Sika's Pov"
Hoy! Babae.. tulala ka na naman?, move on na.. talagang ganyan ang buhay walang permanente...
Hoy!" ano ba!! Galaw galaw.. baka nakakalimutan mo may Fashion Show ka mamaya.. bunganga sa akin ni Shaya.
Eeeehhhh! Sha.. hanggang ngayon kasi hindi ko mantindihan bakit nangyari sa akin to", litanya ko
Nandito kami ngayon ni Sha sa condo ko, at nakasalampak lang kami dito sa sofa. Yes... lumipas na ang isa na namang taon at ang hinayupak na Hanns na yon! Arrrrghhh... nakakainis talaga sya.. magsama sila ni Adam na yun.. isa pa sya! doon na ata balak tumira buti na lang talaga malakas ako kay Adam mwehehehe...
Aray!!!, makabatok naman.. bestfriend, opo! Binatukan nya lang naman ako.
Grabe talaga tong babaeng to' anyare dito at naging brutal ng ganito to lagi nalang akong nakakatanggap ng kaliwa't kanang hampas galing sa kanya araw araw..
Kung itatanong nyo ang amnesia nya, improving na.. may naalala na sya pero hindi ba fully recovered. Pero nagcocomunicate na sila ni Adam minsan lang kasi ang lola nyo. Tamad talaga puro "Hi/Hello" lang. puro trabaho. Lagi ngang may kung ano anong darating dito sa condo ko galing sa mga suitors nya. Dito sya nakaadress kasi daw kung sa bahay nila ayy naku! maloloka daw sya kay tita. Ang ganda kasi ng lola nyo pwede nga syang modelo eeh. Kaso hindi ko talaga mapilit na rumampa para sa akin. Okay na daw sya na taga kuha ng litrato.
Ayyy... ito nagtatalak na naman....
Paanong di kita babatukan ha, ilang buwan na ba kayong wala ng Hanns mo?
Lima??? Oo limang buwan na simula ng umalis din sya.
Flashback"
*Kring.......
*Kring.......
*Kring..........
Aba.... ayaw mong sumagot ha, malilintikan ka talaga sa aking Hanns ka! Anong oras na oh? At ni hindi mo man lang naalala kung anong meron ngayon.
Nandito lang naman ako sa labas ng condo nya, at anong oras na? Alas onse na nang gabi ay wala pa sya. Eh kanina pa natapos ang schedule nya ngayong araw.
*Kring...
Hoy! Lala---
Hello? Pwede ba.. wag ka ngang storbo kung sino ka man!
Hoy!!!! At sino ka naman sa akala mong babae ka at ikaw ang sumagot sa tawag ko ha!... naku! Lalaki ka humanda ka talaga sa akin makikita mo.. arrghhh!
Hey! Baba-kit na-sayo -yan!
May tumawag sayo.. sinagot ko lang babe,
Si Hanns yun ah.. asan ba tong lalaking to?
At may pa babe babe pa.. tong babaeng baboy na to.
Hoy! Babaeng pakialamera! Pakisabi diyan sa lalaking yan.. kapag hindi ko pa sya nakita dito sa condo nya sa loob ng limang minuto! Malilintikan sya sakin!! Naiintindihan mo!!
Si-Sika ba---
Pinatay ko na agad ang tawag...
Limang minuto... para akong ewan sobrang inis ang nararamdaman ko. Paulit ulit kong kinakalampag sa dingding ang paa ko. At paulit ulit ding tumitingin sa relo ko..
Isang minuto.......
...
....
.....
