Aray!, ang sakit ng ulo ko. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid, hindi ako nananaginip kagabi si Grei talaga yun. Nasa condo nya kami.
Dumeretso ako sa banyo para ayusin ang sarili ko, isinuot ko ang isang t-shirt nya bago ako bumaba.
Naabutan ko sya sa kusinang nagluluto, nakaapron pa sya.
Good morning...' bati ko sa kanya
Pinipilit kong alalahanin kung anong pinagagawa ko kagabi. Baka kung anong nagawa ko, nakakahiya.
Good morning Love, here drink it.
Inabutan nya ako ng isang baso ng juice. Bakit ngiting ngiti ang isang to?. Umupo ako at ininom ang juice.
'Bakit ganyan ang ngiti mo?, may nagawa ba akong nakakatawa?'
'Wala... babe', masaya lang ako:'
Inihain na nya ang niluto nyang pagkain, lumapit ako sa kanya. Dahil may nakita akong kung ano sa leeg nya. Ipinaling ko ang mukha nya para makita ko ng malinaw ang nasa leeg nya.
'Bakit meron ka nyan!?.
"Merong alin, mahal?', nakangiting tanong nya.. nangaasar ba to?
'Yang.....
Yang 'hickey ! Sa leeg mo, may babae ka noh!''Ikaw lang ang babae ko.. honey'
'Do-dont tell me ako gumawa nyan?, imposible!'
Tinaas baba nya lang ang dalawang kilay nya at nakangiti pa.
'May nangyari ba satin?, namumula kong tanong.
Hinila nya ako at pinaupo sa lap nya at niyakap. 'Gusto mo na ba, mahal?', bulong nya sa tenga ko
Kinilabutan ako kaya agad akong tumayo at mabilis na lumipat sa kabilang upuan.
'Tigilan mo nga ako Grei', bata pa ako'!'Tinawanan nya lang ako, takteng lalaki to, lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
'Your blushing... sweetypie',
Relax ka lang... makakapaghintay ako
Papakasalan muna kita','Sobrang init ng mukha ko at ang bilis ng tibok ng puso ko. Hinila ko na lang sya sa tabi ko. ' kain na tayo', aya ko sa kanya.
'Saan mo gustong pumunta babes?, sorry nga pala hindi ako nakaabot sa graduation mo, pinilit ko naman eh'
'Ok lang yun... 'Sorry din', sabi ko, alam ko namang may kasalanan din ako.
'I Love you... Mahal', nakangiting sabi nya.
Kelan kaya ako magkakalakas ng loob na masabi din sayo ang tatlong salitang yan. Grei.... 'tumango lang ako at nginitian sya pabalik.
'Let's celebrate sweetypie!', hindi ako nakasama sa celebration nyo eh, kasama pa yung magaling mong EX'
Nanlaki ang mata ko, ' nasabi ko ba yun sayo kagabi?, tanong ko sa kanya.
'Oo, asukal .. ', dont worry hindi na ako magseselos. 'Alam ko namang ako ang mahal mo , lipas na uun diba?"
Nakangiting sabi nya.
'Saan mo gustong pumunta babes?, may pahinga ako sa trabaho eh. Tsaka yung monthsary natin hindi na natin nacelebrate ..'
'Bakit ba kailangan pang icelebrate yang monthsary?' Takang tanong ko
'Syempre kasama yun Love', akalain mong napagtiisan kita'!, sabi nya pa
"Ah.. ganon , sawa ka na ba sa akin Grei?"
'Biro lang asukal, to naman, hinding hindi ako magsasawa sayo no', mahal na mahal kaya kita',
' kahit makalimutan kita?', hindi ko mantindihan bakit yun ang lumabas sa bibig ko.
'Hindi mo ako makakalimutan, nasa puso mo ako eh di ba?, ',sa utak siguro baka?, pero sanggang dikit kami ni LORD. Hindi nya hahayaang makalimutan mo ako. Tsaka hindi mo hahayaang mawala ako sayo. Mahal mo ako di ba.. mahal?'
"Lakas tama ka na naman Grei", pinisil ko sya sa ilong nya.
'Oo nga!, sanggang dikit kami, at kung sakaling makalimutan mo man ako..
Hmmmm...'hindi ko ipipilit ang sarili ko sayo'
'At bakit?, maghahanap ka na ng iba ganon?
'Hindi ah, kasi alam ko maalala mo ako, nandito lang ako maghihintay na bumalik ka sa akin'
'At talagang tiwalang tiwala ka ha?"
Niyakap nya ako.."oo maaalala mo ako, sa akin mo lang mararamdaman ang yakap na ganito!::, hinigpitan nya pa ang yakap nya sa akin. At humabol pa ng halik sa pisngi ko.
"Ano babe bakasyon na tayo?
"Sige, kahit saan ikaw na ang bahala, ilang araw ba ang pahinga mo?"
."one week sweetypie..."makakabuo na tayo nun,' natatawang sabi nya
'In your dreams.. Grei'
Sama natin sila Sika ?Bigla syang napasimangot.. hahaha ang cute talaga ng boyfriend ko
(Dedicated sa kanya(blackdemione26) to thank you sa pag add sa reading list" bigyan nyo po aq ng feedbacks!'pls....)