Sha,? tanong ulit ni Sika...
Halika na gutom na ako, sabi ko nalang sa kanya.
Habang nakaupo kami sa cafeteria parang mga bubuyog. Ang mga taong nandito sa dami ng nagbulung bulungan.
Sabi sayo!.. hindi na sila ni Shaya e.."
Epal kasi yang si Shaya. Feeling maganda"
At kung ano - ano pang mga bulungan ang narinig ko..
Iniabot naman sa akin ni Sika ang inorder nya para sakin..
Uwi na lang tayo Shaa..."
Mamaya, sayang tong inorder mo..
Hayaan mo lang sila.
&&&&&
Shaya!.. anak!"
Nakahiga lang ako dito sa kwarto ko sa bahay, dumiretso kasi ako dito pagkatapos ng klase ko.
si Sika naman may gagawin daw..
Ewan ko sa babaeng yun.
Shaaaaa..." tawag ulit ni mama
Po!,
May tawag ka yung boss mo daw na si Ricky! May magandang project daw para sayo. Pumunta ka daw sa office nya.. the day after tomorow.
Sige po.. ma"! Sigaw ko.
Nakadapa ako sa kama ng pumasok si mama.
Anak" nandito naman ako.. pwede mong sabihin sa akin ang nararamdaman mo..
Bumangon ako at umupo ...
Ma" ok lang po ako..
Hindi mo pa nga pinakikilala sa akin ang boyfriend mong yun. Pero lagi ko namang nakikita sa TV at kung saan-saan pa ang mukha nya.
alam ko naman alam na ni mama..
Imposibleng hindi nya alam..
Kahit wala akong sabihin..
Siguro napansin nyang lagi akong ganito pag nandito ako sa bahay...
Ma" kahit ako hindi ko alam.. kung anong nararamdaman ko.
Kausapin mo sya anak..."
Baka naman ipinilit lang yung hilaw na babaeng yun sa gwapo mong boyfriend.
Ganyan talaga ang mayayaman, nirereto ang mga anak, para lalong yumaman..
Bahala na... Ma" sige matulog kana alam kong busy ka din magpayaman.
Hay naku.. Anak" para sa atin to! Wag kang magalala babalik sayo yung boyfriend mo, ang ganda ganda mo kaya..
Syempre manang mana ka sa akin eh.Tinulak tulak ko nalang si Mama palabas ng kwarto ko....
Hindi ko na pinakinggan si mama kung ano-ano pa kasi ang sinasabi ni mama. Pagkalabas ng kwarto..
"Nyt Ma....."