I've been watching you for some time
Can't stop staring at those ocean eyes
Burning cities and napalm skies
Fifteen flares inside those ocean eyes
Your ocean eyesNo fair
You really know how to make me cry when you give those ocean eyes
I'm scared
I've never fallen from quiet this high
Falling into your ocean eyes
Your ocean eyes~Napapikit ako habang hinuhuni ang outro ng paborito kong kanta na Ocean eyes by Billie Eilish. Gustong gusto ko kasi ang melody at lyrics. Mesheket kese.
"Yam! Andyan ka na pala. First day of school tapos nagsesenti ka dyan. Drama mo?" Tanong ng kararating ko lang na kaibigan na si Micah.
"Wala pa namang tao. Ano bang ginagawa mo dito? Hindi dito section mo, dun ka na nga!" Sabi ko at pilit na pinapalabas sya sa classroom namin.
"Sandali! Grabe ka naman makatulak. Tignan mo nga, marami ng students. Tsaka may sasabihin kasi ako sayo."
"Ano naman yun?" Tinatamad kong tanong sa kanya pero ang bwiset pinasuspense pa at tumingin sakin ng nakakaloko habang tinataas baba ang kilay nya. Kalbuhin ko kilay nito.
"Si Gideon, dito rin sya nag-aaral." Panunudyo nyang sabi pero binigyan ko lang sya nga nakakatamad na tingin, yung tipong di ako interesado sa balita nyang yun.
"Uy! Bat ganyang reaction mo? Crush mo yun diba simula Grade 1 tayo?"
Oo nga, crush ko si Gideon simula Grade 1 kami dahil lagi kaming tinutudyo. Ngayong pinaalala sakin to ni Micah at sa sinabi nya kaya napangawa nalang ako at bumalik sa inupuan ko kanina. Sumunod naman sya sa akin at tanong ng tanong kung anong nangyari sa akin.
"Para kang bata dyan. Tandaan mo, highschool na tayo kaya dapat wag ka na maging isip-bata dyan. Tsaka ano ba problema mo kay Gideon at nagngangawa ka dyan?" Talak nya sa akin at umupo sa tabi ko.
"Si Gideon kasi. Sila na ng crush nya. Bwiset sya! Pinagpray ko pa sya tapos di naman pala sya mapupunta sakin." Sumbong ko kay Micah habang umiiyak padin na may kasamang uhog pa. Kadiri lang.
"Ba naman yan first day high natin tapos first heartbreak mo pa. Napakamalas mo namang nilalang." Agad ko namang pinunasan ang ang luha at uhog ko bago tumingin ng masama sa kaibigan kong di man lang marunong umalo at makiramdam sa sakit na dinaranas ko ngayon.
"Lumayas ka na nga dito! Tsupe!" Pagtataboy ko.
"Talaga! Lalayas na ako dito kasi kadiri ang uhog mo. Eeew lang." Panlalait nya pa sa akin pero kumaripas din sya ng takbo ng inambahan ko syang ibato sa kanya ang sapatos ko. Bwiset! Di man lang ako kinomfort. Ang sakit kaya ng bata kong puso.
Dinukdok ko nalang ang ulo ko sa lamesa at pinapatahan ang sarili ko. Baka kasi magsidatingan na ang iba kong mga kaklase. Mahirap na baka madamay sila sa kamalasan ko. Sa sobrang panget ng hitsura ko ngayon, baka pumanget na rin buong school year nila. Ayokong mandamay.
"Hello classmate. Ako pala si Liezel." Bati sa akin ng kararating kong kaklase ko daw. Di ko sya namalayan. Magkasingheight lang kami pero napakaayos nyang tignan. Nakabrade kasi ang buhok nya habang sakin naman ay parang dinaanan ng bagyo sa sobrang buhaghag.
"Aah favor lang sana. Pwedeng pasama ako sa comfort room? Di ko kasi alam kung saan CR dito." Nakangiti nyang sabi. Tumango nalang ako at ngumiti kasi naiihi na rin naman ako, kailangan ko na ilabas to bago pa sumabog.
Tumungo na kami sa College Department kung nasan ang CR ng campus. Nalaman ko to dahil minsan na rin akong sinama ng tita kong working student dito. Pagdating namin dun ay halos nasa labas na ang ibang babae na nakapila sa pintuan ng CR.
![](https://img.wattpad.com/cover/226843699-288-k881793.jpg)
BINABASA MO ANG
Ocean Eyes
RandomSi Yamashita Tenorio ay isang ordinaryong dalaga na nagkakaroon ng maraming crush, isa na dun sina Gideon na hinahangaan nya simula nung silay mga bata pa lamang pero napawi rin ang paghanga nya dito nung nagkaroon ito ng kasintahin. Si James na bes...