa rin si Adam mo, alam mo naman kung gaano ka kamahal nun eh..'halos itago ka nun sa bulsa nya"

"Anong gagawin ko?'

'Ahayyyyyy!, ang bestfriend ko lumalandi na rin sa wakas.. hahaha"

"Sira!, ano nga kasi.. natatawang sagot ko

'Simple lang Sha, lambingin mo!'iassure mo na sya lang ang mahal mo', sabi nya

'Sigurado ka?, baka hindi naman gumana yan Sika.. wag na yun mahal ko naman talaga si Grei eh"

"Ano ka ba!, oo nga alam kong mahal mo. Eh, sya ba alam nya?, ni minsan nga hindi ko narinig na sinabi mo sa kanyang mahal mo sya. Sa akin sinasabi mo eh sa kanya?, nakakakilig kaya yun Sha..', naku!, naiimagine ko na ang itsura ni Adam mo kapag nag "I love you' ka sa kanya.

" parang ayoko, wag na.. hayaan ko na lang syang magtampo'

'Gaga ka ba?, Sha!!!? , mamaya nyan makahanap yun ng iba, kasi hindi ka sweet sa kanya. Kahit minsan lang sabihin mo yang feelings mo para sa kanya. Hindi naman araw-araw kung hindi mo kaya, kahit minsan lang okay na yun.

'Tsssssss...., pagiisipan ko sige na.., salamat"

"Wag mo ng patagalin yan.. Sha', baka maengaged na naman yung boyfriend mo ng wala sa oras.. naku",

"Oo na!, sige na.. ako ng bahala'

'Yeeeeeeh!!, kaya mo yan , kwentuhan mo ulit ako.. love you.. Sha'

'Bye/'

SuperModel's Girl : ShayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon