isang linggo nag skype kami, sabi ko kasi wag na siyang tumawag at skype na lang
para talaga siyang bata, pinakausap pa nga nya sa akin yung younger sister nya.
may kapatid pala siya, ang kulit din na bata.
si Sheena na nga ang lagi kong kausap, ang cute nya nakakatuwa,
"Sa totoo lang noon ko pa alam na engaged na siya, si Sheena mismo ang nagsabi sa akin, lagi daw nya kasing nakikita si Shantell sa bahay nila.
mula ng malaman ko yun., hindi ko na kinausap si Grei
Sinabi ko lang na sobrang busy ako. kahit nung holidays kami lang ni mama ang magkasama.
si Sika at Hanns sa bahay nila Sika nagcelebrate.
Isang buwan akong walang kibo, hindi na din ako nag-oonline sa kahit anong social media sites simula noon. kahit ang cellphone ko hindi ko tinitignan, kaya sa bahay lagi ang tawag kapag may projects akong natatanggap.
wang alam si Sika, nung nakaraan nya lang nalaman kasi lumabas na sa isang magazine sa london. hindi ko nga alam kung paano siya nakakuha non,
Siguro galing kay Hanns...