Maraming mga larawan at mga memories ang nagflashback sa isip ko simula ng araw na yun. Yung araw pa lang na umalis sya at pumunta ng london dun pa lang may malabong mga images na.
Mahigit Isa't kalahating taon din sya sa london. Ang tagal ko siyang hinintay at Yung araw na pumunta si Grei sa bahay wala si mama ng araw na yun at magisa lang ako sa bahay.. yung gabing yun, kung saan niyakap nya ako. Nang sobrang higpit,Yung gabing inalagaan ko sya dahil nilalagnat sya. Lahat, lahat .. lahat ng alaala ko sa kanya naalala ko na,
kung gaano ako kaswerte sa taong to.. kung gaano ko kamahal ang modelong to...
Ang lalaking hindi natinag sa pagintindi sa ugaling meron ako.
Ang lalaking kahit sobrang sikat sa larangang pinasok nya, ay hindi nagbago ang ugaling meron sya simula noon.. hanggang ngayon.
Ang lalaking walang sawang sinasabi at pinaparamdam na mahal ako.
Si Grei KO', na sobrang sweet pagdating sa akin
Si Grei KO', na sobrang gwapo
Si Grei KO, na ........
Mahal na Mahal ko..
*kring.......
Hello.... Sii?,"
Oh? Sha.. bakit?
Pwedeng magpatulong?
Saan???
"Gu--- gusto kong bumawi kay Grei"
Shit!, para akong ewan... kinakabahan kasi ako, first time kong gumawa ng kung ano para sa kanya."Oh--em--gee!!!!!!!! , naalala mo na?", shocks!, sha.... kinikilig ako... "
"OA mo talaga kahit kelan", tutulungan mo ba ako?"
"Oo naman... wait! I'll call the love birds.. and si Hanns..", punta na lang kami diyan.. pagusapan natin yan!..."
oh... my...""Ewan ko sayo.. Sii... sige i'll wait here...
Bye.."*Beep...
Agad akong lumabas ng bahay dahil sa businang yun. Sigurado sila na to, ang bilis naman nila. Buti na lang at linggo ngayon walang trabaho tong mga to.
Pinagbuksan ko agad sila ng gate at dinamba na agad nila ako ng yakap, si Sika at Shantell para pa rin silang bata kahit 22 years old na.
"Totoo ba Sha? tanong ni Shantell tumango lang ako at humiwalay sa kanila para batiin yung dalawang lalaki sa buhay nila, si Hanns at Marco.
Bumeso ako sa kanila, pagkapasok namin sa bahay sa halip na umupo muna ay dumeretsong kusina si Sika maghahanap daw sya ng pagkain nagugutom na daw sya.
Nakaupo lang kami sa sala habang hinihintay si Sika bumalik., hindi mo ba pinakain yun Hanns? tanong ko
Ewan ko ba?, kakakain nga lang namin eeh,
" Shaa , ano bang gusto mo?", nakabalik na si Sii.. na may kung anong bitbit at juice.. umupo sya sa tabi ni Shantell at lumalapang..
"Hindi ko alam, wala akong alam na pambawi, kaya nga ", hindi pa ako tapos magsalita ng umimik si Marco.
"Magdate kayo.."
'Hindi naman pwede basta date lang, mamaya nyan sa halip na date maging fans day' sabat ni Sika
"I know a place... na pwede.." nakangiting sabi ni Shantell habang nakahawak sa kamay ni Marco.. ang sweet naman masyadong pda.
"Wag ka na magworry.. Sha.. kami ng bahala.. basta iready mo na lang sarili mo.. magpaganda ka', i'll call you later pag ok na ang lahat." Ang swerte ko din talaga at may mga kaibigan akong gaya nila '