Halika na, iuuwi na kita lasing kana. Ikinawit ko na ang kanang braso nya sa akin at hinawakan sya sa bewang
"I'm sorry.. babes, naglasing ako, I know galit ka sakin.
Hindi ako umimik at inaakay ko lang sya palabas..
"Nasan ang susi ng kotse mo?,
"Nasa bulsa.. mahal,'
Tinanguan ko na lang si Sika kasama si Shantell na nasa may counter.
'Please, honey', don't break up with me", sabi nya..
Ikinabit ko na yung seatbelt nya at pinaandar ang kotse.. iuuwi ko sya sa bahay.
'Hindi kita hihiwalayan, iuuwi kita"
"Saan tayo uuwi.. babe?, nakapikit nyang tanong sa akin.
"Sa bahay namin",
" ah.. si--- , wag mahal baka makita ako ni mama na ganito ako, lasing..
'Sabi mo kanina ginusto mo yan?, inaasar ko sya. "Anak ka ba ni mama ko at tinatawag mo syang mama?
"Magiging anak nya ako, " ngumiti sya kahit nakapikit na sya.
"Iuuwi kita para makita ni mama kung anong klaseng boyfriend ang meron ako'
Loves, please wag ngayon nakakahiya kay mama. Gustuhin ko man makita si mama mo, dahil ipapakilala mo na ako pero lasing ako eh.."
"Wala akong narinig' asar ko sa kanya. Basta iuuwi kita. Natawang sabi ko pa..
Pagkatapat namin sa bahay bumusina ako ng dalawang beses, kaya naman humahangos si mama palabas ng bahay. Itsura naman nito ni mama, ngarag na ngarag ano ba ng pinagagawa nito. Lumabas ako ng driver seat at sinalubong ako ni mama ..
Oh!, anak", kaninong kotse itong dala mo?,
"Kay jowa", sabi ko
Nagtatalon si mama,'nandyan ba sya anak?, ipapakilala mo na ba sakin ang gwapo mong jowa?,
Hinila ko naman sya sa kabilang pinto kung saan tulog na si Grei, 'opo mama.. nandyan sya"
Ngiting ngiti pa sya, bakit hindi mo naman sinabi?, tignan mo naman ang itsura ko anak. Hindi pa nga ako nakakapagluto.
"Ano po bang inaatupag nyo mama?.,
Wala naman..., telebabad lang kami ni balae ko' nakangiting sabi nya
"Sino pong balae mo?"
"Eh di.. yung bff ko na ina ng boyfriend mo,"
'Hindi ko pa naman po asawa si Grei', wag kayong atat',
"Basta, future nga anak eh",
Binuksan ko na yung pinto, nanlaki ang mata ni mama
"Anong nangyari dyan?, tanong ni mama
"Malay ko po dyan kung anong kinain at naginom magisa."
'Hala naku!, halika na at dalhin natin sa loob', inakay namin si Grei papasok sa loob ng bahay at inihiga sya sa sofa. Ayoko nga sa kwarto ko, pagbalik ni mama galing sa kusina may dala syang planggana na may lamang maligamgam na tubig at towel.
'Oh, anak punasan mo na sya"
'Ayoko po ma, ikaw na.. pagtanggi ko'
"Naku baka pagkamalan nya akong ikaw at mahalikan ako'
OA.. nitong si mama.. aba may pagnanasa pa yata" tsss... ayos lang po ma.. ", tinapik tapik ko pa sya sa balikat. Napailing na lang ako
'Oh sya.. kumuha ka ng isang t-shirt dyan sa kwarto mo. Madami ka namang loose shirt di ba.'
Ilang oras ding nakatulog si Grei at pasado alas syete na nang gabi sya nagising.
'A-anak!, gising na sya!, sigaw ni mama
Binantayan kasi ni mama si Grei para na nga stang ewan na nakatitig lang sa kanya kaya iniwan ko sya at dumeretso sa kwarto.
Pagbaba ko galing sa kwarto, nakita ko si mama na ang lapit lapit ng mukha sa pupungas pungas na si Grei, napatayo naman sya ng tuwid ng makilala kung sino ang nasa harap nya, yumuko naman sya't nagmano kay mama.
"Good evening po mama', ako po si Adam Grei.. boyfriend po ako ng anak nyo..
bati nya kay mama.. kumamot pa sya at nagulat sa sinabi nya.. ti--- tita po pala, sabay bawi nya...
Nagulat ulit sya ng bigla syang yakapin ni mama."naku ang gwapo gwapo mo nga' "mama.. mama...'wag ng tita ha' sabi ni mama
Hinawakan ni mama ang mukha ni Grei, at pinisil ang magkabilang pisngi nito.
'Ang gwapo gwapo mo nga'ulit nya pa..
'Anak!, tawag nya sa akin
'Po!,
'Pwede bang ikiss ko itong jowa mo?"
Lumingon naman silang dalawa sa akin, malaki pa rin ang mata ni Grei, natawa naman ako." Sige lang po Ma..'
At ayun nga.. pinupog sya ng halik ni mama.. tawa lang ako ng tawa.. Niyakap naman ni Grei si mama.
'Mama... sorry po' sabi nya pa
'Wala yun anak', basta wag ka ng papayag na dalhin ka dito ng anak ko ng lasing '
Halika... tayo ng kumain. Tikman mo ang niluto ko.. hila hila sya ni mama ng lingunin nya akong nakasunod lang sa kanila..
Nang biglang may nagdoorbell"
Anak puntahan mo nga.. kung sino yun' utos ni msma ng hindi ako nilingon at ayaw nang bitawan si Grei..